nung bata ako, galit ako sa basketbol. kasi, sa basketbol court nakatingin lagi yung tatay ko. habang ako, na mas malapit sa kanya, naglalaro ng baminton. nakaka-inis kaya yung ganung pakiramadam! ikaw na nga yung nasa malapit, sa iba pa rin nakatingin! pero dito ko rin naisip na sadyang hindi mo mapipilit ang isang
ganun lang talaga siguro mga lalake. akala nila lagi silang pinapakinggan. o baka naman gusto lang nila na naririnig sila. kasi kahit nanonood ng boksing e ganun sila maka-react sa lahat ng pangyayari. akala mo si freddie roach tuwing nanonood ng laban ni pacman. now you know.
naaliw din naman ako manood ng basketbol dahil na rin siguro sa kapatid kong lalake na may ari ata ng remote namin sa bahay. nasabi ko bang mas matanda ako sa kanya pero hindi ko siya makutusan para ilipat ng istasyon yung tv. magkaka-giyera muna bago ko makuha yung remote. dahil sa kanya, nakilala ko ang NBA.
nung hayskul din, nabarkada ako sa ang past time ata ay basketbol. matapos ang klase, diretso na sa basketbol court. kami namang mga kababaihan e taga-bantay ng gamit habang nagtsitsismisan. at saka taga-kanchaw manalo man o matalo. kapag nanalo sila, libre na merienda--pansit canton at sopdrinks.
tuwing may liga, madalas pa-liga ng SK,mapapasabi ka na lang ng "uy, may SK pala." bukod dun, mapapasigaw ang mga kababaihan ng "POGI." kasi madalas, sa mga liga naglalabasan ang mga poging basketbolista. sabay tiiiiiiili.pero madalas, matatawa ka kasi sila rin yung lampa at puro papogi lang ang ginawa. pero pag naka-shoot, ngingiti sa madlang people, lalo na sa gurls, para magsigawan. oo, feel na feel nila ang ganitong mga pagkakataon.
natapos na ata ang pagkahilig ko sa basketbol nang paulit-ulit na lang ang nangyayari. manood ako ng liga dahil kasali yung kapatid kong lalake, manood ako ng basketbol na iilan lang naman din ang makikita mong teams sa finals, poging lampa, panget na lampa, bobo mag free throw, foulSSSSS, suntukan at pag gulong ng bola sa sahig at marami pang bloopers at violence.
pero ngayon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang presensya ni basketbol sa tanang buhay ko. kasi sa gym, yung basketbol court ay nasa gitna ng gym. nasa gilid yung baminton court at balibol court. kaya kahit san ka lumingon, kitang-kita mo yung basketbol court pati yung mga naglalaro.
mayaman ata ako sa vitamin A sa linaw ng mata ko. kahit anino lang nakikita ko e nakilala ko yung isang player ng basketbol. sabi nga sa potograpi, against da light sya kaya hindi mo makikita mukha. pero sa tindig at hubog ng katawan, sa height...kahit bagong gupit....kahit ibang pangalan ang nasa jersey e alam kong siya yun. yung kras (crush) ko **nagpapatukso.
syempre pa, kinilig naman ako. ngayon lang kita nakitang maglaro ng basketbol. actually, di naman talaga kita nakita maglaro kasi puro nakaw na tingin ang nagawa ko. nakita kitang tumatakbo at nang aagaw ng bola pero...hanggang dun na lang. di ko man lang nakita kung naka-shoot ka o lampa ka rin. kasi kahit magaling ka man o hindi sa basketbol, okay lang. kras pa din kita. *nagpapatukso ulit
ayun na nga. TALO. nung natapos yung laro niyo, tumambay ka pa ng konti. maganda yan. busog na busog ang mata ko.bwahaha. syempre pa, kahit na naka jersey ka e may backpack ka pa din. hindi ata yun mawawala sayo. at may bago. puting t-shirt na nasa balikat mo. eto ata yung ginawa mong tuwalya. pawis ka syempre, kakalaro mo lang. nangingintab yung balat mo sa pawis. maputi ka pala kapag pawis.haha. pero mas pumopogi ka. pasalamat ka at wala akong hawak na tuwalya kundi naipunas ko na sayo.haha.
naitutulad ko na naman sa pelikula. ganun naman lagi, pagkatapos maglaro ng basketbol, yung gelpren yung mag aabot ng tshert, ng tuwalya, ng tubig etc etc. o kaya, siya mismo magpapainom ng tubig, magpapalit ng tshert at magpupunas ng pawis gamit ang tuwalya. medyo nakakadiri kasi duh?! PAWIS yun. eew. pero kung mahal mo naman yung tao, hindi mo na mapapansin na kadiri to death yun. kikiligin ka pa nga. nakanang?!
sayang kasi hindi ka pa nagtuloy-tuloy na lapit papunta sa kinaroroonan ko. sana lumapit ka pa ng onti.
bakit gnun sa basketbol court no? andaming nakatingin pero hindi naman natitingnan. andaming sawi. andaming busog ang mata. andaming kinikilig. andaming nagpapasikat.
maliit lang naman yung lugar pero tulad ng dati, hindi pa rin tayo nag pang-abot. masyado bang malaki ang jeep, ang waiting shed at and gym?
maliit ang mundo. HINDI RIN. isa pa, may mga bagay
makikilala mo rin ang baminton. makikilala mo rin ang manlalaro. magtatagpo rin tayo.
sa muli nating pagkikita....sana sa masikip na masikip na lugar nang magpang-abot naman tayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento