Linggo, Setyembre 18, 2011

libreng batok

ang topak ko lang.
dahil sa mga pangyayari kagabi, hindi ko napigilang magbukas ulit ng peysbuk para lang mag-stalk. matingnan kung sila pa rin. kelangan ko lang iconfirm kahit malinaw na malinaw na kagabi na OO, SILA PA RIN.

e ano bang nangyari kagabi?

nagpunta ko sa lugar na yun pero ni hindi sumagi sa isip ko na may makikita ako kasi nga naka move na ko. yun yung akala ko. kampante ako na hindi ko siya makikita dahil ilang beses na ko nagpunta dun pero wala na siya, ni anino wala.

maaga ako nagpunta kaya pumunta muna ako sa maliit na sulok dun. nag isip. nagpasalamat.

lumabas na ko. paglabas ko, sa makitid na hallway, andon siya. may kausap na nakatatanda. nagpatuloy ako sa paglalakad dahil hindi naman ako pwedeng huminto at tumingin lang sa kanya. hindi niya ko kilala. at isa pa, nagulat din ako na maamoy makita ko siya.

hindi ko sigurado pero PARANG huminto saglit yung puso ko. hindi siya tumibok kaya hindi na rin ako kumibo. pero napa isip ako. PARANG bumalik sa dati yung isip ko. kung pano niya ko pinakilig. kung pano niya ko titigan. kung pano niya pinaramdam na ang ganda ganda ko. oo me ganon?!

kaso MALABO.hindi pala. I-M-P-O-S-I-B-L-E.

aaminin ko. sumaya ako dahil nakita at naamoy ko siya. napakabango. pero hindi pa pala tapos yung gabi.

pauwi na ko. naglalakad. may nakitang room for rent yung kasama ko kaya napalingon ako. andun siya, SILA. nasa likod lang namin. medyo malayo kaya nakita ko nang malinaw na malinaw ang hubad na katotohanan. sabay silang naglalakad. mukhang ihahatid niya pa nga. hindi man magkahawak ang mga kamay nila, hindi ko naiwasang masaktan ng bonggang bonnga.

kung kanina, huminto yung puso ko nang makita siya, ngayon naman, kumirot. kaya kung iisipin mo, hindi na kelangan pang maghanap ng iba pang pruweba. pwede niyo na kong batukan at sabihing "shungeps!sila pa rin."

ang hirap maging babae?!

Linggo, Agosto 14, 2011

umagang kay.....

hindi ko na alam kung naong mararamdaman ko.

si s1, may gelpren na.
si s2, kakabalik lang sa pagiging single.

una kong nakita si s2. natuwa naman ako. natawa pala. kasi nakita ko nang mangyayari to. na saglit lang yung relasyon niya.

pero nung nakita ko yung kay s1, *sad face

hindi ko maiwasang hindi malungkot. malala pa, tiningnan ko pa yung pictures nila at ni gelpren.

bakit ganon? dapat WALA nang anumang pakiramdam.....

Huwebes, Agosto 11, 2011

dilim ah

masisiraan na yata ako ng bait. ang hirap kasi mamili sa dalwang mundo kung ang daming nakiki ekstra.

ganito kasi yun. nitong mga nakaraang buwan, ang sarap ng buhay ko. masaya. hawak ko oras ko. bery bery light ang buhay. heaven pare. walang dapat ikaseryoso o ikaproblema.

ito na yung pinili kong buhay. life less serious sabi ko nga.

hanggang isang araw...

kailangan ko munang maging seryoso, for the last time. kaso ang hirap pala. kasi bigla na lang sasama yung loob mo kasi nga kailangan seryoso ka ulit. nakakaSTRESS lang.

yun lang. sige bye

Lunes, Agosto 1, 2011

napadaan lang

Mga mambabasa (kung meron man), madalas na po akong makakapagsulat sa blog na ito dahil...tantananan...may hinernet na sa bahay ng lola niyo. Hindi na kailangang magsayang ng kinse o bente or more para mag net shop.bwahaha

Heniwys, wala naman talaga akong entry ngayon. gusto ko lang ipaalala na malamang lamang ang topic ng future entries ko ay:
1. mga entry noong nakaraang buwan pang nakalipas na hindi naiblog...ngayon lang; at
2. si neil etheridge, ang ninja goalie ng azkals ^_^ dahil una, siya na ang bago kong bebe.charot! bago kong inspirasyon dahil wala na akong crush, si bebe neil na lang.hehe

kung maitatanong niya, anong nangyari sa sandamukal kong boys dati.
1. si sakristina 1, matagal nang patay ang damdamin ko sa kanya. tulad nya, naglaho na lang din na parang bula. at hindi na bumalik kahit ilang beses ko pa siyang makita.

2. si sakristina 2, may karelasyon ulit pero hindi ko alam kung ilang linggo o buwan lang yun dahil parang puro fling lang siya. isa pa, ideal siya pero tanggap kong may tendency siyang maging hindi straight.hehe

3.si p'blank, yung basketball player at may swimmer's body, yung aksidente kung makita ko e, ikinalulungkot kong sabihin senyo na wala nang aksidenteng nagaganap.

ibubuhos ko na lang ang panahon at pag ibig at kabaliwan ko kay ninja goalie.wehe.

bagong buwan. bagong crush. nice

neil etheridge is <3 bwahaha

Sabado, Hulyo 30, 2011

SMILE ^_^


In the moments when my good times start to fade
You make me smile –uncle kracker

Everytime I see you face
My heart takes off a high speed chase--lifehouse

Wag mag alala dahil hindi naman hinglish itong entry na ito.

Gusto ko lang yung kanta. Kasi napapangiti ako kapag nakikita ko itong tao na to. Lalo na kapag nahuhuli ko rin siyang nakatingin sakin. At iyon na nga ang nangyari kagabi.

Mainit ang ulo ko nung pumasok ako dun sa kwarto. Naiba yung posisyon ng mga upuan kasi ginagawa yung harapan. Yung mga upuan ay pa-perpendicular, 90 degrees yung angulo-- basta magkakakitaan kayo nung mga nakaupo sa kabilang side.

Hindi naman yung mga upuan yung nagpainit ng ulo ko. Medyo galit kasi ako dun sa kasama ko. Hindi naman galit pero ayoko lang muna siyang kausapin o pansinin, magulo kasi siya. Heniweys, babae yung kasama ko. At siya pumili ng uupuan namin. Alas-siyete na. Wala pa rin yung “speaker.” Syempre napalingon ako dun sa kinalalagyan nung “entourage.” Wala pa rin yung tagapagsalita at patuloy ang pagkalembang. Sa paglingon kong yun, nakita ko siya at napangiti ako. Hindi ko inasahan na mapapangiti niya ko. Pero hindi ko na rin napigilan. Ganon katindi ang epekto niya sakin. Tapos nahuli ko pa siyang nakatingin sakin. Edi natunaw na ang lola niyo.

Nakakainis lang kasi akala ko okay na ko. Tinigil ko na kasi ang pag iisip sa mga kras ko dahil wala naman talagang sense yun. Sayang lang yung oras ko. Akala ko rin na mapuputol na ang koneksyon namin dahil wala na akong peysbuk. Pero lahat yun akala lang. Dahil nakita ko lang siya e ngiting-ngiti na ko ulit. Anlabo ko talaga.

Dun sa nangyari kagabi, napaisip na naman ako. Siguro dapat na kong makontento na isang beses sa isang linggo e may nakikita akong magandang tanawin na nakakapagpasaya sakin ng tunay at wagas. Alam mo yung pag nagkakatinginan kayo, parang may samting. Parang ang ganda ganda mo mula anit hanggang talampakan. Alam mo yung pakiramdam na kapag tinititigan ka niya, ikaw na ang pinakakontentong babae sa mundong ibabaw, ikaw na ang dyosa sa mga mata niya. Tuwing magkikita kayo, tumataas yung tingin mo sa sarili mo, parang perpek ka na. At siya lang ang nakakagawa nun sayo, wala nang iba.

Kaya naman sa isang oras na iyon na nakaupo ka sa loob ng kwartong iyon, ang saya saya mo. Kikiligin ka na nang isang buong linggo hanggang sa magkita na ulit kayo.

Pero sa ngayon, kontento na ko sa ganito. Minsan kasi, may mga bagay na kapag ipinilit mo pa, kapag humingi ka pa ng sobra, masasaktan ka lang. Tapos iisipin mo na sana nakontento ka na lang sa kung anong meron ka dati. Andun pa lang ako sa stage na yon. Sabagay, busy pa ko. Niaha. Masaya na ko na dahil sa kanya, ngumingiti ako. Na dahil sa kanya, gumaganda ang tingin ko sa sarili ko. Hanggang sa susunod na linggo J ngayon yun…hehe

Sabado, Hulyo 9, 2011

Daga


Nung isang araw, may nakapasok na malaking daga sa loob ng bahay namin. At kapag sinabi kong malaki e hindi kasing laki nung dagang costa na tinitinda ni manong, kundi kasinglaki nung dagang kanal. Kadiri di ba? Pero hindi naman siya galing sa kanal, magkasinglaki lang sila.

Kasi nasaktuhan nung daga na magbubukas ng pintuan yung kapatid ko. Pagbukas ng pinto, nagulat yung kapatid ko, nagulat din yung daga. Sa sobrang gulat ng kapatid ko, hindi niya agad naisara yung pinto. Sa sobrang gulat nung daga, pumasok siya dun sa pinto, dun sa loob ng bahay namin.

Maliksi yung daga. Mabilis. Tanga. Hindi siya katulad nung naunang daga na nakapasok sa bahay namin na tumahimik lang ako at pinatay lahat ng ilaw, kunwari walang tao, walang ingay, sabay lagay ng tungkod para manatiling nakabukas yung pinto, e lumabas na yung daga. Itong daga ngayon e maligalig at hindi matalino. Ni hindi niya alam kung san siya pumasok kasi nung isang beses e dun siya nagtangkang lumabas sa isa pa naming pinto. At malala pa, binuksan na nung tatay ko yung pinto e hindi pa lumabas yung daga, bumalik pa sa loob ng bahay.

Mga dalawang araw din napuyat yung tatay at nanay ko sa paghahanap dun sa daga, at pakikipaghabulan. Hanggang sa napagtanto na lang ng tatay ko na nakalabas na yung daga dahil sinira nito yung pintuan namin. Gumawa siya ng medyo malaking butas para dun lumusot at itigil na ang pakikipaghabulan sa nanay at tatay ko.

Lahat tayo ay parang daga na takot sa tao. Yung mga taong tinutukoy ko dito ay yung mga kinatatakutan natin—rejection, failure, daga, dilim, boy siga, biyanan, nanay, tatay,—lahat na ng kinakatakutan nga tao. Pag takot tayo, kung san san tayo napupunta, maligalig, walang direksyon, wala sa wisyo. Kasi alam natin na nasa teritoryo tayo nung kinakatakutan natin. Wala tayong magawa kundi magpakain sa takot o kaya sumunod na lang dahil takot tayo dun sa tao.

Pero bakit yung daga, matalino man o hindi, nakalabas dun sa bahay, sa kinatatakutan niya. Nakaya niyang lagpasan yung kinatatakutan niya, nakayanan niyang umalis dun. Partida yun, daga. E tayo, tao, human being. Bakit masyado tayong nagpapakain sa takot. Masyado tayong mahina kumpara sa takot na nararamdaman natin. E kung tutuusin, tayo lang naman din yung gumawa nung takot na yun. Bakit kaya hindi rin tayo ang gumawa ng paraan para malagpasan yung takot na ginawa natin?

Siguro hindi naman kaagad agad yung paglagpas dun sa takot.Tipong instant Kasi yung daga, nag ipon din ng lakas ng loob at strategy kung pano siya makakalabas sa bahay. Yung naunang daga naman, simple lang. Kung san siya pumasok, dun din siya lumabas. Simple. Wala nang habulan. Walang siraan ng gamit. Bakit hindi natin isipin kung bakit nga ba tayo takot. San ba yun nagsimula. Baka naman pwedeng pag isipan tapos makita na hindi pala dapat katakutan yung kinatatakutan natin.

Sabi nga dun sa napanood ko na ambulance girl (medyo boring pero pwede nang pagtiyagaan), “Fear is like a hologram. When you go beyond it, you’ll realize it’s just an illusion.”

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Delayed Advance


Magulo na naman ang pamagat ng entry na ito. Bakit? Kasi magulo ang isip kong sadya. At saka, kaya nga tatsmub ang blog ko dahil tatsmub talaga. Kaya madalas wala kang mapupulot. Kung meron man, hindi yun sadya. Hehe.

Aktwali, pangdalawang entry yata to kaya’t mahaba-haba ang babasahin niyo.

Dapat talaga, time to shine ang title. Kasi nanood ako ng futbol nung linggo. Updated na updated yung blog noh? Heniweys, napansin namin yung pagkakaiba ng mga taong nagdagsaan sa rizal memorial stadium dun sa mga taong nagpunta sa stadium ng sri lanka. Una mong maiisip, GARABE naman yung mga tagadun, di man lang sinusuportahan yung team nila. Samantalang tayo, pinagawa pa ng bonggang bongga yung stadium para naman hindi nakakahiya sa AFC. Pero di ba, parang tayo rin noon yung sri lanka. Mga walang pakialam sa futbol. E kelan ba nauso yung futbol sa pilipins? Simula nung dumami yung hafpinoy? O baka naman simula nung nanligaw si phil kay engel? Biro lang. Hindi ko rin alam. Pero nung panahon na hindi pa uso sa pinas yung futbol, baka andun pa lang ngayon yung sri lanka. Dapat kasi merong mapogi silang haf sri lankan din. Charot!

Dati naman kasi, basketbol lang ang sports na alam ng mga pinoy. Toyota at Crispa lang ang team na alam nila. Kaya nga puro pa-liga ang SK tuwing summer di ba? Kasi nga yun lang din yung alam nilang sport. Hanggang sa bumili ng suka si pacman at nakabili ng hermes na bag para sa kanyang ina. Yan pa lang talaga ata yung mga sport na inaabangan talaga ng mga tao sa tb. Yung tipong pag may laban sila e titigil ang oras at mundo ng mga pinoy. Wala kang masasakyan dahil lahat ng drayber ay nasa bahay o terminal na may tb para manood ng laban. Tipong manalo o matalo e merong naka eskedyul na inuman ang mga tambay at tatay.

Tapos sumikat na si futbol. Bow. Ang gusto ko lang naman talagang sabihin e may oras para sa lahat—sports man yan o anupaman. Tulad na lang ng trip to europe ko. Europe na naging bato pa.

Wala naman akong sinisisisi kasi tanggap ko na. Baka nga hindi pa ngayon. Meron kasi akong inaplayan na summer skul samwer in europe. Natanggap naman ako. Pero, may registration fee na babayaran mga halos tu mants bago yung summer skul. Sa kasamaang palad e hindi ko yun nabayaran dahil sa wala akong isponsor. Nalungkot talaga ako. Naghanap naman ako pero di nila keri. Pero kanina, nung nag hinternet ako at nagbukas ng himeyl, nagreply yung isa na nagsasabing willing na willing siyang suportahan ang paghyurup ko. Kaso mo, halos isang buwan na ang lumipas yung bayaran nung reg fee. SAYANG!!!

Baka nga hindi ko pa oras mag ibang bansa. Anut anupa, e marami naman akong natutunan. Baka nga hindi ko pa time to shine. Darating din tayo diyan. Matatapos ko rin yung tinatapos ko, magkakatrabaho at magbabaksyon sa hyurup. Bwahahaha. Malay natin, neks yir.

Huwebes, Hulyo 7, 2011

facebook

Nagkalat na yata ngayon sa balita na marami nang napapahamak dahil sa pakikipagtagpo sa mga taong nakikilala sa peysbuk. Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit may mga taong gumagawa nito. Bakit ba sila nakikipagtagpo sa mga estranghero? At bakit may mga taong ginagamit ang peysbuk para gumawa ng masama?
Bigla ko tuloy naisip yung mga “prends” ko sa peysbuk na hindi ko kilala sa totoong buhay. Samakatuwid, estranghero. Bakit ako nag-add ng estranghero? Lilinawin ko lang, hindi ako nakikipagparamihan ng prends gamit ang peysbuk. At wala nama akong balak na gawan sila ng masama. May dahilan ako kung bakit ko sila ni-add. At sasabihin ko na dalawa lang sila, sana nga tatlo kaya lang naduwag ako dun sa isa. Hehe.
Itong dalawang estranghero ay karas ko po kaya ko po ni-add. Madali kasing magka-ideya kung sino yung tao sa pamamagitan ng peysbuk. Pinaganda ko lang pero pwede mong tawaging “online stalking” itong ginagawa ko. Malalaman mo kung sino yung tao, anong grup op prends ang kinabibilangan niya, anong mga hilig niya, anong peyborit past time niya at marami pang iba lalo na kung in a relationship siya.
Masaya naman kasi sa tuwing may malalaman kang bago sa karas mo ay lubos mong ikaliligaya. Parang hachivment. Natuwa naman ako sa bawat pag-update ng status at pagpost ng pektyurs nila.
Pero noong nakaraang linggo, kasabay ng pagiging online ko sa peysbuk, pag download ng mga kanta, at pagtingin sa blog kong inaamag na, dineaktibeyt ko na yung pesbuk account ko. Natuwa naman ako kasi hindi na ako kasing aktib online kaya medyo wala nang sense magpeysbuk para sa kin. Pagbukas ko kasi e hindi na ko maka-relate. Parang andami kong na-miss.
May isa lang problema. Ngayon ko lang naisip na kasabay ng pagkawala ko sa mundo ng peysbuk e pinutol ko na rin yung tangging linyang nag-uugnay sa kin at sa natatangi kong karas—ang peysbuk. Wala na. Hindi na nga kami magkakilala sa totoong buhay, hindi kami teksmeyt o mag phonepal, hindi pa kami prends sa peysbuk. Wala na. Hindi na talaga kami magkakilala. Ngayon ko lang naisip. Balik na naman ako sa panakaw na pagsulyap tuwing linggo. Isang beses na lang sa isang linggo ako kikiligin.
Sa kabila nito, mananatili na muna siguro akong multo sa peysbuk hanggang sa magpakabit na ng hinternet sa bahay namin.

Miyerkules, Abril 13, 2011

doon sa batuhan part 2

andami na kasing nasa draft ko kaya tapusin na natin to. iklian na natin...

matapos niya maaksidente, nag alala naman ako ng bonggang bongga. di ko naman siya mapuntahan dahil pa maria clara ang lola niyo, dalagang pilipina na ayaw ipahalata at ipagsigawan na kras niya si chum. kaya ayun. ang nagawa lang ni nita ay isipin na ok na si chum at galos lang ang natamo nito.

kinabukasan, walang ibang inisip si nita kundi ang makita ang binata, para makamusta na rin ito.

maya-maya pa ay nagkausap ang dalawa. naikwento ng binata ang pangyayari sa nakakatawang paraan. at laking gulat ni nita na malaki pala ang pinsalang natamo ng binata. (na hindi na niya ilalagay dito dahil baka masuka at mandiri kayo at hindi na magbasa nung ibang entry ;) may isang matandang babae na naki usi at tinanong kung ang inaalagaan aw ba si chum ng kanyang gelpren. hindi naman sumagot ang binata.

nung tangalian, hindi na nila kasabay si chum. baka nahiya na rin sumabay sa laki ng mga sugat niya. at dun na nga siya napag usapan. nabanggit ng mg kasama ni nita ang tungkol sa gelpren ni chum. nagkatinginan na lang si nita at ang kanyang roomate sa narinig nilang yun. at tila nang aasar pa ang mga nakahalata sa pagkwento ng pagkaintimate ng magnobyo. sana raw sa simula pa lang ay sinabi na ni nita para nagawan nila ng paraan.

tas nag-inom sila at nagsuka si nita. bago pala yun e nahiga pa siya sa sahig at naikwento niya lahat ng pinagsamahan nila ni chum. hanggang sa bloog! naging entry na to sa blog na ito.

sa huli e natutunan niya na dapat talagang inaalam muna ang relationship status ng kras. isa pa, dapat din naman na irespeto ang kapawa babae (kahit na kinuha ni nita ang number ni chum, tinext at tinawagn pero out of coverage area ang numero). at panghuli, dapat alamin ang relationship status ng kras...nasabi ko na ba yun?

at dyan nagtatapos ang kwento ni nita negrita sa batuhan. sayang. ok na sana. pero sana, sa pagbabalik niya sa lugar e single na si chum. biro lang. sana, bago pa man siya makabalik sa lugar na yun e handa na siya kung anuman ang relationship sttus na chum...at sana, hindi na rin muna siya umasa, kalimutan iyon at mag move on.

pero mananatili ang sumusunod:
rule number 1: never ever assume. at
rule number 2: hands off sa may karelasyon na.

hindi sayo umiikot ang mundo

graduation na. at bilang hindi naman ako magtatapos ngayong semestre, e CONGRATUMALATIONS nalang sa mga nagsipagtapos...sa graduates of 2011 ika nga nga mga tarpolin ng mga politiko.

maiba tayo, bilang onti na lang kami ng prends ko na maiiwan sa unibersidad, syempre malungkot ang lola niyo. kasi naman, mawawala na yung mga taong kasama ko ng halos apat na taon. sila, gagraduate na samantaang ikaw, maiiwan. ansakit kaya sa loob.

okay naman ako na hindi ako nakatapos ngayong sem. yun yung inakala ko. pero nung nakasama ko ulit sila, wala kang maririnig kundi clearance, pagpapa-bind ng thesis, paghahanap ng trabaho...sa maikling salita e usapang pang graduate.

syempre, nakikiuso na lang ako, kahit sa totoong buhay e nakikitambay lang ako kasi namiss ko sila ng bonggang bongga. oo, masakit sa loob kasi sila nagdidiwang tas di man nila napapansin na uy, may kasama tayong hindi pa ggraduate. ansaya saya kasi nila masyado samantalang ako, gusto ko nang umiyak ng malakas at maglabas ng sama ng loob.

pero naisip ko, ampanget din naman kung nagdidiwang ang lahat tas biglang may hihikbi at iiyak at mag iinarts dahil di pa siya ggradweyt. anak ng tokwa! basag na basag ang trip nila non. naisip ko yun at bigla akong natawa...at nawirduhan na naman yung mga taong nakakita sakin na biglang ngumingiti ng walang dahilan. akala nila naisip ko si chum. (paalala: hindi lahat ng pagngiti nang bigla ay dahil sa crush o lablayp :p)

minsan talaga, kailangan lang natin huminto panandalian para makapag-react sa mga bagay bagay. imbis na magmukmok, humikbi at umiyak, bakit hindi ko na lang ipagdiwang yung pagtatapos ng mga prends ko di ba? pwede naman akong maging masaya para sa kanila kesa manira ng moment at maging drama queen at angkinin ang stage...tapos sisirain ko pa yung happy moment nila.

sabi nga sa mean girls 2, na borin panoorin dahil mukhang wala naman talagang conflict o peak yung movie, minsan, syempre english to pero di ko na tanda kaya yung naintindihan ko na lang yung ilalagay ko, minsan, este...basta ang punto e yung proseso yung pahalagahan nain, hindi yung product, yung means kesa yung end. mas madami kasi tayong matututunan sa proseso. na kahit hindi tayo yung bida e marami tayong matututunan sa mga napagdaanan natin kasama yung mga bida at kontrabida.

tatapusin ko na lang to sa kasabihan na galing kay miley cyrus na...*drumroll


IT'S THE CLIMB.

:)

Linggo, Abril 10, 2011

label

maikli lang ang entry na ito dahil isa lamang itong pagninilay.

pansin niyo, ang dali magpakilala ng tao. si ano...yung kulot...yung straight yung buhok..yung konyo..yung jologs manamit...yung bitch...yung parang si maria clara sa pagka-demure...

kasi ako...paano nga ba ako mapapangalanan. pakiramdam ko kasi madaming mukha ang tao pero hindi niya alam o kaya ay nakapili na siya ng mukha panghabambuhay. halimbawa, habangbuhay na siyang kire o suplada....mga ganun.

ang pamilya namin ay medyo old skul so demure demuran ang lola niyo. bawal ang ganito ang ganyan.pag nakita ako ng tatay ko na naka-palda o sleeveless *tugsh balik sa kwarto at magpapalit ng damit. perstaym ko atang mag-palda ulit nung nag debut ako.hehe

kaya naman, medyo wala akong muwang sa paglalandi. di ako nakikipag date...di ako marunong mamlert...at hindi ko kayang bumasa ng pamemlert ng mga lalake.

wala lang. ang hirap lang hanapin yung totoong ikaw di ba. kasi minsan, parang andaling maging bitch na lang. o kaya poreber demure at old skul. o kaya flirt na wagas. pero iisipin mo yung konsikwenses nung magiging ikaw.

sabi nga sa isang pelikulang ingles, na...*nosebleed...hindi natin mababago ang mga sitwasyon sa buhay natin pero

Biyernes, Abril 8, 2011

doon sa batuhan 1

itago na lang natin siya sa pangalang nita.
dumating siya sa isang lugar bilang tagapagsalita sa mga lider-estudyante.
pagkadating sa lugar ay di niya naiwasang mapansin ang isang lalake, yung photographer. naka-uniporme ito pero hindi pang estudyante. yung mama na iyon ang photographer at operator ng laptop at lcd projector.
bukod sa mga ito, hindi inakala nang dalaga na siya rin ang makakapagpatibok sa kanyang puso.

dahil sa medyo delikado sa lugar, si nita ang ang dalawa pa niyang kasama ay may security na naka-uniporme rin. lagi nilang kasama ang mga ito. tinawag ni nita na "buddy" ang kanyang securoty. nalaman niya na batchmate nito ang photographer.

dahil laging nasa tapat ng dining table yung laptop, laging nakikita ni nita si mama (itago na lang natin sa pangalang chum.) tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata ay niyayaya ni nita na sumabay sa pagkain si chum. lagi naman itong tumatanggi dahil nasa mesa ang mas nakatataas na awtoridad.

hanggang sa isang tanghalian, nauna si nita sa hapag-kainan at nagulat na lamang siya nang bigyan siya ni chum ng platong mag kanin, scrambled egg, at dalawang piraso ng tuyo. Iyon ang ulam ng lahat nung tanghalian. Biglang dumating ang buddy ni nita at may dalang malamig na tubig. Bigla na lang nawala si chum. buti na lang at nakapagpasalamat si nita. maya-maya pa ay nagkatinginan na naman ang dalawa. tulad ng dati. niyaya ni nita si chum na kumain ngunit tumanggi ito.

hanggang sa kinailangan nang umalis ni buddy dahil may eksamin ito kinabukasan. malayo pa ang pupuntahan niya. wala nang security si nita.

kinabukasan, halos walang tao sa resort na tinutuluyan nila nita at nang mga lider-estudyante. may motorcade kasi nung araw na iyon at pinili ng mga tagapagsalita na manatilisa resort at maghanda para sa susunod na mga participant. isinabay na rin nila ang paliligo sa beach sa resort.

tapos na maligo sa beach. nauna ang isang kasama ni nita na maligo sa bayo. habang nagbabalaw ang kasama, nagpasya si nita na magpatuyo sa may beranda. biglang dumating si chum na may dalang meryenda. nakita ito ng isa pang kasama ni nita at inassign niya si chum na bantayan si nita. sinabi rin nito na si chum na ang bagong security ni nita. ang tugtog...ted hanah ng parokya ni edgar. kinilig naman si nita.

tinanong ni chum kung ano ang ginagawa ng kasama ni nita. sabi nito ay naliligo. sabi ni chum, mga isang oras na raw doon ang kasama ay hindi pa rin ito tapos maligo. ang mga babae raw talaga, kay tagal maligo. mga isang oras. samantalang ang mga lalake... lalo na raw kapag may date. alas-otso ang date, lalabas ang babae ng mga alas-diyes. nagsalita naman si nita. sabi nito na ganun talaga ang mga babae, dapat maganda. pagkatapos maligo ay mamimili pa ng damit, ng sapatos at ng mga burloloy.

hanggang kung san san na napunta ang kwentuhan. at biglang nabanggit ni chum na may nakapagpatayo na siya ng bahay. natapos ito nung nakaraang taon kahit paunti-unti niya itong pinagawa. medyo kumpleto na rin daw ang mga gamit. humirit naman si nita na ang kulang na lang ay asawa. sumang-ayon naman si chum.may binanggit pa ito na hindi na narinig ni nita dahil sa tawanan nilang dalawa.

hanggang lumabas na at natapos maligo yung roommate ni nita. umalis na rin si chum pagkahatid sa kanya sa kwarto.

pagkatapos maligo ni nita ay dumerecho na sila ng roommate niya sa baba kung saan na sila kumakain. si chum ang nagdala ng pagkain. malayo-layo kasi ang kusina mula sa kinalalagyan nila.
at dito na nagsimula ang tawanan sa hapag-kainan. at sa wakas, nakasabay na rin ni nita si chum sa pagkain. sa sobrang saya, may nabulunan, may nagbuhos na kape mula sa bibig, puro tawanan. matagal sila kumain dahil may kwentuhan at panay ang tawanan habang kumakain.

at kahit tapos na kumain, nagtatawanan pa rin ang lahat. busog nga ang tiyan ng pagkain, pero mas busog ang tiyan sa kwentuhan at katatawanan.

naging ganito bawat almusal, tanghalian at hapunan. minsan, kahit pa meryenda.

isang hapon, pinahanap si chum ng malaking kabibe na pwedeng pang-trophy ulit sa contest. siya kasi yung nakahanap nung una kaso naibigay na sa contest na nauna kaya kailangan nila ulit maghanap.

pumunta sila sa batuhan, sa shore na mabato. dun daw kasi niya nakita yung dati. sa haba ng shore na ito, naubos na ni nita yung meryenda niya. hindi rin siya makakilos ng maayos kasi nga kumakain siya. nakakatawa lang kasi nailang si chum na hawakan ang kamay ni nita, na alalayan siya. umakyat si chum sa isang malaking bato. sabi nito, masarap daw mag-picture doon.pumose pa nga ito na parang king of the world ni jack sa pelikulang titanic. sabi ni nita, sayang at di nila dala yung dslr. sabi ni chum, pwede naman raw dito, sabay labas ng cellphone niya. bilang slow si nita, hindi naman niya inakala na pwedeng gusto lang makakuha ni chum ng picture niya sa cellphon nito. pero naisip ni nita, nung training naman ay panay ang kuha sa kanya ni chum ng litrato sa dslr kaya marami na itong picture niya.

nagtapos na ang paglalakbay nila.kailangan na nilang bumalik.akala ni nita ay doon din sila babalik.yun pala ay iba ang dadaanan nila. doon sa lupa, pataas papuntang kalsada. oo, slope ito. so, wala nang ibang pwedeng gawin kundi ang mauna si chum at hawakan ang kamay ni nita.

nasa kalsada na sila at nagbibiro si chum. hanggang sa makabalik na sila sa mga kasama. natahimik si nita dahil alam niyang para siyang nasa drama o telenovela kanina...sa batuhan....kasama si chum...at dun sila nagkakwentuhan, nagtawanan, at nagkahawak ng kamay.

masaya na si nita na makasabay ang binata tuwing kakain. pero isang gabi, habang nagho-host si nita, nalaman niyang naaksidente si chum. sumemplang ang motor na sinasakyan nito at duguan daw ang binata.

ITUTULOY...

Martes, Marso 22, 2011

basketbol

babae ako. kaya hindi basketbol ang peyborit sports ko. pero mahilig ako manood ng basketbol.

nung bata ako, galit ako sa basketbol. kasi, sa basketbol court nakatingin lagi yung tatay ko. habang ako, na mas malapit sa kanya, naglalaro ng baminton. nakaka-inis kaya yung ganung pakiramadam! ikaw na nga yung nasa malapit, sa iba pa rin nakatingin!  pero dito ko rin naisip na sadyang hindi mo mapipilit ang isang tao bagay sa hindi naman niya gusto. kaya hinayaan ko na lang yung tatay ko magmura habang nanonood ng basketbol na akala mo, siya ang coach. hindi naman.

ganun lang talaga siguro mga lalake. akala nila lagi silang pinapakinggan. o baka naman gusto lang nila na naririnig sila. kasi kahit nanonood ng boksing e ganun sila maka-react sa lahat ng pangyayari. akala mo si freddie roach tuwing nanonood ng laban ni pacman. now you know.

naaliw din naman ako manood ng basketbol dahil na rin siguro sa kapatid kong lalake na may ari ata ng remote namin sa bahay. nasabi ko bang mas matanda ako sa kanya pero hindi ko siya makutusan para ilipat ng istasyon yung tv. magkaka-giyera muna bago ko makuha yung remote. dahil sa kanya, nakilala ko ang NBA.

nung hayskul din, nabarkada ako sa ang past time ata ay basketbol. matapos ang klase, diretso na sa basketbol court. kami namang mga kababaihan e taga-bantay ng gamit habang nagtsitsismisan. at saka taga-kanchaw manalo man o matalo. kapag nanalo sila, libre na merienda--pansit canton at sopdrinks.

tuwing may liga, madalas pa-liga ng SK,mapapasabi ka na lang ng "uy, may SK pala." bukod dun, mapapasigaw ang mga kababaihan ng "POGI." kasi madalas, sa mga liga naglalabasan ang mga poging basketbolista. sabay tiiiiiiili.pero madalas, matatawa ka kasi sila rin yung lampa at puro papogi lang ang ginawa. pero pag naka-shoot, ngingiti sa madlang people, lalo na sa gurls, para magsigawan. oo, feel na feel nila ang ganitong mga pagkakataon.

natapos na ata ang pagkahilig ko sa basketbol nang paulit-ulit na lang ang nangyayari. manood ako ng liga dahil kasali yung kapatid kong lalake, manood ako ng basketbol na iilan lang naman din ang makikita mong teams sa finals, poging lampa, panget na lampa, bobo mag free throw, foulSSSSS, suntukan at pag gulong ng bola sa sahig at marami pang bloopers at violence.

pero ngayon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang presensya ni basketbol sa tanang buhay ko. kasi sa gym, yung basketbol court ay nasa gitna ng gym. nasa gilid yung baminton court at balibol court. kaya kahit san ka lumingon, kitang-kita mo yung basketbol court pati yung  mga naglalaro.

mayaman ata ako sa vitamin A sa linaw ng mata ko. kahit anino lang nakikita ko e nakilala ko yung isang player ng basketbol. sabi nga sa potograpi, against da light sya kaya hindi mo makikita mukha. pero sa tindig at hubog ng katawan, sa height...kahit bagong gupit....kahit ibang pangalan ang nasa jersey e alam kong siya yun. yung kras (crush) ko **nagpapatukso.

syempre pa, kinilig naman ako. ngayon lang kita nakitang maglaro ng basketbol. actually, di naman talaga kita nakita maglaro kasi puro nakaw na tingin ang nagawa ko. nakita kitang tumatakbo at nang aagaw ng bola pero...hanggang dun na lang. di ko man lang nakita kung naka-shoot ka o lampa ka rin. kasi kahit magaling ka man o hindi sa basketbol, okay lang. kras pa din kita. *nagpapatukso ulit

ayun na nga. TALO. nung natapos yung laro niyo, tumambay ka pa ng konti. maganda yan. busog na busog ang mata ko.bwahaha. syempre pa, kahit na naka jersey ka e may backpack ka pa din. hindi ata yun mawawala sayo. at may bago. puting t-shirt na nasa balikat mo. eto ata yung ginawa mong tuwalya. pawis ka syempre, kakalaro mo lang. nangingintab yung balat mo sa pawis. maputi ka pala kapag pawis.haha. pero mas pumopogi ka. pasalamat ka at wala akong hawak na tuwalya kundi naipunas ko na sayo.haha.

naitutulad ko na naman sa pelikula. ganun naman lagi, pagkatapos maglaro ng basketbol, yung gelpren yung mag aabot ng tshert, ng tuwalya, ng tubig etc etc. o kaya, siya mismo magpapainom ng tubig, magpapalit ng tshert at magpupunas ng pawis gamit ang tuwalya. medyo nakakadiri kasi duh?! PAWIS yun. eew. pero kung mahal mo naman yung tao, hindi mo na mapapansin na kadiri to death yun. kikiligin ka pa nga. nakanang?!

sayang kasi hindi ka pa nagtuloy-tuloy na lapit papunta sa kinaroroonan ko. sana lumapit ka pa ng onti.


bakit gnun sa basketbol court no? andaming nakatingin pero hindi naman natitingnan. andaming sawi. andaming busog ang mata. andaming kinikilig. andaming nagpapasikat. 

maliit lang naman yung lugar pero tulad ng dati, hindi pa rin tayo nag pang-abot. masyado bang malaki ang jeep, ang waiting shed at and gym?

maliit ang mundo. HINDI RIN. isa pa, may mga bagay at tao talaga tayong hindi natin makukuha....agad-agad. it takes time. tulad ng tatay ko, kailangan niya lang mapansin na maaling yung anak niya sa baminton para mapatingin sa kinatatayuan ko. joke! kailangn ko pang magkapasa ng malaki sa braso para mapamura naman siya sa baminton. at least, napansin na niya di ba.

makikilala mo rin ang baminton. makikilala mo rin ang manlalaro. magtatagpo rin tayo.

sa muli nating pagkikita....sana sa masikip na masikip na lugar nang magpang-abot naman tayo.

Miyerkules, Marso 9, 2011

panaginip (na may sense)

nitong mga nakaraang araw, masaya ako.
bakit?
kasi merong importanteng tao sa buhay ko na mulin nagbalik at nagparamdam.
importante siya dahil siya yung inspirasyon ko na mag-ayos.

balik tayo sa pamagat nito.
dahil na rin siguro sa sobrang kasiyahan kaya inisip ng utak ko na batukan ako sa pamamagitan ng panaginip.

dun sa panaginip ko, andun tayo sa lugar. tapos, lahat ata ng kaibigan kong becky e present sa panaginip ko. at para kang magnet dahil kung nasan ka, andun sila.haha

tapos, nung pababa na tayo, tinuro mo siya, yung eX mo. hindi ko alam pero yung naramdaman ko nun, parang mahal mo pa si eX.

dito ko naisip na...
unang-una, baka nga hanggang kaibigan lang talaga tayo.

ikalawa, na sadyang mabait ka lang talaga (at pogi).

panghuli, na baka siya pa rin.

naisip ko,
syet. bakit ang dali kong mahulog para sa mga friendly na tao?!

pero bago ang lahat, salamat kasi ginusto kong mag-ayos ng sarili nung nakilala kita.

salamat dahil sa tuwing nagpapaganda ako, e naaappreciate mo.

salamat kasi dahil sa'yo, ramdam kong maganda talaga ko pag nag-aayos (oo,maganda ako dahil blog ko to :p)

salamat dahil ikaw na ata yung inspirasyon ko para ayusin buhay ko sa lahat ng aspeto.

pero hindi mo rin ako masisisi na mag-isip na what if we're more than friends? more than what we are right now?

pero pumasok din sa isip ko na: baka naman sadyang malandi ;lang ako dahil ganito iniisip ko.sana mali.

di ko mapigilang mag isip.minsan, overanalyze. pero, SALAMAT sa kung anuman yung naibibigay mo sa kin.
i want to be a better person because of you.

Lunes, Pebrero 21, 2011

dyip

kagabi, ang weird ng panaginip ko.

andun yung mga matagal ko nang hindi nakikita. tapos, andun ko narinig buong pangalan ng kras (crush) ko ngayon.

tapos, nagising na ko. at nung ini-stalk ko na si kras, hindi ko alam kung yung palayaw niya e yun na ang toong pangalan niya. kasi kung ganun, mali yung panaginip ko.

nasa totoong buhay na rin naman tayo, e ikkwento ko na ang mga pangyayari sa araw na ito. naligo ako at NAGHIKAW. oo, naghikaw ako. ngayon na lang ulit. naiwan ko kasi sa isa naming bahay yung mga hikaw ko at ngayon ko lang nakuha ulit.

umagang-umaga e nagbayad ako ng utang. ayun. tapos, gawa gawa kunwari ng pang-skul.sakay sa dyip at kaboom. may nagkkwentuhan kung sino naunang nalasing, at kung anung oras sila nalasing. bilang kaka pa-audition pa lang namin para sa drama talents, naisip ko, "uy, pwedeng ganyan yung boses ni kras." maluwag sa dyip nun. nasa likod ko yung nagsasalita. hindi ko naman gawaing tumingin muna sa mga nakasakay ng dyip bago ako sumakay.

pagkababa nung mama sa dyip, tiningnan ko. boom! si kras nga.

masaya ako kasi nakita ko ulit siya. e hindi naman kasi kami magkakilala.suntok sa buwan talaga na magkita kami. lalo na't makasabay at makatabi ko siya sa dyip.

pero sana pala, siksikan na lang yung dyip. sana maraming tao para tabing-tabi kami. sana mas mahaba yung binyahe nung dyip. sana mas malayo yung mula pagsakay ko hanggang sa bababaan niya. sana pala nag-trapik ng malala. sana nagbiglang preno yung dyip tas tumalsik ako sa kanya. haha. baliw! masyado nang nagiging pang tv at pelikula.



in short, maghikaw kayo girls.laging magpaganda dahil hindi mo alam kung kelan mo makikita yung gusto mong makita. haha.at magmasid-masid.

mamaya, kras mo na pala yung katabi mo sa dyip, hindi mo pa alam.

Linggo, Pebrero 13, 2011

love is a decision --V

dahil araw ng mga puso ngayon, makikisabay ulit ako sa agos. pero dahil wala naman akong ka-relasyon, ating tuklasin kung anu-ano na nga ba ang natutunan ko pagdating sa pag-ibig.

unang-una, never ever assume. ito ay para sa lahat--babae man o lalake. kasi kapag may nararamdaman tayo para sa isang tao, pakiramdam natin lahat ng ginagawa niya, para sa'tin. e hindi naman. mas maganda siguro kung tutubuan ka ng lakas ng loob para ikumpirma kung tama ang hinala mo. kung sa paanong paraan, ikaw na dumiskarte nun. mas maganda na kasi yung alam mo kung tama ka o mali kesa wala ka talagang alam at nabubuhay ka na lang sa pantasya.

ikalawa, dalawa lang naman ang pagpipilian mo sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-ibig...ang maghintay o ang kumilos. iyon lang naman lagi. akala mo madali dahil dalawa lang naman ang pagpipilian. kung naniniwala ka na kusang darating ang pag-ibig, yung the one, sa takdang panahon, maaaring tama ka o tutubuan ka na ng puting buhok e single ka pa rin. paano kung naghihintay ka nga pero nakakulong ka naman sa isang kwarto at hindi lumalabas man lang? walang makakapansin sa'yo. kung naghihintay ka, e makipagkaibigan man lang at lumabas sa "outside world." makiparty. makipagkilala. makipagkaibigan.

kung pipiliin mo namang kumilos. alam mo na dapat kung ano ang magiging kasunod ng mga gagawin mo. alam mo dapat ang tamang tiempo kung kailan dapat gawin at kung ano ang dapat sabihin. kapag kumilos ka na, kapag nasabi mo na, wala nang urungan. tatsmub na pre. di mo na mababawi na inamin mong mahal mo siya. dalawa lang naman ang maaaring kalabasan. isa e basted ka at mukha kang tanga, o ikaliligaya ng puso niyong dalawa. sabi ko nga, nasa tamang oras at salita lang yan.

madalas, sasabihin ng mga kaibigan ko na ako na ang kumilos. pero nakakasawa na kasi na ikaw yung laging kumikilos tapos ikaw pa yung babae. kaya nga natutunan ko na wag mag-assume.kasi maraming pagkakaiba ang mga babae sa lalake. iba ang signals at iba ang interpretasyon sa mga signal na ito. akala mo nakakapag-pakyut ka na, hindi naman pala. mga ganung tipo.

pero sabi nga sa nabasa ko, love is a decision. unang una pa lang, iisipin mo na kung handa ka na bang umibig, masaktan. pipiliin mong maging duwag, maghintay, o maging matapang. pipiliin mo kung sino, kung kanino mo ipagkakatiwala yang puso mo.

sa ngayon, nakapagdesisyon na ko. ang tanggalin muna ang konseptong ito. na wag muna maghanap. na maghintay na lang muna. na isantabi muna ang love. kasi habang naghihintay, pinapabuti ko muna yung sarili ko. uunahin ko muna yung mga bagay na MAS kailangan ng atensyon ko. kung may makapansin man sa kin, nasa kanya na yun kung kakatok siya o tutunganga lang sa pinto. at nasa akin na yun kung pagbubuksan ko siya, o mag-aayos muna, o magtutulog-tulugan na lang at magkukunwaring walang tao.

ikaw.nakapagdesisyon ka na ba?

Martes, Pebrero 8, 2011

nang makilala ko (or not) si doding daga

bilang pebrero na at malapit na rin naman ang araw ng mga puso, makikisawsaw na ko. pero kung inaasahan mong kikiligin ka, medyo mag isip isip ka muna. kasi hindi to happy ever after. once upon a time pa lang


nung elementary, wala pa kong konsepto ng crush. kaya pantay-pantay ang tingin ko sa mga klasmeyts ko. walang pogi, walang pangit. ang klasipikasyon ko lang noon ay babae o lalake, o di kaya e malinis o dugyot.

PERO, nagbago ang lahat nung grade 3 (naks!). kasi may klasmeyt akong umangat sa lahat. hindi lang dahil sa matangkad siya pero dahil na rin sa napakahusay niyang mag drawing. nanalo siya sa contest. napa-uyy lang ako. galing e. kasi ako, hindi ako marunong gumuhit at tanggap ko naman na yon. kaso, may ibang nali-link sa kanya, mas maingay yung loveteam nila. hindi ako makakapayag. syempre pa, pinili kong manahimik na lang at sabihin ang wagas na nararamdaman sa mga kaibigan ko.

FAIL.

kasi pagkalabas namin ng banyo, aba't ipinagsigawan na nila na crush ko si magaling magdrawing! define friends di ba? ayun, nagpiyesta naman ang klase at nakisawsaw pa yung english teacher namin na panay naman tukso. sa sobrang kahihiyan pagka-inis, yumuko na lang ako sa desk ko, kunwari natutulog. patay-malisya pero syempre, di yun pinalampas ng titser namin. di ko na tanda pero napatingin ako sa kanya dahil may sinabi siyang kung anu tas tinukso na ulit kami.

lesson learned: choose your friends.and teacher

na-trauma ata ako kaya nung grade 5 e hindi na ko nagka-crush. nga pala, lumipat ako ng skul ng grade 5 hindi naman dahil sa hindi ko na kinaya ang kahihiyan panunukso, pero dahil kinailangan naming lumipat ng bahay.

grade 6, wala rin. ang dudugyot naman kasi ng mga klasmeyt kong lalake. aba pag recess na, yung baon nilang kanin at ulam na may sabaw e hinahaluaan ng ketchup o kung anumang kagaguhang maisip at matripan nila sa pakain. nakakawalang-gana.

balik pala tayo sa grade 5 kung kailan may nagka-crush sa kin. pak! kapal 'no? syempre, waley na waley naman siya. mga tipo niya ata e career woman kasi ako presidente at topnotcher sa klase nun. e kaso mo, waley talaga e. hindi ko alam kung dahil ba maitim siya, laging bagsak, walang ka appeal appeal (hanggang ngayon) o dahil sa, sa gitna yung hati ng buhok niya. pero tila hindi ko mai-pinpoint kung anung meron siya na ayaw ko.

nung hayskul, tinamaan na naman ako sa klasmeyt kong napakadali ng buhay. itago natin siya sa pangalang carlo (di niya tunay na pangalan). kabarkada ko si carlo. naging barkada ko siya nung yung kaibigan kong babae e maging syota nung kaibigan niyang lalake. buong persyir ata e kami-kami magkakasama. iba-ibang bahay, sandamukal na pansit canton at hindi mabilang na basketball games. lagi lang nakangiti etong si charlie. paran walang problema. at yun siguro ang nagustuhan ko sa kanya.

parang napakadali ng buhay.

syempre pa, may nagkagusto ulit sa kin nito dahil tulad nung grade 5, career woamn ulit ako. kaso mo, si kuyang naglakas loob sabihin sa'king crush niya ko, mas maliit sa kin. at saka, there's just something wrong with his attitude. di ko mawari pero parang negatib vibes ang dulot niya.

uhm, bakit kaya ganon? mga naglalakas loob magtapat sa kin, di ko naman type?kelan darating yung type ako, type ko rin.  kelan Lord? kelan? char!

tapos, second year, medyo marami na kong nagustuhan. iba-iba ata per quarter. parang dumali para sa'kin ang gawing crush ang isang tao.

syempre, naging crush ko yung crush ng bayan klasrum. pogi. matangkad. medyo  matalino. nasubukan ko na ata lahat maging close lang kami. naging close nga kami pero hindi close na close. hindi niya ko nagustuhan. pero sa kanya ko naranasan na halos haranahin ko na siya ng gitara (kahit di naman ako marunong), magbati lang kami.(nag away kasi kami...malamang di ba?)

nung second year din, napalapit din ako sa isang lalake. kasi hindi siya tulad ng ibang lalake na nasasaktan ang ego pag nakikita ng barkada nila na may kausap silang babae. kainis lang. marami siyang kaibigang babae. parang lahat nga. sa kanya ako naging totoo. kahit ano, napapagusapan namin lalo na sa mga crush ko noon. sa sobrang close namin, NABULAG AKO. akala ko kasi, ako lang yung espesyal sa kanya. na sa akin lang siya ganito. mabait. masarap kausap. perpekto. kaso mo, sa lahat pala ng babae, ganun siya. isa siya dun sa mga FRIENDLY.

sa kanya naman ako unang nagtapat ng damdamin, through text. maaaring nandidiri na kayo ngayon pero ganun talaga minsan, malakas ang loob kapag hindi kaharap yung kausap. pero hindi ito katulad ng panliligaw o pakikipaghiwalay sa text, yun e mga bagay na hindi dapat ginagawa through text.


edi ayun, tinanong ko siya kung sino crush niya sa klasrum. sabi niya, yung babaeng nali-link sa kanya. para silang loveteam ng klase. syempre, nasaktan ako. tas tinanong niya kung sino naman daw yung akin. dahil may pagka tanga pa ko nun, sabi ko...kanina ikaw. ngayon si (insert name here) na. pak! patay na ko di ba?

ang maganda naman sa kanya e walang nagbago samin. kasi kinabukasan, nag aasaran pa rin kami. nag uusap tulad ng dati. walang nagbago.

nung junior na ko, wala namang bagong crush. paulit ulit lang sa mga naging crush ko noon. saka itong mga panahong ito, medyo one of the boys ako. ang outfit ko lagi, simpleng t-shirt at jeans. hindi talaga gurly.tas nanonood din ako ng nba kaya yun ang lagi naming usapan. at kung anupang usapan ng boys na pagmumukain kang tanga. kaya ko naman sakyan mga kagaguhan nila kaya ayun. saka kasi nung elem e one of the boys din talaga ako. prinsesa ng barkada. although this time, hindi nila inakala na prinsesa ako. akala nila i'm a lesby.

pano ko nalaman na akala nila i'm a lesby? simple. tinawag ako ni B1 at B2 sa isang sulok. tas nag heart-to-heart talk kami. at sila nagsimula nun, lalakeng lalake di ba? tas yun. tinanong nila ko kung ano gusto ko....babae o lalake.

WATDAEF!!! gulat na gulat ako as in! kasi naman, hindi ko talaga inakalang ganun tingin nila sa'kin. oo. i'm one of the boys pero boys din gusto ko. at nung sumagot ako na lalake syempre, gulat na gulat din sila. tapos, ang susunod na tanong e kung sino ang crush ko. sabihin na nating crush ko si B1. at hindi ako nagpapahuli sa crush ko na malamang crush ko siya. kaya sinabi ko na klasmeyt ko nung elementary na sa ibang skul nag-aaral. para di niya ma-confirm. tapos, alam mo yung pakiramdam na SANA, aamin na siya na gusto niya ko? kung di lang talaga pang bobo yung sagot ko? nakaka dishearten kaya yun sa lalake. SH*T! sana pala nagpa-kyut na lang ako at tinanong ko muna kung bakit o kaya kung sino crush niya.

after ko nga siya indirectly bastedin e tinanong ko siya kung sino crush niya. sinagot naman niya na yung nalilink din sa kanya sa room. pero sa pagkakasagot niya, parang napilitan lang siyang sagutin yun at maghanap ng ipapalit na pangalan sa pangalan ko.

kung iisipin, siya siguro ang una kong boypren. sayang.

tapos nun, naging mailap siya sa kin.

nung senior year na, ayun. paulit ulit na crush ulit. nothing serious. kaso mo, close pa rin kami ni lalakeng friendly, yung pinagtapatan ko ng damdamin nung second year. lagi kaming sabay umuwi kasi pareho kami ng dadaanan. pauwi, andami naming napapagkwentuhan. lalo na yung mga tsismis sa klasrum o kaya kung gaano nakakabagot magturo yung titser. o kung paano magkokopyahan sa exam.

intrams.
sabay ulit kami umuwi.kaso...tahimik. may something. alam mo yung close na close na kayo kaso walang may gustong umamin? ganun yung pakiramdam. tas yun, BOOM. nagkakalapit na yung mga kamay namin habang naglalakad. may tensyon sa pagitan naming dalawa. kaya na rin siguro nagpasya siyang dun sa kabilang daan maglakad, dun sa may kalsada tas ako naman, dun lang ako sa loob, sa may bandang residential. may siwang boom! nagkatinginan kami. mga bahay at semento ulit tas siwang boom. nagkatitigan ulit. hanggang sa boom! wala ng siwang.

matapos nito, may tensyon pa ring namagitan sa min.di na kami nag uusap.

chope lang ba siya o wala naman talaga? pero kung iisipin, strike two na. baka sana naging boypren ko rin to.

KOLEHIYO.
ayun. nahilig naman ata ako sa mga estranghero. hindi ko talaga kilala. mga isa o dalawang beses ko lang nakita. o kaya sa mga pektyur lang dahil sa close sila ng kamag-anak ko o kaibigan ko. ayun. para akong na-adik sa pagkilala sa kanila online. wala akong lakas ng loob na personal dahil nakakatakot nga naman yun. bigla na lang may lalapit sa'yo at sasabihing aylabyu. iskeyri. may istalker ka.

syempre pa, hanggang pangarap lang ako. pero nakakatuwa pag nang iistalk. kasi sobra ka kung magdiwang sa tuwing may nalalaman ka sa kanya. pangalan. edad. bertdey. hayskul.tas mag iinit ang ulo mo sa tuwing may ibang babae dun sa page niya. kala mo naman....kung makapag-react...parang may K.

NGAYON.
hindi ko alam kung saan siya ilalagay. kasi estranghero siya na hindi. nagkakilala na kami pero hindi talaga kami nagkakilala.

oo, malabo. ganito yun. nung 4th year hayskul, para na ring terminal yung skul namin tuwing uwian. tapos, nung pauwi na ko, nakasalubong ko yung dati kong klasmeyt, si honey (di niya totoong pangalan). sa ibang skul siya nag aaral at may kasama siya, si doding daga. edi ayun, sabi ni honey, uy ano, klasmeyt ko. tas ayun na. hanggang dun na lang.

akala ko lang pala. kasi ngayon, madalas kong makita si doding daga.

at ganun, ganun kami nagkakilala ni doding daga na crush ko ngayon.

Miyerkules, Pebrero 2, 2011

sinosi...tatsmub

ako si tatsmub. hindi naman ito yung pangalan ko sa birth certificate. pero para hindi niyo alam kung sino ako, ito na lang. dahil tinataningan ko rin ang sarili ko na magsulat. at kung anuman yung nasulat ko, kahit emosyonal man o walang kwenta o malalim, wala nang bawian. tatsmub.

malamang-lamang e puro tungkol sa lablayp ko ang mga sinusulat ko...na hanggang ngayon ay nananatiling bokya. bata pa naman ako kaya marami pa kong oras para diyan. pero wag na muna natin ito pag usapan.

isa pang pwedeng mabasa niyo rito ay tungkol sa pamilya ko. may mga pagkakataon kasi tayong naiinis sa kanila, nagagalit. mga pagkakataong kinekwestiron kung bakit ba sila ang napuntahan nating pamilya. wala naman tayong choice?!

yung iba, malamang e sa pang araw araw na buhay...mga pagninilay habang nakasakay sa bus, bumibili ng mais, may nakasalubong na umiiyak o may narinig na usapan. sadya lang talagang matalas ang paningin at pandinig ko sa mga umiiyak habang nalalakad o nakasakay sa dyip, nag aaway sa daan at kung anumang kaganapan meron sa araw ko.

bakit ko nga ba ayaw magpakilala? personal blog itong maituturing pero ayaw ko nang masyadong personal. na tipong pagkatapos mabasa to ng mga kilala ko e ako na yung laging pag uusapan sa mga kwentuhan. o kaya e pag nagkita kami, tatanungin kung kamusta na ko dahil ganito at ganyan ang huli kong post. at saka, sana sinabi ko na lang ng personal kesa isulat dito di ba? pati, ayaw ko nang may nadadamay na ibang tao. kawawa naman sila. mas mabuti na yung ititnatago sila sa mga "itago na lang natin siya sa pangalang..." saka, paano ako makakapaglabas ng sama ng loob kung yung kagalit ko ay nagbabasa nito? para na rin akong naghamon ng away na mediated?

ito na lang muna.pero susundan ko na agad ito. anlabo di ba? ganun talaga. sabi nga nila, walang permanenteng anuman sa mundong ibabaw.