In the moments when my good times start to fade
You make me smile –uncle kracker
Everytime I see you face
My heart takes off a high speed chase--lifehouse
Wag mag alala dahil hindi naman hinglish itong entry na ito.
Gusto ko lang yung kanta. Kasi napapangiti ako kapag nakikita ko itong tao na to. Lalo na kapag nahuhuli ko rin siyang nakatingin sakin. At iyon na nga ang nangyari kagabi.
Mainit ang ulo ko nung pumasok ako dun sa kwarto. Naiba yung posisyon ng mga upuan kasi ginagawa yung harapan. Yung mga upuan ay pa-perpendicular, 90 degrees yung angulo-- basta magkakakitaan kayo nung mga nakaupo sa kabilang side.
Hindi naman yung mga upuan yung nagpainit ng ulo ko. Medyo galit kasi ako dun sa kasama ko. Hindi naman galit pero ayoko lang muna siyang kausapin o pansinin, magulo kasi siya. Heniweys, babae yung kasama ko. At siya pumili ng uupuan namin. Alas-siyete na. Wala pa rin yung “speaker.” Syempre napalingon ako dun sa kinalalagyan nung “entourage.” Wala pa rin yung tagapagsalita at patuloy ang pagkalembang. Sa paglingon kong yun, nakita ko siya at napangiti ako. Hindi ko inasahan na mapapangiti niya ko. Pero hindi ko na rin napigilan. Ganon katindi ang epekto niya sakin. Tapos nahuli ko pa siyang nakatingin sakin. Edi natunaw na ang lola niyo.
Nakakainis lang kasi akala ko okay na ko. Tinigil ko na kasi ang pag iisip sa mga kras ko dahil wala naman talagang sense yun. Sayang lang yung oras ko. Akala ko rin na mapuputol na ang koneksyon namin dahil wala na akong peysbuk. Pero lahat yun akala lang. Dahil nakita ko lang siya e ngiting-ngiti na ko ulit. Anlabo ko talaga.
Dun sa nangyari kagabi, napaisip na naman ako. Siguro dapat na kong makontento na isang beses sa isang linggo e may nakikita akong magandang tanawin na nakakapagpasaya sakin ng tunay at wagas. Alam mo yung pag nagkakatinginan kayo, parang may samting. Parang ang ganda ganda mo mula anit hanggang talampakan. Alam mo yung pakiramdam na kapag tinititigan ka niya, ikaw na ang pinakakontentong babae sa mundong ibabaw, ikaw na ang dyosa sa mga mata niya. Tuwing magkikita kayo, tumataas yung tingin mo sa sarili mo, parang perpek ka na. At siya lang ang nakakagawa nun sayo, wala nang iba.
Kaya naman sa isang oras na iyon na nakaupo ka sa loob ng kwartong iyon, ang saya saya mo. Kikiligin ka na nang isang buong linggo hanggang sa magkita na ulit kayo.
Pero sa ngayon, kontento na ko sa ganito. Minsan kasi, may mga bagay na kapag ipinilit mo pa, kapag humingi ka pa ng sobra, masasaktan ka lang. Tapos iisipin mo na sana nakontento ka na lang sa kung anong meron ka dati. Andun pa lang ako sa stage na yon. Sabagay, busy pa ko. Niaha. Masaya na ko na dahil sa kanya, ngumingiti ako. Na dahil sa kanya, gumaganda ang tingin ko sa sarili ko. Hanggang sa susunod na linggo J ngayon yun…hehe
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento