Dear Hurado,
Gusto na kitang burahin sa buhay ko. :p
Hello there! baby james lang? ^_^
kakarating ko lang galing sa halos isang linggong pag ibig...chos! bakasyon sa probinsya. oo. na stress na ko sa pagiging tambay ko kaya lumanghap muna ko ng hangin....galing dagat. hehe. kaya nangitim ako ng very very light.
eniwey, pagkarating ko mula sa bakasyon, syempre pagoda pa ko da ba?! e kasi nastress din ako sa kasama ko mag fly away. amf lang talaga. basta stress.
tapos, sa ikalawang araw ng pagbalik ko n sa balur, maganda naman ang bati ko sayo hurado. tapos maya maya, pagkatapos mo lumafang ng konti, kinamusta mo si thesis. ay hindi pala kamusta. tinanong mo kung bakit HINDI PA RIN TAPOS. actually, dapat nga isasagot ko sayo e HINDI KO RIN ALAM. TANONG MO SYA. e ayoko namang mabigwasan bigla at mapalayas sa balur habang nanonood ng american idol. kaya nanahimik na lang ako. kasi ayoko nang mga ganitong komprontasyon. at ayoko nang buhusan pa ng gasolina yung apoy. para kang manlilitis kung magtanong. parang gusto mong palabasin na bakit hindi ko ginagawa?
EXCUSE ME PO: HINDI PORKE'T HINDI NIYO NAKIKITA, E HINDI GINAGAWA.
naalala ko yung kapatid ko. lagi niyong sinasabing HINDI SIYA NAG AARAL kasi hindi niyo siya nakikitang nag aaral. pero bakit ako, nakikita ko siyang nag aaral. pero kung makapanghusga ka yo, kung makasigaw naman kayo ng MAG ARAL KA NGA!!! o kaya BAKIT HINDI KA NAG AARAL???? tsk tsk tsk
katulad rin to ng sinasabi ng kapatid ko na HINDI SIYA NANINIGARILYO. kasi hindi naman namin siya nakikitang naninigarilyo. pero amoy mo namang naninigarilyo siya. at imposibleng napunta lang lahat ng usok ng yosi sa damit niya at sa hiniga niya. isa pa, hindi rin naman weird yung paglabas niya ng bahay saglit, tas papasok ng bahay ng amoy yosi, ats saka magpupunas ng katawan para mawala yung pagka amoy yosi niya. WAIS.
matagal ko na namang alam na mapanghusga ka. pero nakakapnliit kasi kung makapag bitiw ka ng salita.
sabi nga ng isa kong propesor e HINDI NATIN ALAM KUNG BAKIT GANUN YUNG ISANG TAO. kung bakit siya ganun kumilos, magsalita, kung bakit niya ginagawa yung mga bagay na hindi natin maintindihan. MAY DAHILAN. kaya wag tayong manghusga AGAD AGAD.
isa lang naman ang dahilan niyong lahat kung bakit nakikita niyo bigla yung thesis ko e -- PERA. ibig sabihin na naman, MONEY IS TIGHT.
*sigh
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na punto. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Pebrero 10, 2012
Huwebes, Agosto 11, 2011
dilim ah
masisiraan na yata ako ng bait. ang hirap kasi mamili sa dalwang mundo kung ang daming nakiki ekstra.
ganito kasi yun. nitong mga nakaraang buwan, ang sarap ng buhay ko. masaya. hawak ko oras ko. bery bery light ang buhay. heaven pare. walang dapat ikaseryoso o ikaproblema.
ito na yung pinili kong buhay. life less serious sabi ko nga.
hanggang isang araw...
kailangan ko munang maging seryoso, for the last time. kaso ang hirap pala. kasi bigla na lang sasama yung loob mo kasi nga kailangan seryoso ka ulit. nakakaSTRESS lang.
yun lang. sige bye

Sabado, Hulyo 9, 2011
Daga
Nung isang araw, may nakapasok na malaking daga sa loob ng bahay namin. At kapag sinabi kong malaki e hindi kasing laki nung dagang costa na tinitinda ni manong, kundi kasinglaki nung dagang kanal. Kadiri di ba? Pero hindi naman siya galing sa kanal, magkasinglaki lang sila.
Kasi nasaktuhan nung daga na magbubukas ng pintuan yung kapatid ko. Pagbukas ng pinto, nagulat yung kapatid ko, nagulat din yung daga. Sa sobrang gulat ng kapatid ko, hindi niya agad naisara yung pinto. Sa sobrang gulat nung daga, pumasok siya dun sa pinto, dun sa loob ng bahay namin.
Maliksi yung daga. Mabilis. Tanga. Hindi siya katulad nung naunang daga na nakapasok sa bahay namin na tumahimik lang ako at pinatay lahat ng ilaw, kunwari walang tao, walang ingay, sabay lagay ng tungkod para manatiling nakabukas yung pinto, e lumabas na yung daga. Itong daga ngayon e maligalig at hindi matalino. Ni hindi niya alam kung san siya pumasok kasi nung isang beses e dun siya nagtangkang lumabas sa isa pa naming pinto. At malala pa, binuksan na nung tatay ko yung pinto e hindi pa lumabas yung daga, bumalik pa sa loob ng bahay.
Mga dalawang araw din napuyat yung tatay at nanay ko sa paghahanap dun sa daga, at pakikipaghabulan. Hanggang sa napagtanto na lang ng tatay ko na nakalabas na yung daga dahil sinira nito yung pintuan namin. Gumawa siya ng medyo malaking butas para dun lumusot at itigil na ang pakikipaghabulan sa nanay at tatay ko.
Lahat tayo ay parang daga na takot sa tao. Yung mga taong tinutukoy ko dito ay yung mga kinatatakutan natin—rejection, failure, daga, dilim, boy siga, biyanan, nanay, tatay,—lahat na ng kinakatakutan nga tao. Pag takot tayo, kung san san tayo napupunta, maligalig, walang direksyon, wala sa wisyo. Kasi alam natin na nasa teritoryo tayo nung kinakatakutan natin. Wala tayong magawa kundi magpakain sa takot o kaya sumunod na lang dahil takot tayo dun sa tao.
Pero bakit yung daga, matalino man o hindi, nakalabas dun sa bahay, sa kinatatakutan niya. Nakaya niyang lagpasan yung kinatatakutan niya, nakayanan niyang umalis dun. Partida yun, daga. E tayo, tao, human being. Bakit masyado tayong nagpapakain sa takot. Masyado tayong mahina kumpara sa takot na nararamdaman natin. E kung tutuusin, tayo lang naman din yung gumawa nung takot na yun. Bakit kaya hindi rin tayo ang gumawa ng paraan para malagpasan yung takot na ginawa natin?
Siguro hindi naman kaagad agad yung paglagpas dun sa takot.Tipong instant Kasi yung daga, nag ipon din ng lakas ng loob at strategy kung pano siya makakalabas sa bahay. Yung naunang daga naman, simple lang. Kung san siya pumasok, dun din siya lumabas. Simple. Wala nang habulan. Walang siraan ng gamit. Bakit hindi natin isipin kung bakit nga ba tayo takot. San ba yun nagsimula. Baka naman pwedeng pag isipan tapos makita na hindi pala dapat katakutan yung kinatatakutan natin.
Sabi nga dun sa napanood ko na ambulance girl (medyo boring pero pwede nang pagtiyagaan), “Fear is like a hologram. When you go beyond it, you’ll realize it’s just an illusion.”
Biyernes, Hulyo 8, 2011
Delayed Advance
Magulo na naman ang pamagat ng entry na ito. Bakit? Kasi magulo ang isip kong sadya. At saka, kaya nga tatsmub ang blog ko dahil tatsmub talaga. Kaya madalas wala kang mapupulot. Kung meron man, hindi yun sadya. Hehe.
Aktwali, pangdalawang entry yata to kaya’t mahaba-haba ang babasahin niyo.
Dapat talaga, time to shine ang title. Kasi nanood ako ng futbol nung linggo. Updated na updated yung blog noh? Heniweys, napansin namin yung pagkakaiba ng mga taong nagdagsaan sa rizal memorial stadium dun sa mga taong nagpunta sa stadium ng sri lanka. Una mong maiisip, GARABE naman yung mga tagadun, di man lang sinusuportahan yung team nila. Samantalang tayo, pinagawa pa ng bonggang bongga yung stadium para naman hindi nakakahiya sa AFC. Pero di ba, parang tayo rin noon yung sri lanka. Mga walang pakialam sa futbol. E kelan ba nauso yung futbol sa pilipins? Simula nung dumami yung hafpinoy? O baka naman simula nung nanligaw si phil kay engel? Biro lang. Hindi ko rin alam. Pero nung panahon na hindi pa uso sa pinas yung futbol, baka andun pa lang ngayon yung sri lanka. Dapat kasi merong mapogi silang haf sri lankan din. Charot!
Dati naman kasi, basketbol lang ang sports na alam ng mga pinoy. Toyota at Crispa lang ang team na alam nila. Kaya nga puro pa-liga ang SK tuwing summer di ba? Kasi nga yun lang din yung alam nilang sport. Hanggang sa bumili ng suka si pacman at nakabili ng hermes na bag para sa kanyang ina. Yan pa lang talaga ata yung mga sport na inaabangan talaga ng mga tao sa tb. Yung tipong pag may laban sila e titigil ang oras at mundo ng mga pinoy. Wala kang masasakyan dahil lahat ng drayber ay nasa bahay o terminal na may tb para manood ng laban. Tipong manalo o matalo e merong naka eskedyul na inuman ang mga tambay at tatay.
Tapos sumikat na si futbol. Bow. Ang gusto ko lang naman talagang sabihin e may oras para sa lahat—sports man yan o anupaman. Tulad na lang ng trip to europe ko. Europe na naging bato pa.
Wala naman akong sinisisisi kasi tanggap ko na. Baka nga hindi pa ngayon. Meron kasi akong inaplayan na summer skul samwer in europe. Natanggap naman ako. Pero, may registration fee na babayaran mga halos tu mants bago yung summer skul. Sa kasamaang palad e hindi ko yun nabayaran dahil sa wala akong isponsor. Nalungkot talaga ako. Naghanap naman ako pero di nila keri. Pero kanina, nung nag hinternet ako at nagbukas ng himeyl, nagreply yung isa na nagsasabing willing na willing siyang suportahan ang paghyurup ko. Kaso mo, halos isang buwan na ang lumipas yung bayaran nung reg fee. SAYANG!!!
Baka nga hindi ko pa oras mag ibang bansa. Anut anupa, e marami naman akong natutunan. Baka nga hindi ko pa time to shine. Darating din tayo diyan. Matatapos ko rin yung tinatapos ko, magkakatrabaho at magbabaksyon sa hyurup. Bwahahaha. Malay natin, neks yir.
Miyerkules, Abril 13, 2011
hindi sayo umiikot ang mundo
graduation na. at bilang hindi naman ako magtatapos ngayong semestre, e CONGRATUMALATIONS nalang sa mga nagsipagtapos...sa graduates of 2011 ika nga nga mga tarpolin ng mga politiko.
maiba tayo, bilang onti na lang kami ng prends ko na maiiwan sa unibersidad, syempre malungkot ang lola niyo. kasi naman, mawawala na yung mga taong kasama ko ng halos apat na taon. sila, gagraduate na samantaang ikaw, maiiwan. ansakit kaya sa loob.
okay naman ako na hindi ako nakatapos ngayong sem. yun yung inakala ko. pero nung nakasama ko ulit sila, wala kang maririnig kundi clearance, pagpapa-bind ng thesis, paghahanap ng trabaho...sa maikling salita e usapang pang graduate.
syempre, nakikiuso na lang ako, kahit sa totoong buhay e nakikitambay lang ako kasi namiss ko sila ng bonggang bongga. oo, masakit sa loob kasi sila nagdidiwang tas di man nila napapansin na uy, may kasama tayong hindi pa ggraduate. ansaya saya kasi nila masyado samantalang ako, gusto ko nang umiyak ng malakas at maglabas ng sama ng loob.
pero naisip ko, ampanget din naman kung nagdidiwang ang lahat tas biglang may hihikbi at iiyak at mag iinarts dahil di pa siya ggradweyt. anak ng tokwa! basag na basag ang trip nila non. naisip ko yun at bigla akong natawa...at nawirduhan na naman yung mga taong nakakita sakin na biglang ngumingiti ng walang dahilan. akala nila naisip ko si chum. (paalala: hindi lahat ng pagngiti nang bigla ay dahil sa crush o lablayp :p)
minsan talaga, kailangan lang natin huminto panandalian para makapag-react sa mga bagay bagay. imbis na magmukmok, humikbi at umiyak, bakit hindi ko na lang ipagdiwang yung pagtatapos ng mga prends ko di ba? pwede naman akong maging masaya para sa kanila kesa manira ng moment at maging drama queen at angkinin ang stage...tapos sisirain ko pa yung happy moment nila.
sabi nga sa mean girls 2, na borin panoorin dahil mukhang wala naman talagang conflict o peak yung movie, minsan, syempre english to pero di ko na tanda kaya yung naintindihan ko na lang yung ilalagay ko, minsan, este...basta ang punto e yung proseso yung pahalagahan nain, hindi yung product, yung means kesa yung end. mas madami kasi tayong matututunan sa proseso. na kahit hindi tayo yung bida e marami tayong matututunan sa mga napagdaanan natin kasama yung mga bida at kontrabida.
tatapusin ko na lang to sa kasabihan na galing kay miley cyrus na...*drumroll
IT'S THE CLIMB.
:)

Linggo, Abril 10, 2011
label
maikli lang ang entry na ito dahil isa lamang itong pagninilay.
pansin niyo, ang dali magpakilala ng tao. si ano...yung kulot...yung straight yung buhok..yung konyo..yung jologs manamit...yung bitch...yung parang si maria clara sa pagka-demure...
kasi ako...paano nga ba ako mapapangalanan. pakiramdam ko kasi madaming mukha ang tao pero hindi niya alam o kaya ay nakapili na siya ng mukha panghabambuhay. halimbawa, habangbuhay na siyang kire o suplada....mga ganun.
ang pamilya namin ay medyo old skul so demure demuran ang lola niyo. bawal ang ganito ang ganyan.pag nakita ako ng tatay ko na naka-palda o sleeveless *tugsh balik sa kwarto at magpapalit ng damit. perstaym ko atang mag-palda ulit nung nag debut ako.hehe
kaya naman, medyo wala akong muwang sa paglalandi. di ako nakikipag date...di ako marunong mamlert...at hindi ko kayang bumasa ng pamemlert ng mga lalake.
wala lang. ang hirap lang hanapin yung totoong ikaw di ba. kasi minsan, parang andaling maging bitch na lang. o kaya poreber demure at old skul. o kaya flirt na wagas. pero iisipin mo yung konsikwenses nung magiging ikaw.
sabi nga sa isang pelikulang ingles, na...*nosebleed...hindi natin mababago ang mga sitwasyon sa buhay natin pero

Martes, Marso 22, 2011
basketbol
babae ako. kaya hindi basketbol ang peyborit sports ko. pero mahilig ako manood ng basketbol.
nung bata ako, galit ako sa basketbol. kasi, sa basketbol court nakatingin lagi yung tatay ko. habang ako, na mas malapit sa kanya, naglalaro ng baminton. nakaka-inis kaya yung ganung pakiramadam! ikaw na nga yung nasa malapit, sa iba pa rin nakatingin! pero dito ko rin naisip na sadyang hindi mo mapipilit ang isangtao bagay sa hindi naman niya gusto. kaya hinayaan ko na lang yung tatay ko magmura habang nanonood ng basketbol na akala mo, siya ang coach. hindi naman.
ganun lang talaga siguro mga lalake. akala nila lagi silang pinapakinggan. o baka naman gusto lang nila na naririnig sila. kasi kahit nanonood ng boksing e ganun sila maka-react sa lahat ng pangyayari. akala mo si freddie roach tuwing nanonood ng laban ni pacman. now you know.
naaliw din naman ako manood ng basketbol dahil na rin siguro sa kapatid kong lalake na may ari ata ng remote namin sa bahay. nasabi ko bang mas matanda ako sa kanya pero hindi ko siya makutusan para ilipat ng istasyon yung tv. magkaka-giyera muna bago ko makuha yung remote. dahil sa kanya, nakilala ko ang NBA.
nung hayskul din, nabarkada ako sa ang past time ata ay basketbol. matapos ang klase, diretso na sa basketbol court. kami namang mga kababaihan e taga-bantay ng gamit habang nagtsitsismisan. at saka taga-kanchaw manalo man o matalo. kapag nanalo sila, libre na merienda--pansit canton at sopdrinks.
tuwing may liga, madalas pa-liga ng SK,mapapasabi ka na lang ng "uy, may SK pala." bukod dun, mapapasigaw ang mga kababaihan ng "POGI." kasi madalas, sa mga liga naglalabasan ang mga poging basketbolista. sabay tiiiiiiili.pero madalas, matatawa ka kasi sila rin yung lampa at puro papogi lang ang ginawa. pero pag naka-shoot, ngingiti sa madlang people, lalo na sa gurls, para magsigawan. oo, feel na feel nila ang ganitong mga pagkakataon.
natapos na ata ang pagkahilig ko sa basketbol nang paulit-ulit na lang ang nangyayari. manood ako ng liga dahil kasali yung kapatid kong lalake, manood ako ng basketbol na iilan lang naman din ang makikita mong teams sa finals, poging lampa, panget na lampa, bobo mag free throw, foulSSSSS, suntukan at pag gulong ng bola sa sahig at marami pang bloopers at violence.
pero ngayon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang presensya ni basketbol sa tanang buhay ko. kasi sa gym, yung basketbol court ay nasa gitna ng gym. nasa gilid yung baminton court at balibol court. kaya kahit san ka lumingon, kitang-kita mo yung basketbol court pati yung mga naglalaro.
mayaman ata ako sa vitamin A sa linaw ng mata ko. kahit anino lang nakikita ko e nakilala ko yung isang player ng basketbol. sabi nga sa potograpi, against da light sya kaya hindi mo makikita mukha. pero sa tindig at hubog ng katawan, sa height...kahit bagong gupit....kahit ibang pangalan ang nasa jersey e alam kong siya yun. yung kras (crush) ko **nagpapatukso.
syempre pa, kinilig naman ako. ngayon lang kita nakitang maglaro ng basketbol. actually, di naman talaga kita nakita maglaro kasi puro nakaw na tingin ang nagawa ko. nakita kitang tumatakbo at nang aagaw ng bola pero...hanggang dun na lang. di ko man lang nakita kung naka-shoot ka o lampa ka rin. kasi kahit magaling ka man o hindi sa basketbol, okay lang. kras pa din kita. *nagpapatukso ulit
ayun na nga. TALO. nung natapos yung laro niyo, tumambay ka pa ng konti. maganda yan. busog na busog ang mata ko.bwahaha. syempre pa, kahit na naka jersey ka e may backpack ka pa din. hindi ata yun mawawala sayo. at may bago. puting t-shirt na nasa balikat mo. eto ata yung ginawa mong tuwalya. pawis ka syempre, kakalaro mo lang. nangingintab yung balat mo sa pawis. maputi ka pala kapag pawis.haha. pero mas pumopogi ka. pasalamat ka at wala akong hawak na tuwalya kundi naipunas ko na sayo.haha.
naitutulad ko na naman sa pelikula. ganun naman lagi, pagkatapos maglaro ng basketbol, yung gelpren yung mag aabot ng tshert, ng tuwalya, ng tubig etc etc. o kaya, siya mismo magpapainom ng tubig, magpapalit ng tshert at magpupunas ng pawis gamit ang tuwalya. medyo nakakadiri kasi duh?! PAWIS yun. eew. pero kung mahal mo naman yung tao, hindi mo na mapapansin na kadiri to death yun. kikiligin ka pa nga. nakanang?!
sayang kasi hindi ka pa nagtuloy-tuloy na lapit papunta sa kinaroroonan ko. sana lumapit ka pa ng onti.
bakit gnun sa basketbol court no? andaming nakatingin pero hindi naman natitingnan. andaming sawi. andaming busog ang mata. andaming kinikilig. andaming nagpapasikat.
maliit lang naman yung lugar pero tulad ng dati, hindi pa rin tayo nag pang-abot. masyado bang malaki ang jeep, ang waiting shed at and gym?
maliit ang mundo. HINDI RIN. isa pa, may mga bagayat tao talaga tayong hindi natin makukuha....agad-agad. it takes time. tulad ng tatay ko, kailangan niya lang mapansin na maaling yung anak niya sa baminton para mapatingin sa kinatatayuan ko. joke! kailangn ko pang magkapasa ng malaki sa braso para mapamura naman siya sa baminton. at least, napansin na niya di ba.
makikilala mo rin ang baminton. makikilala mo rin ang manlalaro. magtatagpo rin tayo.
sa muli nating pagkikita....sana sa masikip na masikip na lugar nang magpang-abot naman tayo.
nung bata ako, galit ako sa basketbol. kasi, sa basketbol court nakatingin lagi yung tatay ko. habang ako, na mas malapit sa kanya, naglalaro ng baminton. nakaka-inis kaya yung ganung pakiramadam! ikaw na nga yung nasa malapit, sa iba pa rin nakatingin! pero dito ko rin naisip na sadyang hindi mo mapipilit ang isang
ganun lang talaga siguro mga lalake. akala nila lagi silang pinapakinggan. o baka naman gusto lang nila na naririnig sila. kasi kahit nanonood ng boksing e ganun sila maka-react sa lahat ng pangyayari. akala mo si freddie roach tuwing nanonood ng laban ni pacman. now you know.
naaliw din naman ako manood ng basketbol dahil na rin siguro sa kapatid kong lalake na may ari ata ng remote namin sa bahay. nasabi ko bang mas matanda ako sa kanya pero hindi ko siya makutusan para ilipat ng istasyon yung tv. magkaka-giyera muna bago ko makuha yung remote. dahil sa kanya, nakilala ko ang NBA.
nung hayskul din, nabarkada ako sa ang past time ata ay basketbol. matapos ang klase, diretso na sa basketbol court. kami namang mga kababaihan e taga-bantay ng gamit habang nagtsitsismisan. at saka taga-kanchaw manalo man o matalo. kapag nanalo sila, libre na merienda--pansit canton at sopdrinks.
tuwing may liga, madalas pa-liga ng SK,mapapasabi ka na lang ng "uy, may SK pala." bukod dun, mapapasigaw ang mga kababaihan ng "POGI." kasi madalas, sa mga liga naglalabasan ang mga poging basketbolista. sabay tiiiiiiili.pero madalas, matatawa ka kasi sila rin yung lampa at puro papogi lang ang ginawa. pero pag naka-shoot, ngingiti sa madlang people, lalo na sa gurls, para magsigawan. oo, feel na feel nila ang ganitong mga pagkakataon.
natapos na ata ang pagkahilig ko sa basketbol nang paulit-ulit na lang ang nangyayari. manood ako ng liga dahil kasali yung kapatid kong lalake, manood ako ng basketbol na iilan lang naman din ang makikita mong teams sa finals, poging lampa, panget na lampa, bobo mag free throw, foulSSSSS, suntukan at pag gulong ng bola sa sahig at marami pang bloopers at violence.
pero ngayon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang presensya ni basketbol sa tanang buhay ko. kasi sa gym, yung basketbol court ay nasa gitna ng gym. nasa gilid yung baminton court at balibol court. kaya kahit san ka lumingon, kitang-kita mo yung basketbol court pati yung mga naglalaro.
mayaman ata ako sa vitamin A sa linaw ng mata ko. kahit anino lang nakikita ko e nakilala ko yung isang player ng basketbol. sabi nga sa potograpi, against da light sya kaya hindi mo makikita mukha. pero sa tindig at hubog ng katawan, sa height...kahit bagong gupit....kahit ibang pangalan ang nasa jersey e alam kong siya yun. yung kras (crush) ko **nagpapatukso.
syempre pa, kinilig naman ako. ngayon lang kita nakitang maglaro ng basketbol. actually, di naman talaga kita nakita maglaro kasi puro nakaw na tingin ang nagawa ko. nakita kitang tumatakbo at nang aagaw ng bola pero...hanggang dun na lang. di ko man lang nakita kung naka-shoot ka o lampa ka rin. kasi kahit magaling ka man o hindi sa basketbol, okay lang. kras pa din kita. *nagpapatukso ulit
ayun na nga. TALO. nung natapos yung laro niyo, tumambay ka pa ng konti. maganda yan. busog na busog ang mata ko.bwahaha. syempre pa, kahit na naka jersey ka e may backpack ka pa din. hindi ata yun mawawala sayo. at may bago. puting t-shirt na nasa balikat mo. eto ata yung ginawa mong tuwalya. pawis ka syempre, kakalaro mo lang. nangingintab yung balat mo sa pawis. maputi ka pala kapag pawis.haha. pero mas pumopogi ka. pasalamat ka at wala akong hawak na tuwalya kundi naipunas ko na sayo.haha.
naitutulad ko na naman sa pelikula. ganun naman lagi, pagkatapos maglaro ng basketbol, yung gelpren yung mag aabot ng tshert, ng tuwalya, ng tubig etc etc. o kaya, siya mismo magpapainom ng tubig, magpapalit ng tshert at magpupunas ng pawis gamit ang tuwalya. medyo nakakadiri kasi duh?! PAWIS yun. eew. pero kung mahal mo naman yung tao, hindi mo na mapapansin na kadiri to death yun. kikiligin ka pa nga. nakanang?!
sayang kasi hindi ka pa nagtuloy-tuloy na lapit papunta sa kinaroroonan ko. sana lumapit ka pa ng onti.
bakit gnun sa basketbol court no? andaming nakatingin pero hindi naman natitingnan. andaming sawi. andaming busog ang mata. andaming kinikilig. andaming nagpapasikat.
maliit lang naman yung lugar pero tulad ng dati, hindi pa rin tayo nag pang-abot. masyado bang malaki ang jeep, ang waiting shed at and gym?
maliit ang mundo. HINDI RIN. isa pa, may mga bagay
makikilala mo rin ang baminton. makikilala mo rin ang manlalaro. magtatagpo rin tayo.
sa muli nating pagkikita....sana sa masikip na masikip na lugar nang magpang-abot naman tayo.
Miyerkules, Marso 9, 2011
panaginip (na may sense)
nitong mga nakaraang araw, masaya ako.
bakit?
kasi merong importanteng tao sa buhay ko na mulin nagbalik at nagparamdam.
importante siya dahil siya yung inspirasyon ko na mag-ayos.
balik tayo sa pamagat nito.
dahil na rin siguro sa sobrang kasiyahan kaya inisip ng utak ko na batukan ako sa pamamagitan ng panaginip.
dun sa panaginip ko, andun tayo sa lugar. tapos, lahat ata ng kaibigan kong becky e present sa panaginip ko. at para kang magnet dahil kung nasan ka, andun sila.haha
tapos, nung pababa na tayo, tinuro mo siya, yung eX mo. hindi ko alam pero yung naramdaman ko nun, parang mahal mo pa si eX.
dito ko naisip na...
unang-una, baka nga hanggang kaibigan lang talaga tayo.
ikalawa, na sadyang mabait ka lang talaga (at pogi).
panghuli, na baka siya pa rin.
naisip ko,
syet. bakit ang dali kong mahulog para sa mga friendly na tao?!
pero bago ang lahat, salamat kasi ginusto kong mag-ayos ng sarili nung nakilala kita.
salamat dahil sa tuwing nagpapaganda ako, e naaappreciate mo.
salamat kasi dahil sa'yo, ramdam kong maganda talaga ko pag nag-aayos (oo,maganda ako dahil blog ko to :p)
salamat dahil ikaw na ata yung inspirasyon ko para ayusin buhay ko sa lahat ng aspeto.
pero hindi mo rin ako masisisi na mag-isip na what if we're more than friends? more than what we are right now?
pero pumasok din sa isip ko na: baka naman sadyang malandi ;lang ako dahil ganito iniisip ko.sana mali.
di ko mapigilang mag isip.minsan, overanalyze. pero, SALAMAT sa kung anuman yung naibibigay mo sa kin.
i want to be a better person because of you.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)