sobrang tagal na nating hindi nagkikita!!! nung birthday mo pa tayo huling nagkita e...
pero nung isang araw, kasama ko ang nanay ko. may pinuntahan kami. nung bandang pababa na, naiwan sila kasama nang mga kaibigan niya. nagkwentuhan ang mga magkukumare. ako naman, bilang curious ako, bumaba pa ko ng konti pa, pero natatanaw pa rin naman nila ko. may isang kwarto dun sa bukas na bukas. at may mahimbing na natutulog. at dun ko napansin na ikaw yun. ang kyut mo naman matulog. malaki kang tao pero nilalamig ka siguro kaya ka nakabaluktot nang ganyan. mataas na ang araw at nasisilayan ka na kaya naman bago ka pa man magising e hinarang ko na yung kurtina para di ka magising sa sinag nang araw.
matapos kong iharang yung kurtina, umalis na ko. saka ka naman nagising. habang nagpupungay ka pa na mata at nagbblink blink, nakita mo ko. oo, may mata ko sa likod. umalis na ko sa lugar na yun pero di ko na kasama ang nanay ko. bigla na lang akong napunta sa gym na may ganap. parang may contest tapos i-aannounce na yung mga nanalo. kasama ko yung mga kasamahan ko sa trabaho. at yun, kame nanalo. pagka-announce na kami nanalo, mejo paalis na mga tao. saka ka naman dumating. sayang di mo man lang naabutan na iaanounce na nanalo kami. di mo nalaman na magaling ako sumayaw :p pero at least, andun ka. nagkatitigan tayo. saglit lang pero okay na ko dun. di ka pa naliligo kasi yung pa rin suot mo kanina habnag natutulog ka.
edi paalis na ko papunta sa isang fast food chain. kikitain ko naman yung mga bestpren ko nung elementary. nakaupo na kami at tada! andun ka na naman! nasa ibang mesa pero parang tayo yung magkaharap. kung makapagnakaw ka rin nang tingin waga ano po. syempre ako din.
hanggang sa nagising na ko sa napakagandang panaginip na ito! shet! ganun na kita namimiss na ininvade mo na pati panaginip ko. sabi ko nga, birthday mo pa nung huli tayong nagkita. ang taba mo na nga nun. mga limang buwan na rin ang nakalipas. ang ganda nang gising ko. sa sobrang ganda, mukha na kong baliw sa sobrang saya ko hanggang matapos ang linggo.
ganito na ba kita ka-miss talaga? namimiss mo rin kaya ako? yung nakikita mo paminsan-minsan? yung nakakasakay mo sa jeep? o sa bus? yung nakikita mo habang nag-aantay ka sa waiting shed? yung nakikita mo sa tabi-tabi? naiisip mo rin kaya ako?
kanina, sabimo, di mo na alam ang susunod na kabanata. kung gumagawa ka ng manus mo, haay! ang sarap magmotivate >_< di mo lang alam yung suportang gusto kong iparamdam sa'yo ngayon na agad-agad. gusto kong malaman mo na kayang-kaya mo yan, na may sumusuporta sa'yo, na may naniniwalang kaya mo.
baliw baliwan lang ang peg pero ang sarap lang talaga ibalik sa'yo yung mga nagagawa mo para sa'kin. ang sarap lang ipadama na somewhere out there, e may nagmamahal sa'yo at tatanggap sa'yo nang lubos.
haay! gusto na kitang makita ulit! malapit na.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na random. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na random. Ipakita ang lahat ng mga post
Linggo, Marso 3, 2013
makita kang muli
Mga etiketa:
imaginary relationship,
kilig,
lablayp,
random
Lunes, Agosto 1, 2011
napadaan lang
Mga mambabasa (kung meron man), madalas na po akong makakapagsulat sa blog na ito dahil...tantananan...may hinernet na sa bahay ng lola niyo. Hindi na kailangang magsayang ng kinse o bente or more para mag net shop.bwahaha
Heniwys, wala naman talaga akong entry ngayon. gusto ko lang ipaalala na malamang lamang ang topic ng future entries ko ay:
1. mga entry noong nakaraang buwan pang nakalipas na hindi naiblog...ngayon lang; at
2. si neil etheridge, ang ninja goalie ng azkals ^_^ dahil una, siya na ang bago kong bebe.charot! bago kong inspirasyon dahil wala na akong crush, si bebe neil na lang.hehe
kung maitatanong niya, anong nangyari sa sandamukal kong boys dati.
1. si sakristina 1, matagal nang patay ang damdamin ko sa kanya. tulad nya, naglaho na lang din na parang bula. at hindi na bumalik kahit ilang beses ko pa siyang makita.
2. si sakristina 2, may karelasyon ulit pero hindi ko alam kung ilang linggo o buwan lang yun dahil parang puro fling lang siya. isa pa, ideal siya pero tanggap kong may tendency siyang maging hindi straight.hehe
3.si p'blank, yung basketball player at may swimmer's body, yung aksidente kung makita ko e, ikinalulungkot kong sabihin senyo na wala nang aksidenteng nagaganap.
ibubuhos ko na lang ang panahon at pag ibig at kabaliwan ko kay ninja goalie.wehe.
bagong buwan. bagong crush. nice
neil etheridge is <3 bwahaha

Miyerkules, Pebrero 2, 2011
sinosi...tatsmub
ako si tatsmub. hindi naman ito yung pangalan ko sa birth certificate. pero para hindi niyo alam kung sino ako, ito na lang. dahil tinataningan ko rin ang sarili ko na magsulat. at kung anuman yung nasulat ko, kahit emosyonal man o walang kwenta o malalim, wala nang bawian. tatsmub.
malamang-lamang e puro tungkol sa lablayp ko ang mga sinusulat ko...na hanggang ngayon ay nananatiling bokya. bata pa naman ako kaya marami pa kong oras para diyan. pero wag na muna natin ito pag usapan.
isa pang pwedeng mabasa niyo rito ay tungkol sa pamilya ko. may mga pagkakataon kasi tayong naiinis sa kanila, nagagalit. mga pagkakataong kinekwestiron kung bakit ba sila ang napuntahan nating pamilya. wala naman tayong choice?!
yung iba, malamang e sa pang araw araw na buhay...mga pagninilay habang nakasakay sa bus, bumibili ng mais, may nakasalubong na umiiyak o may narinig na usapan. sadya lang talagang matalas ang paningin at pandinig ko sa mga umiiyak habang nalalakad o nakasakay sa dyip, nag aaway sa daan at kung anumang kaganapan meron sa araw ko.
bakit ko nga ba ayaw magpakilala? personal blog itong maituturing pero ayaw ko nang masyadong personal. na tipong pagkatapos mabasa to ng mga kilala ko e ako na yung laging pag uusapan sa mga kwentuhan. o kaya e pag nagkita kami, tatanungin kung kamusta na ko dahil ganito at ganyan ang huli kong post. at saka, sana sinabi ko na lang ng personal kesa isulat dito di ba? pati, ayaw ko nang may nadadamay na ibang tao. kawawa naman sila. mas mabuti na yung ititnatago sila sa mga "itago na lang natin siya sa pangalang..." saka, paano ako makakapaglabas ng sama ng loob kung yung kagalit ko ay nagbabasa nito? para na rin akong naghamon ng away na mediated?
ito na lang muna.pero susundan ko na agad ito. anlabo di ba? ganun talaga. sabi nga nila, walang permanenteng anuman sa mundong ibabaw.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)