ako si tatsmub. hindi naman ito yung pangalan ko sa birth certificate. pero para hindi niyo alam kung sino ako, ito na lang. dahil tinataningan ko rin ang sarili ko na magsulat. at kung anuman yung nasulat ko, kahit emosyonal man o walang kwenta o malalim, wala nang bawian. tatsmub.
malamang-lamang e puro tungkol sa lablayp ko ang mga sinusulat ko...na hanggang ngayon ay nananatiling bokya. bata pa naman ako kaya marami pa kong oras para diyan. pero wag na muna natin ito pag usapan.
isa pang pwedeng mabasa niyo rito ay tungkol sa pamilya ko. may mga pagkakataon kasi tayong naiinis sa kanila, nagagalit. mga pagkakataong kinekwestiron kung bakit ba sila ang napuntahan nating pamilya. wala naman tayong choice?!
yung iba, malamang e sa pang araw araw na buhay...mga pagninilay habang nakasakay sa bus, bumibili ng mais, may nakasalubong na umiiyak o may narinig na usapan. sadya lang talagang matalas ang paningin at pandinig ko sa mga umiiyak habang nalalakad o nakasakay sa dyip, nag aaway sa daan at kung anumang kaganapan meron sa araw ko.
bakit ko nga ba ayaw magpakilala? personal blog itong maituturing pero ayaw ko nang masyadong personal. na tipong pagkatapos mabasa to ng mga kilala ko e ako na yung laging pag uusapan sa mga kwentuhan. o kaya e pag nagkita kami, tatanungin kung kamusta na ko dahil ganito at ganyan ang huli kong post. at saka, sana sinabi ko na lang ng personal kesa isulat dito di ba? pati, ayaw ko nang may nadadamay na ibang tao. kawawa naman sila. mas mabuti na yung ititnatago sila sa mga "itago na lang natin siya sa pangalang..." saka, paano ako makakapaglabas ng sama ng loob kung yung kagalit ko ay nagbabasa nito? para na rin akong naghamon ng away na mediated?
ito na lang muna.pero susundan ko na agad ito. anlabo di ba? ganun talaga. sabi nga nila, walang permanenteng anuman sa mundong ibabaw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento