graduation na. at bilang hindi naman ako magtatapos ngayong semestre, e CONGRATUMALATIONS nalang sa mga nagsipagtapos...sa graduates of 2011 ika nga nga mga tarpolin ng mga politiko.
maiba tayo, bilang onti na lang kami ng prends ko na maiiwan sa unibersidad, syempre malungkot ang lola niyo. kasi naman, mawawala na yung mga taong kasama ko ng halos apat na taon. sila, gagraduate na samantaang ikaw, maiiwan. ansakit kaya sa loob.
okay naman ako na hindi ako nakatapos ngayong sem. yun yung inakala ko. pero nung nakasama ko ulit sila, wala kang maririnig kundi clearance, pagpapa-bind ng thesis, paghahanap ng trabaho...sa maikling salita e usapang pang graduate.
syempre, nakikiuso na lang ako, kahit sa totoong buhay e nakikitambay lang ako kasi namiss ko sila ng bonggang bongga. oo, masakit sa loob kasi sila nagdidiwang tas di man nila napapansin na uy, may kasama tayong hindi pa ggraduate. ansaya saya kasi nila masyado samantalang ako, gusto ko nang umiyak ng malakas at maglabas ng sama ng loob.
pero naisip ko, ampanget din naman kung nagdidiwang ang lahat tas biglang may hihikbi at iiyak at mag iinarts dahil di pa siya ggradweyt. anak ng tokwa! basag na basag ang trip nila non. naisip ko yun at bigla akong natawa...at nawirduhan na naman yung mga taong nakakita sakin na biglang ngumingiti ng walang dahilan. akala nila naisip ko si chum. (paalala: hindi lahat ng pagngiti nang bigla ay dahil sa crush o lablayp :p)
minsan talaga, kailangan lang natin huminto panandalian para makapag-react sa mga bagay bagay. imbis na magmukmok, humikbi at umiyak, bakit hindi ko na lang ipagdiwang yung pagtatapos ng mga prends ko di ba? pwede naman akong maging masaya para sa kanila kesa manira ng moment at maging drama queen at angkinin ang stage...tapos sisirain ko pa yung happy moment nila.
sabi nga sa mean girls 2, na borin panoorin dahil mukhang wala naman talagang conflict o peak yung movie, minsan, syempre english to pero di ko na tanda kaya yung naintindihan ko na lang yung ilalagay ko, minsan, este...basta ang punto e yung proseso yung pahalagahan nain, hindi yung product, yung means kesa yung end. mas madami kasi tayong matututunan sa proseso. na kahit hindi tayo yung bida e marami tayong matututunan sa mga napagdaanan natin kasama yung mga bida at kontrabida.
tatapusin ko na lang to sa kasabihan na galing kay miley cyrus na...*drumroll
IT'S THE CLIMB.
:)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento