nung elementary, wala pa kong konsepto ng crush. kaya pantay-pantay ang tingin ko sa mga klasmeyts ko. walang pogi, walang
PERO, nagbago ang lahat nung grade 3 (naks!). kasi may klasmeyt akong umangat sa lahat. hindi lang dahil sa matangkad siya pero dahil na rin sa napakahusay niyang mag drawing. nanalo siya sa contest. napa-uyy lang ako. galing e. kasi ako, hindi ako marunong gumuhit at tanggap ko naman na yon. kaso, may ibang nali-link sa kanya, mas maingay yung loveteam nila.
FAIL.
kasi pagkalabas namin ng banyo, aba't ipinagsigawan na nila na crush ko si magaling magdrawing! define friends di ba? ayun, nagpiyesta naman ang klase at nakisawsaw pa yung english teacher namin na panay naman tukso. sa sobrang
lesson learned: choose your friends.
na-trauma ata ako kaya nung grade 5 e hindi na ko nagka-crush. nga pala, lumipat ako ng skul ng grade 5 hindi naman dahil sa hindi ko na kinaya ang
grade 6, wala rin. ang dudugyot naman kasi ng mga klasmeyt kong lalake. aba pag recess na, yung baon nilang kanin at ulam na may sabaw e hinahaluaan ng ketchup o kung anumang kagaguhang maisip at matripan nila sa pakain. nakakawalang-gana.
balik pala tayo sa grade 5 kung kailan may nagka-crush sa kin. pak! kapal 'no? syempre, waley na waley naman siya. mga tipo niya ata e career woman kasi ako presidente at topnotcher sa klase nun. e kaso mo, waley talaga e. hindi ko alam kung dahil ba maitim siya, laging bagsak, walang ka appeal appeal (hanggang ngayon) o dahil sa, sa gitna yung hati ng buhok niya. pero tila hindi ko mai-pinpoint kung anung meron siya na ayaw ko.
nung hayskul, tinamaan na naman ako sa klasmeyt kong napakadali ng buhay. itago natin siya sa pangalang carlo (di niya tunay na pangalan). kabarkada ko si carlo. naging barkada ko siya nung yung kaibigan kong babae e maging syota nung kaibigan niyang lalake. buong persyir ata e kami-kami magkakasama. iba-ibang bahay, sandamukal na pansit canton at hindi mabilang na basketball games. lagi lang nakangiti etong si charlie. paran walang problema. at yun siguro ang nagustuhan ko sa kanya.
parang napakadali ng buhay.
syempre pa, may nagkagusto ulit sa kin nito dahil tulad nung grade 5, career woamn ulit ako. kaso mo, si kuyang naglakas loob sabihin sa'king crush niya ko, mas maliit sa kin. at saka, there's just something wrong with his attitude. di ko mawari pero parang negatib vibes ang dulot niya.
uhm, bakit kaya ganon? mga naglalakas loob magtapat sa kin, di ko naman type?kelan darating yung type ako, type ko rin. kelan Lord? kelan? char!
tapos, second year, medyo marami na kong nagustuhan. iba-iba ata per quarter. parang dumali para sa'kin ang gawing crush ang isang tao.
syempre, naging crush ko yung crush ng
nung second year din, napalapit din ako sa isang lalake. kasi hindi siya tulad ng ibang lalake na nasasaktan ang ego pag nakikita ng barkada nila na may kausap silang babae. kainis lang. marami siyang kaibigang babae. parang lahat nga. sa kanya ako naging totoo. kahit ano, napapagusapan namin lalo na sa
sa kanya naman ako unang nagtapat ng damdamin, through text. maaaring nandidiri na kayo ngayon pero ganun talaga minsan, malakas ang loob kapag hindi kaharap yung kausap. pero hindi ito katulad ng panliligaw o pakikipaghiwalay sa text, yun e mga bagay na hindi dapat ginagawa through text.
edi ayun, tinanong ko siya kung sino crush niya sa klasrum. sabi niya, yung babaeng nali-link sa kanya. para silang loveteam ng klase. syempre, nasaktan ako. tas tinanong niya kung sino naman daw yung akin. dahil may pagka tanga pa ko nun, sabi ko...kanina ikaw. ngayon si (insert name here) na. pak! patay na ko di ba?
ang maganda naman sa kanya e walang nagbago samin. kasi kinabukasan, nag aasaran pa rin kami. nag uusap tulad ng dati. walang nagbago.
nung junior na ko, wala namang bagong crush. paulit ulit lang sa mga naging crush ko noon. saka itong mga panahong ito, medyo one of the boys ako. ang outfit ko lagi, simpleng t-shirt at jeans. hindi talaga gurly.tas nanonood din ako ng nba kaya yun ang lagi naming usapan. at kung anupang usapan ng boys na pagmumukain kang tanga. kaya ko naman sakyan mga kagaguhan nila kaya ayun. saka kasi nung elem e one of the boys din talaga ako. prinsesa ng barkada. although this time, hindi nila inakala na prinsesa ako. akala nila i'm a lesby.
pano ko nalaman na akala nila i'm a lesby? simple. tinawag ako ni B1 at B2 sa isang sulok. tas nag heart-to-heart talk kami. at sila nagsimula nun, lalakeng lalake di ba? tas yun. tinanong nila ko kung ano gusto ko....babae o lalake.
WATDAEF!!! gulat na gulat ako as in! kasi naman, hindi ko talaga inakalang ganun tingin nila sa'kin. oo. i'm one of the boys pero boys din gusto ko. at nung sumagot ako na lalake syempre, gulat na gulat din sila. tapos, ang susunod na tanong e kung sino ang crush ko. sabihin na nating crush ko si B1. at hindi ako nagpapahuli sa crush ko na malamang crush ko siya. kaya sinabi ko na klasmeyt ko nung elementary na sa ibang skul nag-aaral. para di niya ma-confirm. tapos, alam mo yung pakiramdam na SANA, aamin na siya na gusto niya ko? kung di lang talaga pang bobo yung sagot ko? nakaka dishearten kaya yun sa lalake. SH*T! sana pala nagpa-kyut na lang ako at tinanong ko muna kung bakit o kaya kung sino crush niya.
after ko nga siya indirectly bastedin e tinanong ko siya kung sino crush niya. sinagot naman niya na yung nalilink din sa kanya sa room. pero sa pagkakasagot niya, parang napilitan lang siyang sagutin yun at maghanap ng ipapalit na pangalan
kung iisipin, siya siguro ang una kong boypren. sayang.
tapos nun, naging mailap siya sa kin.
nung senior year na, ayun. paulit ulit na crush ulit. nothing serious. kaso mo, close pa rin kami ni lalakeng friendly, yung pinagtapatan ko ng damdamin nung second year. lagi kaming sabay umuwi kasi pareho kami ng dadaanan. pauwi, andami naming napapagkwentuhan. lalo na yung mga tsismis sa klasrum o kaya kung gaano nakakabagot magturo yung titser. o kung paano magkokopyahan sa exam.
intrams.
sabay ulit kami umuwi.kaso...tahimik. may something. alam mo yung close na close na kayo kaso walang may gustong umamin? ganun yung pakiramdam. tas yun, BOOM. nagkakalapit na yung mga kamay namin habang naglalakad. may tensyon sa pagitan naming dalawa. kaya na rin siguro nagpasya siyang dun sa kabilang daan maglakad, dun sa may kalsada tas ako naman, dun lang ako sa loob, sa may bandang residential. may siwang boom! nagkatinginan kami. mga bahay at semento ulit tas siwang boom. nagkatitigan ulit. hanggang sa boom! wala ng siwang.
matapos nito, may tensyon pa ring namagitan sa min.di na kami nag uusap.
chope lang ba siya o wala naman talaga? pero kung iisipin, strike two na. baka sana naging boypren ko rin to.
KOLEHIYO.
ayun. nahilig naman ata ako sa mga estranghero. hindi ko talaga kilala. mga isa o dalawang beses ko lang nakita. o kaya sa mga pektyur lang dahil sa close sila ng kamag-anak ko o kaibigan ko. ayun. para akong na-adik sa pagkilala sa kanila online. wala akong lakas ng loob na personal dahil nakakatakot nga naman yun. bigla na lang may lalapit sa'yo at sasabihing aylabyu. iskeyri. may istalker ka.
syempre pa, hanggang pangarap lang ako. pero nakakatuwa pag nang iistalk. kasi sobra ka kung magdiwang sa tuwing may nalalaman ka sa kanya. pangalan. edad. bertdey. hayskul.tas mag iinit ang ulo mo sa tuwing may ibang babae dun sa page niya. kala mo naman....kung makapag-react...parang may K.
NGAYON.
hindi ko alam kung saan siya ilalagay. kasi estranghero siya na hindi. nagkakilala na kami pero hindi talaga kami nagkakilala.
oo, malabo. ganito yun. nung 4th year hayskul, para na ring terminal yung skul namin tuwing uwian. tapos, nung pauwi na ko, nakasalubong ko yung dati kong klasmeyt, si honey (di niya totoong pangalan). sa ibang skul siya nag aaral at may kasama siya, si doding daga. edi ayun, sabi ni honey, uy ano, klasmeyt ko. tas ayun na. hanggang dun na lang.
akala ko lang pala. kasi ngayon, madalas kong makita si doding daga.
at ganun, ganun kami nagkakilala ni doding daga na crush ko ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento