Sabado, Hulyo 30, 2011

SMILE ^_^


In the moments when my good times start to fade
You make me smile –uncle kracker

Everytime I see you face
My heart takes off a high speed chase--lifehouse

Wag mag alala dahil hindi naman hinglish itong entry na ito.

Gusto ko lang yung kanta. Kasi napapangiti ako kapag nakikita ko itong tao na to. Lalo na kapag nahuhuli ko rin siyang nakatingin sakin. At iyon na nga ang nangyari kagabi.

Mainit ang ulo ko nung pumasok ako dun sa kwarto. Naiba yung posisyon ng mga upuan kasi ginagawa yung harapan. Yung mga upuan ay pa-perpendicular, 90 degrees yung angulo-- basta magkakakitaan kayo nung mga nakaupo sa kabilang side.

Hindi naman yung mga upuan yung nagpainit ng ulo ko. Medyo galit kasi ako dun sa kasama ko. Hindi naman galit pero ayoko lang muna siyang kausapin o pansinin, magulo kasi siya. Heniweys, babae yung kasama ko. At siya pumili ng uupuan namin. Alas-siyete na. Wala pa rin yung “speaker.” Syempre napalingon ako dun sa kinalalagyan nung “entourage.” Wala pa rin yung tagapagsalita at patuloy ang pagkalembang. Sa paglingon kong yun, nakita ko siya at napangiti ako. Hindi ko inasahan na mapapangiti niya ko. Pero hindi ko na rin napigilan. Ganon katindi ang epekto niya sakin. Tapos nahuli ko pa siyang nakatingin sakin. Edi natunaw na ang lola niyo.

Nakakainis lang kasi akala ko okay na ko. Tinigil ko na kasi ang pag iisip sa mga kras ko dahil wala naman talagang sense yun. Sayang lang yung oras ko. Akala ko rin na mapuputol na ang koneksyon namin dahil wala na akong peysbuk. Pero lahat yun akala lang. Dahil nakita ko lang siya e ngiting-ngiti na ko ulit. Anlabo ko talaga.

Dun sa nangyari kagabi, napaisip na naman ako. Siguro dapat na kong makontento na isang beses sa isang linggo e may nakikita akong magandang tanawin na nakakapagpasaya sakin ng tunay at wagas. Alam mo yung pag nagkakatinginan kayo, parang may samting. Parang ang ganda ganda mo mula anit hanggang talampakan. Alam mo yung pakiramdam na kapag tinititigan ka niya, ikaw na ang pinakakontentong babae sa mundong ibabaw, ikaw na ang dyosa sa mga mata niya. Tuwing magkikita kayo, tumataas yung tingin mo sa sarili mo, parang perpek ka na. At siya lang ang nakakagawa nun sayo, wala nang iba.

Kaya naman sa isang oras na iyon na nakaupo ka sa loob ng kwartong iyon, ang saya saya mo. Kikiligin ka na nang isang buong linggo hanggang sa magkita na ulit kayo.

Pero sa ngayon, kontento na ko sa ganito. Minsan kasi, may mga bagay na kapag ipinilit mo pa, kapag humingi ka pa ng sobra, masasaktan ka lang. Tapos iisipin mo na sana nakontento ka na lang sa kung anong meron ka dati. Andun pa lang ako sa stage na yon. Sabagay, busy pa ko. Niaha. Masaya na ko na dahil sa kanya, ngumingiti ako. Na dahil sa kanya, gumaganda ang tingin ko sa sarili ko. Hanggang sa susunod na linggo J ngayon yun…hehe

Sabado, Hulyo 9, 2011

Daga


Nung isang araw, may nakapasok na malaking daga sa loob ng bahay namin. At kapag sinabi kong malaki e hindi kasing laki nung dagang costa na tinitinda ni manong, kundi kasinglaki nung dagang kanal. Kadiri di ba? Pero hindi naman siya galing sa kanal, magkasinglaki lang sila.

Kasi nasaktuhan nung daga na magbubukas ng pintuan yung kapatid ko. Pagbukas ng pinto, nagulat yung kapatid ko, nagulat din yung daga. Sa sobrang gulat ng kapatid ko, hindi niya agad naisara yung pinto. Sa sobrang gulat nung daga, pumasok siya dun sa pinto, dun sa loob ng bahay namin.

Maliksi yung daga. Mabilis. Tanga. Hindi siya katulad nung naunang daga na nakapasok sa bahay namin na tumahimik lang ako at pinatay lahat ng ilaw, kunwari walang tao, walang ingay, sabay lagay ng tungkod para manatiling nakabukas yung pinto, e lumabas na yung daga. Itong daga ngayon e maligalig at hindi matalino. Ni hindi niya alam kung san siya pumasok kasi nung isang beses e dun siya nagtangkang lumabas sa isa pa naming pinto. At malala pa, binuksan na nung tatay ko yung pinto e hindi pa lumabas yung daga, bumalik pa sa loob ng bahay.

Mga dalawang araw din napuyat yung tatay at nanay ko sa paghahanap dun sa daga, at pakikipaghabulan. Hanggang sa napagtanto na lang ng tatay ko na nakalabas na yung daga dahil sinira nito yung pintuan namin. Gumawa siya ng medyo malaking butas para dun lumusot at itigil na ang pakikipaghabulan sa nanay at tatay ko.

Lahat tayo ay parang daga na takot sa tao. Yung mga taong tinutukoy ko dito ay yung mga kinatatakutan natin—rejection, failure, daga, dilim, boy siga, biyanan, nanay, tatay,—lahat na ng kinakatakutan nga tao. Pag takot tayo, kung san san tayo napupunta, maligalig, walang direksyon, wala sa wisyo. Kasi alam natin na nasa teritoryo tayo nung kinakatakutan natin. Wala tayong magawa kundi magpakain sa takot o kaya sumunod na lang dahil takot tayo dun sa tao.

Pero bakit yung daga, matalino man o hindi, nakalabas dun sa bahay, sa kinatatakutan niya. Nakaya niyang lagpasan yung kinatatakutan niya, nakayanan niyang umalis dun. Partida yun, daga. E tayo, tao, human being. Bakit masyado tayong nagpapakain sa takot. Masyado tayong mahina kumpara sa takot na nararamdaman natin. E kung tutuusin, tayo lang naman din yung gumawa nung takot na yun. Bakit kaya hindi rin tayo ang gumawa ng paraan para malagpasan yung takot na ginawa natin?

Siguro hindi naman kaagad agad yung paglagpas dun sa takot.Tipong instant Kasi yung daga, nag ipon din ng lakas ng loob at strategy kung pano siya makakalabas sa bahay. Yung naunang daga naman, simple lang. Kung san siya pumasok, dun din siya lumabas. Simple. Wala nang habulan. Walang siraan ng gamit. Bakit hindi natin isipin kung bakit nga ba tayo takot. San ba yun nagsimula. Baka naman pwedeng pag isipan tapos makita na hindi pala dapat katakutan yung kinatatakutan natin.

Sabi nga dun sa napanood ko na ambulance girl (medyo boring pero pwede nang pagtiyagaan), “Fear is like a hologram. When you go beyond it, you’ll realize it’s just an illusion.”

Biyernes, Hulyo 8, 2011

Delayed Advance


Magulo na naman ang pamagat ng entry na ito. Bakit? Kasi magulo ang isip kong sadya. At saka, kaya nga tatsmub ang blog ko dahil tatsmub talaga. Kaya madalas wala kang mapupulot. Kung meron man, hindi yun sadya. Hehe.

Aktwali, pangdalawang entry yata to kaya’t mahaba-haba ang babasahin niyo.

Dapat talaga, time to shine ang title. Kasi nanood ako ng futbol nung linggo. Updated na updated yung blog noh? Heniweys, napansin namin yung pagkakaiba ng mga taong nagdagsaan sa rizal memorial stadium dun sa mga taong nagpunta sa stadium ng sri lanka. Una mong maiisip, GARABE naman yung mga tagadun, di man lang sinusuportahan yung team nila. Samantalang tayo, pinagawa pa ng bonggang bongga yung stadium para naman hindi nakakahiya sa AFC. Pero di ba, parang tayo rin noon yung sri lanka. Mga walang pakialam sa futbol. E kelan ba nauso yung futbol sa pilipins? Simula nung dumami yung hafpinoy? O baka naman simula nung nanligaw si phil kay engel? Biro lang. Hindi ko rin alam. Pero nung panahon na hindi pa uso sa pinas yung futbol, baka andun pa lang ngayon yung sri lanka. Dapat kasi merong mapogi silang haf sri lankan din. Charot!

Dati naman kasi, basketbol lang ang sports na alam ng mga pinoy. Toyota at Crispa lang ang team na alam nila. Kaya nga puro pa-liga ang SK tuwing summer di ba? Kasi nga yun lang din yung alam nilang sport. Hanggang sa bumili ng suka si pacman at nakabili ng hermes na bag para sa kanyang ina. Yan pa lang talaga ata yung mga sport na inaabangan talaga ng mga tao sa tb. Yung tipong pag may laban sila e titigil ang oras at mundo ng mga pinoy. Wala kang masasakyan dahil lahat ng drayber ay nasa bahay o terminal na may tb para manood ng laban. Tipong manalo o matalo e merong naka eskedyul na inuman ang mga tambay at tatay.

Tapos sumikat na si futbol. Bow. Ang gusto ko lang naman talagang sabihin e may oras para sa lahat—sports man yan o anupaman. Tulad na lang ng trip to europe ko. Europe na naging bato pa.

Wala naman akong sinisisisi kasi tanggap ko na. Baka nga hindi pa ngayon. Meron kasi akong inaplayan na summer skul samwer in europe. Natanggap naman ako. Pero, may registration fee na babayaran mga halos tu mants bago yung summer skul. Sa kasamaang palad e hindi ko yun nabayaran dahil sa wala akong isponsor. Nalungkot talaga ako. Naghanap naman ako pero di nila keri. Pero kanina, nung nag hinternet ako at nagbukas ng himeyl, nagreply yung isa na nagsasabing willing na willing siyang suportahan ang paghyurup ko. Kaso mo, halos isang buwan na ang lumipas yung bayaran nung reg fee. SAYANG!!!

Baka nga hindi ko pa oras mag ibang bansa. Anut anupa, e marami naman akong natutunan. Baka nga hindi ko pa time to shine. Darating din tayo diyan. Matatapos ko rin yung tinatapos ko, magkakatrabaho at magbabaksyon sa hyurup. Bwahahaha. Malay natin, neks yir.

Huwebes, Hulyo 7, 2011

facebook

Nagkalat na yata ngayon sa balita na marami nang napapahamak dahil sa pakikipagtagpo sa mga taong nakikilala sa peysbuk. Ang hindi ko lang maintindihan e kung bakit may mga taong gumagawa nito. Bakit ba sila nakikipagtagpo sa mga estranghero? At bakit may mga taong ginagamit ang peysbuk para gumawa ng masama?
Bigla ko tuloy naisip yung mga “prends” ko sa peysbuk na hindi ko kilala sa totoong buhay. Samakatuwid, estranghero. Bakit ako nag-add ng estranghero? Lilinawin ko lang, hindi ako nakikipagparamihan ng prends gamit ang peysbuk. At wala nama akong balak na gawan sila ng masama. May dahilan ako kung bakit ko sila ni-add. At sasabihin ko na dalawa lang sila, sana nga tatlo kaya lang naduwag ako dun sa isa. Hehe.
Itong dalawang estranghero ay karas ko po kaya ko po ni-add. Madali kasing magka-ideya kung sino yung tao sa pamamagitan ng peysbuk. Pinaganda ko lang pero pwede mong tawaging “online stalking” itong ginagawa ko. Malalaman mo kung sino yung tao, anong grup op prends ang kinabibilangan niya, anong mga hilig niya, anong peyborit past time niya at marami pang iba lalo na kung in a relationship siya.
Masaya naman kasi sa tuwing may malalaman kang bago sa karas mo ay lubos mong ikaliligaya. Parang hachivment. Natuwa naman ako sa bawat pag-update ng status at pagpost ng pektyurs nila.
Pero noong nakaraang linggo, kasabay ng pagiging online ko sa peysbuk, pag download ng mga kanta, at pagtingin sa blog kong inaamag na, dineaktibeyt ko na yung pesbuk account ko. Natuwa naman ako kasi hindi na ako kasing aktib online kaya medyo wala nang sense magpeysbuk para sa kin. Pagbukas ko kasi e hindi na ko maka-relate. Parang andami kong na-miss.
May isa lang problema. Ngayon ko lang naisip na kasabay ng pagkawala ko sa mundo ng peysbuk e pinutol ko na rin yung tangging linyang nag-uugnay sa kin at sa natatangi kong karas—ang peysbuk. Wala na. Hindi na nga kami magkakilala sa totoong buhay, hindi kami teksmeyt o mag phonepal, hindi pa kami prends sa peysbuk. Wala na. Hindi na talaga kami magkakilala. Ngayon ko lang naisip. Balik na naman ako sa panakaw na pagsulyap tuwing linggo. Isang beses na lang sa isang linggo ako kikiligin.
Sa kabila nito, mananatili na muna siguro akong multo sa peysbuk hanggang sa magpakabit na ng hinternet sa bahay namin.