Lunes, Pebrero 21, 2011

dyip

kagabi, ang weird ng panaginip ko.

andun yung mga matagal ko nang hindi nakikita. tapos, andun ko narinig buong pangalan ng kras (crush) ko ngayon.

tapos, nagising na ko. at nung ini-stalk ko na si kras, hindi ko alam kung yung palayaw niya e yun na ang toong pangalan niya. kasi kung ganun, mali yung panaginip ko.

nasa totoong buhay na rin naman tayo, e ikkwento ko na ang mga pangyayari sa araw na ito. naligo ako at NAGHIKAW. oo, naghikaw ako. ngayon na lang ulit. naiwan ko kasi sa isa naming bahay yung mga hikaw ko at ngayon ko lang nakuha ulit.

umagang-umaga e nagbayad ako ng utang. ayun. tapos, gawa gawa kunwari ng pang-skul.sakay sa dyip at kaboom. may nagkkwentuhan kung sino naunang nalasing, at kung anung oras sila nalasing. bilang kaka pa-audition pa lang namin para sa drama talents, naisip ko, "uy, pwedeng ganyan yung boses ni kras." maluwag sa dyip nun. nasa likod ko yung nagsasalita. hindi ko naman gawaing tumingin muna sa mga nakasakay ng dyip bago ako sumakay.

pagkababa nung mama sa dyip, tiningnan ko. boom! si kras nga.

masaya ako kasi nakita ko ulit siya. e hindi naman kasi kami magkakilala.suntok sa buwan talaga na magkita kami. lalo na't makasabay at makatabi ko siya sa dyip.

pero sana pala, siksikan na lang yung dyip. sana maraming tao para tabing-tabi kami. sana mas mahaba yung binyahe nung dyip. sana mas malayo yung mula pagsakay ko hanggang sa bababaan niya. sana pala nag-trapik ng malala. sana nagbiglang preno yung dyip tas tumalsik ako sa kanya. haha. baliw! masyado nang nagiging pang tv at pelikula.



in short, maghikaw kayo girls.laging magpaganda dahil hindi mo alam kung kelan mo makikita yung gusto mong makita. haha.at magmasid-masid.

mamaya, kras mo na pala yung katabi mo sa dyip, hindi mo pa alam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento