Sabado, Hulyo 9, 2011

Daga


Nung isang araw, may nakapasok na malaking daga sa loob ng bahay namin. At kapag sinabi kong malaki e hindi kasing laki nung dagang costa na tinitinda ni manong, kundi kasinglaki nung dagang kanal. Kadiri di ba? Pero hindi naman siya galing sa kanal, magkasinglaki lang sila.

Kasi nasaktuhan nung daga na magbubukas ng pintuan yung kapatid ko. Pagbukas ng pinto, nagulat yung kapatid ko, nagulat din yung daga. Sa sobrang gulat ng kapatid ko, hindi niya agad naisara yung pinto. Sa sobrang gulat nung daga, pumasok siya dun sa pinto, dun sa loob ng bahay namin.

Maliksi yung daga. Mabilis. Tanga. Hindi siya katulad nung naunang daga na nakapasok sa bahay namin na tumahimik lang ako at pinatay lahat ng ilaw, kunwari walang tao, walang ingay, sabay lagay ng tungkod para manatiling nakabukas yung pinto, e lumabas na yung daga. Itong daga ngayon e maligalig at hindi matalino. Ni hindi niya alam kung san siya pumasok kasi nung isang beses e dun siya nagtangkang lumabas sa isa pa naming pinto. At malala pa, binuksan na nung tatay ko yung pinto e hindi pa lumabas yung daga, bumalik pa sa loob ng bahay.

Mga dalawang araw din napuyat yung tatay at nanay ko sa paghahanap dun sa daga, at pakikipaghabulan. Hanggang sa napagtanto na lang ng tatay ko na nakalabas na yung daga dahil sinira nito yung pintuan namin. Gumawa siya ng medyo malaking butas para dun lumusot at itigil na ang pakikipaghabulan sa nanay at tatay ko.

Lahat tayo ay parang daga na takot sa tao. Yung mga taong tinutukoy ko dito ay yung mga kinatatakutan natin—rejection, failure, daga, dilim, boy siga, biyanan, nanay, tatay,—lahat na ng kinakatakutan nga tao. Pag takot tayo, kung san san tayo napupunta, maligalig, walang direksyon, wala sa wisyo. Kasi alam natin na nasa teritoryo tayo nung kinakatakutan natin. Wala tayong magawa kundi magpakain sa takot o kaya sumunod na lang dahil takot tayo dun sa tao.

Pero bakit yung daga, matalino man o hindi, nakalabas dun sa bahay, sa kinatatakutan niya. Nakaya niyang lagpasan yung kinatatakutan niya, nakayanan niyang umalis dun. Partida yun, daga. E tayo, tao, human being. Bakit masyado tayong nagpapakain sa takot. Masyado tayong mahina kumpara sa takot na nararamdaman natin. E kung tutuusin, tayo lang naman din yung gumawa nung takot na yun. Bakit kaya hindi rin tayo ang gumawa ng paraan para malagpasan yung takot na ginawa natin?

Siguro hindi naman kaagad agad yung paglagpas dun sa takot.Tipong instant Kasi yung daga, nag ipon din ng lakas ng loob at strategy kung pano siya makakalabas sa bahay. Yung naunang daga naman, simple lang. Kung san siya pumasok, dun din siya lumabas. Simple. Wala nang habulan. Walang siraan ng gamit. Bakit hindi natin isipin kung bakit nga ba tayo takot. San ba yun nagsimula. Baka naman pwedeng pag isipan tapos makita na hindi pala dapat katakutan yung kinatatakutan natin.

Sabi nga dun sa napanood ko na ambulance girl (medyo boring pero pwede nang pagtiyagaan), “Fear is like a hologram. When you go beyond it, you’ll realize it’s just an illusion.”

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Delayed Advance


Magulo na naman ang pamagat ng entry na ito. Bakit? Kasi magulo ang isip kong sadya. At saka, kaya nga tatsmub ang blog ko dahil tatsmub talaga. Kaya madalas wala kang mapupulot. Kung meron man, hindi yun sadya. Hehe.

Aktwali, pangdalawang entry yata to kaya’t mahaba-haba ang babasahin niyo.

Dapat talaga, time to shine ang title. Kasi nanood ako ng futbol nung linggo. Updated na updated yung blog noh? Heniweys, napansin namin yung pagkakaiba ng mga taong nagdagsaan sa rizal memorial stadium dun sa mga taong nagpunta sa stadium ng sri lanka. Una mong maiisip, GARABE naman yung mga tagadun, di man lang sinusuportahan yung team nila. Samantalang tayo, pinagawa pa ng bonggang bongga yung stadium para naman hindi nakakahiya sa AFC. Pero di ba, parang tayo rin noon yung sri lanka. Mga walang pakialam sa futbol. E kelan ba nauso yung futbol sa pilipins? Simula nung dumami yung hafpinoy? O baka naman simula nung nanligaw si phil kay engel? Biro lang. Hindi ko rin alam. Pero nung panahon na hindi pa uso sa pinas yung futbol, baka andun pa lang ngayon yung sri lanka. Dapat kasi merong mapogi silang haf sri lankan din. Charot!

Dati naman kasi, basketbol lang ang sports na alam ng mga pinoy. Toyota at Crispa lang ang team na alam nila. Kaya nga puro pa-liga ang SK tuwing summer di ba? Kasi nga yun lang din yung alam nilang sport. Hanggang sa bumili ng suka si pacman at nakabili ng hermes na bag para sa kanyang ina. Yan pa lang talaga ata yung mga sport na inaabangan talaga ng mga tao sa tb. Yung tipong pag may laban sila e titigil ang oras at mundo ng mga pinoy. Wala kang masasakyan dahil lahat ng drayber ay nasa bahay o terminal na may tb para manood ng laban. Tipong manalo o matalo e merong naka eskedyul na inuman ang mga tambay at tatay.

Tapos sumikat na si futbol. Bow. Ang gusto ko lang naman talagang sabihin e may oras para sa lahat—sports man yan o anupaman. Tulad na lang ng trip to europe ko. Europe na naging bato pa.

Wala naman akong sinisisisi kasi tanggap ko na. Baka nga hindi pa ngayon. Meron kasi akong inaplayan na summer skul samwer in europe. Natanggap naman ako. Pero, may registration fee na babayaran mga halos tu mants bago yung summer skul. Sa kasamaang palad e hindi ko yun nabayaran dahil sa wala akong isponsor. Nalungkot talaga ako. Naghanap naman ako pero di nila keri. Pero kanina, nung nag hinternet ako at nagbukas ng himeyl, nagreply yung isa na nagsasabing willing na willing siyang suportahan ang paghyurup ko. Kaso mo, halos isang buwan na ang lumipas yung bayaran nung reg fee. SAYANG!!!

Baka nga hindi ko pa oras mag ibang bansa. Anut anupa, e marami naman akong natutunan. Baka nga hindi ko pa time to shine. Darating din tayo diyan. Matatapos ko rin yung tinatapos ko, magkakatrabaho at magbabaksyon sa hyurup. Bwahahaha. Malay natin, neks yir.

Huwebes, Hulyo 7, 2011

facebook

Nagkalat na yata ngayon sa balita na marami nang napapahamak dahil sa pakikipagtagpo sa mga taong nakikilala sa peysbuk. Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit may mga taong gumagawa nito. Bakit ba sila nakikipagtagpo sa mga estranghero? At bakit may mga taong ginagamit ang peysbuk para gumawa ng masama?
Bigla ko tuloy naisip yung mga “prends” ko sa peysbuk na hindi ko kilala sa totoong buhay. Samakatuwid, estranghero. Bakit ako nag-add ng estranghero? Lilinawin ko lang, hindi ako nakikipagparamihan ng prends gamit ang peysbuk. At wala nama akong balak na gawan sila ng masama. May dahilan ako kung bakit ko sila ni-add. At sasabihin ko na dalawa lang sila, sana nga tatlo kaya lang naduwag ako dun sa isa. Hehe.
Itong dalawang estranghero ay karas ko po kaya ko po ni-add. Madali kasing magka-ideya kung sino yung tao sa pamamagitan ng peysbuk. Pinaganda ko lang pero pwede mong tawaging “online stalking” itong ginagawa ko. Malalaman mo kung sino yung tao, anong grup op prends ang kinabibilangan niya, anong mga hilig niya, anong peyborit past time niya at marami pang iba lalo na kung in a relationship siya.
Masaya naman kasi sa tuwing may malalaman kang bago sa karas mo ay lubos mong ikaliligaya. Parang hachivment. Natuwa naman ako sa bawat pag-update ng status at pagpost ng pektyurs nila.
Pero noong nakaraang linggo, kasabay ng pagiging online ko sa peysbuk, pag download ng mga kanta, at pagtingin sa blog kong inaamag na, dineaktibeyt ko na yung pesbuk account ko. Natuwa naman ako kasi hindi na ako kasing aktib online kaya medyo wala nang sense magpeysbuk para sa kin. Pagbukas ko kasi e hindi na ko maka-relate. Parang andami kong na-miss.
May isa lang problema. Ngayon ko lang naisip na kasabay ng pagkawala ko sa mundo ng peysbuk e pinutol ko na rin yung tangging linyang nag-uugnay sa kin at sa natatangi kong karas—ang peysbuk. Wala na. Hindi na nga kami magkakilala sa totoong buhay, hindi kami teksmeyt o mag phonepal, hindi pa kami prends sa peysbuk. Wala na. Hindi na talaga kami magkakilala. Ngayon ko lang naisip. Balik na naman ako sa panakaw na pagsulyap tuwing linggo. Isang beses na lang sa isang linggo ako kikiligin.
Sa kabila nito, mananatili na muna siguro akong multo sa peysbuk hanggang sa magpakabit na ng hinternet sa bahay namin.

Miyerkules, Abril 13, 2011

doon sa batuhan part 2

andami na kasing nasa draft ko kaya tapusin na natin to. iklian na natin...

matapos niya maaksidente, nag alala naman ako ng bonggang bongga. di ko naman siya mapuntahan dahil pa maria clara ang lola niyo, dalagang pilipina na ayaw ipahalata at ipagsigawan na kras niya si chum. kaya ayun. ang nagawa lang ni nita ay isipin na ok na si chum at galos lang ang natamo nito.

kinabukasan, walang ibang inisip si nita kundi ang makita ang binata, para makamusta na rin ito.

maya-maya pa ay nagkausap ang dalawa. naikwento ng binata ang pangyayari sa nakakatawang paraan. at laking gulat ni nita na malaki pala ang pinsalang natamo ng binata. (na hindi na niya ilalagay dito dahil baka masuka at mandiri kayo at hindi na magbasa nung ibang entry ;) may isang matandang babae na naki usi at tinanong kung ang inaalagaan aw ba si chum ng kanyang gelpren. hindi naman sumagot ang binata.

nung tangalian, hindi na nila kasabay si chum. baka nahiya na rin sumabay sa laki ng mga sugat niya. at dun na nga siya napag usapan. nabanggit ng mg kasama ni nita ang tungkol sa gelpren ni chum. nagkatinginan na lang si nita at ang kanyang roomate sa narinig nilang yun. at tila nang aasar pa ang mga nakahalata sa pagkwento ng pagkaintimate ng magnobyo. sana raw sa simula pa lang ay sinabi na ni nita para nagawan nila ng paraan.

tas nag-inom sila at nagsuka si nita. bago pala yun e nahiga pa siya sa sahig at naikwento niya lahat ng pinagsamahan nila ni chum. hanggang sa bloog! naging entry na to sa blog na ito.

sa huli e natutunan niya na dapat talagang inaalam muna ang relationship status ng kras. isa pa, dapat din naman na irespeto ang kapawa babae (kahit na kinuha ni nita ang number ni chum, tinext at tinawagn pero out of coverage area ang numero). at panghuli, dapat alamin ang relationship status ng kras...nasabi ko na ba yun?

at dyan nagtatapos ang kwento ni nita negrita sa batuhan. sayang. ok na sana. pero sana, sa pagbabalik niya sa lugar e single na si chum. biro lang. sana, bago pa man siya makabalik sa lugar na yun e handa na siya kung anuman ang relationship sttus na chum...at sana, hindi na rin muna siya umasa, kalimutan iyon at mag move on.

pero mananatili ang sumusunod:
rule number 1: never ever assume. at
rule number 2: hands off sa may karelasyon na.

hindi sayo umiikot ang mundo

graduation na. at bilang hindi naman ako magtatapos ngayong semestre, e CONGRATUMALATIONS nalang sa mga nagsipagtapos...sa graduates of 2011 ika nga nga mga tarpolin ng mga politiko.

maiba tayo, bilang onti na lang kami ng prends ko na maiiwan sa unibersidad, syempre malungkot ang lola niyo. kasi naman, mawawala na yung mga taong kasama ko ng halos apat na taon. sila, gagraduate na samantaang ikaw, maiiwan. ansakit kaya sa loob.

okay naman ako na hindi ako nakatapos ngayong sem. yun yung inakala ko. pero nung nakasama ko ulit sila, wala kang maririnig kundi clearance, pagpapa-bind ng thesis, paghahanap ng trabaho...sa maikling salita e usapang pang graduate.

syempre, nakikiuso na lang ako, kahit sa totoong buhay e nakikitambay lang ako kasi namiss ko sila ng bonggang bongga. oo, masakit sa loob kasi sila nagdidiwang tas di man nila napapansin na uy, may kasama tayong hindi pa ggraduate. ansaya saya kasi nila masyado samantalang ako, gusto ko nang umiyak ng malakas at maglabas ng sama ng loob.

pero naisip ko, ampanget din naman kung nagdidiwang ang lahat tas biglang may hihikbi at iiyak at mag iinarts dahil di pa siya ggradweyt. anak ng tokwa! basag na basag ang trip nila non. naisip ko yun at bigla akong natawa...at nawirduhan na naman yung mga taong nakakita sakin na biglang ngumingiti ng walang dahilan. akala nila naisip ko si chum. (paalala: hindi lahat ng pagngiti nang bigla ay dahil sa crush o lablayp :p)

minsan talaga, kailangan lang natin huminto panandalian para makapag-react sa mga bagay bagay. imbis na magmukmok, humikbi at umiyak, bakit hindi ko na lang ipagdiwang yung pagtatapos ng mga prends ko di ba? pwede naman akong maging masaya para sa kanila kesa manira ng moment at maging drama queen at angkinin ang stage...tapos sisirain ko pa yung happy moment nila.

sabi nga sa mean girls 2, na borin panoorin dahil mukhang wala naman talagang conflict o peak yung movie, minsan, syempre english to pero di ko na tanda kaya yung naintindihan ko na lang yung ilalagay ko, minsan, este...basta ang punto e yung proseso yung pahalagahan nain, hindi yung product, yung means kesa yung end. mas madami kasi tayong matututunan sa proseso. na kahit hindi tayo yung bida e marami tayong matututunan sa mga napagdaanan natin kasama yung mga bida at kontrabida.

tatapusin ko na lang to sa kasabihan na galing kay miley cyrus na...*drumroll


IT'S THE CLIMB.

:)

Linggo, Abril 10, 2011

label

maikli lang ang entry na ito dahil isa lamang itong pagninilay.

pansin niyo, ang dali magpakilala ng tao. si ano...yung kulot...yung straight yung buhok..yung konyo..yung jologs manamit...yung bitch...yung parang si maria clara sa pagka-demure...

kasi ako...paano nga ba ako mapapangalanan. pakiramdam ko kasi madaming mukha ang tao pero hindi niya alam o kaya ay nakapili na siya ng mukha panghabambuhay. halimbawa, habangbuhay na siyang kire o suplada....mga ganun.

ang pamilya namin ay medyo old skul so demure demuran ang lola niyo. bawal ang ganito ang ganyan.pag nakita ako ng tatay ko na naka-palda o sleeveless *tugsh balik sa kwarto at magpapalit ng damit. perstaym ko atang mag-palda ulit nung nag debut ako.hehe

kaya naman, medyo wala akong muwang sa paglalandi. di ako nakikipag date...di ako marunong mamlert...at hindi ko kayang bumasa ng pamemlert ng mga lalake.

wala lang. ang hirap lang hanapin yung totoong ikaw di ba. kasi minsan, parang andaling maging bitch na lang. o kaya poreber demure at old skul. o kaya flirt na wagas. pero iisipin mo yung konsikwenses nung magiging ikaw.

sabi nga sa isang pelikulang ingles, na...*nosebleed...hindi natin mababago ang mga sitwasyon sa buhay natin pero

Biyernes, Abril 8, 2011

doon sa batuhan 1

itago na lang natin siya sa pangalang nita.
dumating siya sa isang lugar bilang tagapagsalita sa mga lider-estudyante.
pagkadating sa lugar ay di niya naiwasang mapansin ang isang lalake, yung photographer. naka-uniporme ito pero hindi pang estudyante. yung mama na iyon ang photographer at operator ng laptop at lcd projector.
bukod sa mga ito, hindi inakala nang dalaga na siya rin ang makakapagpatibok sa kanyang puso.

dahil sa medyo delikado sa lugar, si nita ang ang dalawa pa niyang kasama ay may security na naka-uniporme rin. lagi nilang kasama ang mga ito. tinawag ni nita na "buddy" ang kanyang securoty. nalaman niya na batchmate nito ang photographer.

dahil laging nasa tapat ng dining table yung laptop, laging nakikita ni nita si mama (itago na lang natin sa pangalang chum.) tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata ay niyayaya ni nita na sumabay sa pagkain si chum. lagi naman itong tumatanggi dahil nasa mesa ang mas nakatataas na awtoridad.

hanggang sa isang tanghalian, nauna si nita sa hapag-kainan at nagulat na lamang siya nang bigyan siya ni chum ng platong mag kanin, scrambled egg, at dalawang piraso ng tuyo. Iyon ang ulam ng lahat nung tanghalian. Biglang dumating ang buddy ni nita at may dalang malamig na tubig. Bigla na lang nawala si chum. buti na lang at nakapagpasalamat si nita. maya-maya pa ay nagkatinginan na naman ang dalawa. tulad ng dati. niyaya ni nita si chum na kumain ngunit tumanggi ito.

hanggang sa kinailangan nang umalis ni buddy dahil may eksamin ito kinabukasan. malayo pa ang pupuntahan niya. wala nang security si nita.

kinabukasan, halos walang tao sa resort na tinutuluyan nila nita at nang mga lider-estudyante. may motorcade kasi nung araw na iyon at pinili ng mga tagapagsalita na manatilisa resort at maghanda para sa susunod na mga participant. isinabay na rin nila ang paliligo sa beach sa resort.

tapos na maligo sa beach. nauna ang isang kasama ni nita na maligo sa bayo. habang nagbabalaw ang kasama, nagpasya si nita na magpatuyo sa may beranda. biglang dumating si chum na may dalang meryenda. nakita ito ng isa pang kasama ni nita at inassign niya si chum na bantayan si nita. sinabi rin nito na si chum na ang bagong security ni nita. ang tugtog...ted hanah ng parokya ni edgar. kinilig naman si nita.

tinanong ni chum kung ano ang ginagawa ng kasama ni nita. sabi nito ay naliligo. sabi ni chum, mga isang oras na raw doon ang kasama ay hindi pa rin ito tapos maligo. ang mga babae raw talaga, kay tagal maligo. mga isang oras. samantalang ang mga lalake... lalo na raw kapag may date. alas-otso ang date, lalabas ang babae ng mga alas-diyes. nagsalita naman si nita. sabi nito na ganun talaga ang mga babae, dapat maganda. pagkatapos maligo ay mamimili pa ng damit, ng sapatos at ng mga burloloy.

hanggang kung san san na napunta ang kwentuhan. at biglang nabanggit ni chum na may nakapagpatayo na siya ng bahay. natapos ito nung nakaraang taon kahit paunti-unti niya itong pinagawa. medyo kumpleto na rin daw ang mga gamit. humirit naman si nita na ang kulang na lang ay asawa. sumang-ayon naman si chum.may binanggit pa ito na hindi na narinig ni nita dahil sa tawanan nilang dalawa.

hanggang lumabas na at natapos maligo yung roommate ni nita. umalis na rin si chum pagkahatid sa kanya sa kwarto.

pagkatapos maligo ni nita ay dumerecho na sila ng roommate niya sa baba kung saan na sila kumakain. si chum ang nagdala ng pagkain. malayo-layo kasi ang kusina mula sa kinalalagyan nila.
at dito na nagsimula ang tawanan sa hapag-kainan. at sa wakas, nakasabay na rin ni nita si chum sa pagkain. sa sobrang saya, may nabulunan, may nagbuhos na kape mula sa bibig, puro tawanan. matagal sila kumain dahil may kwentuhan at panay ang tawanan habang kumakain.

at kahit tapos na kumain, nagtatawanan pa rin ang lahat. busog nga ang tiyan ng pagkain, pero mas busog ang tiyan sa kwentuhan at katatawanan.

naging ganito bawat almusal, tanghalian at hapunan. minsan, kahit pa meryenda.

isang hapon, pinahanap si chum ng malaking kabibe na pwedeng pang-trophy ulit sa contest. siya kasi yung nakahanap nung una kaso naibigay na sa contest na nauna kaya kailangan nila ulit maghanap.

pumunta sila sa batuhan, sa shore na mabato. dun daw kasi niya nakita yung dati. sa haba ng shore na ito, naubos na ni nita yung meryenda niya. hindi rin siya makakilos ng maayos kasi nga kumakain siya. nakakatawa lang kasi nailang si chum na hawakan ang kamay ni nita, na alalayan siya. umakyat si chum sa isang malaking bato. sabi nito, masarap daw mag-picture doon.pumose pa nga ito na parang king of the world ni jack sa pelikulang titanic. sabi ni nita, sayang at di nila dala yung dslr. sabi ni chum, pwede naman raw dito, sabay labas ng cellphone niya. bilang slow si nita, hindi naman niya inakala na pwedeng gusto lang makakuha ni chum ng picture niya sa cellphon nito. pero naisip ni nita, nung training naman ay panay ang kuha sa kanya ni chum ng litrato sa dslr kaya marami na itong picture niya.

nagtapos na ang paglalakbay nila.kailangan na nilang bumalik.akala ni nita ay doon din sila babalik.yun pala ay iba ang dadaanan nila. doon sa lupa, pataas papuntang kalsada. oo, slope ito. so, wala nang ibang pwedeng gawin kundi ang mauna si chum at hawakan ang kamay ni nita.

nasa kalsada na sila at nagbibiro si chum. hanggang sa makabalik na sila sa mga kasama. natahimik si nita dahil alam niyang para siyang nasa drama o telenovela kanina...sa batuhan....kasama si chum...at dun sila nagkakwentuhan, nagtawanan, at nagkahawak ng kamay.

masaya na si nita na makasabay ang binata tuwing kakain. pero isang gabi, habang nagho-host si nita, nalaman niyang naaksidente si chum. sumemplang ang motor na sinasakyan nito at duguan daw ang binata.

ITUTULOY...