Miyerkules, Hunyo 12, 2013

kawalan


minsan pala ganun, ano?
kahit na anong pilit mo sa sarili mo na "ayos lang, lilipas din yan"
kahit na ipamukha mo sa iba na ayos ka na at super mega laki na ng ngiti mo at umaapaw ang happiness
kahit na pilit mong pinaninidigan na wala lang yung nangyari, masaya ka na at naka-move on na

masakit pa rin. pinagdududahan mo pa rin yung sarili mo. at bago mo nang gawain ang tumititig sa kawalan nang walang ginagawa.

madaling sabihin na "kalimutan mo na lang yung nangyari, learn from it, move on"...

pero....

gano katagal akong magiging ganto?

----------------------------------------------------

yan yung ipo-post ko dapat sa facebook. kaso di ko tinuloy kasi ang petty. saka ayaw ko na ring harapin yung mga tanong na uusbong kapag pinost ko ito.

mag iisang linggo na rin kasi nang tuluyang mawala yung ugat ng kakiligan ko... di naman siya na deads or something pero nagka-girlfriend na siya.

sabi ko nga, rule #1: bawal magka-crush sa may girlfriend na. respeto na lang yan sa kapwa ko babae di ba?

ayun. bigla na lang naputol ang ugnayang meron tayong dalawa. pero kung iisipin mo, wala naman din tayong masyadong "ugnayan".

hindi ko na binibisita yung profile mo sa twitter pati sa fcebook kasi ayoko nang umasa, pati na rin masaktan. may kirot kasi kapag nakikita mo yung hindi naman iyo at hinding-hindi magiging iyo.

pero kanina, nakita ko na naman yung isa sa mga babaeng tipo mo. ang layo. ang layu-layo ko sa kanya. hindi ko naman dapat kinukumpara sarili ko sa kaninuman pero muli't muli, naparamdam mo na naman sa'kin kung gano ako ka-kulang para magustuhan mo.

sabi ko nga, suntok sa buwan ka. totoo naman.

may nagsabi sa'kin na umalis na'ko bago pa ko masaktan. kasi kahit na sabihin kong hindi ako nag eexpect, may ine-expect pa rin ako kahit konti. oo, siguro totoo. pero hindi ko inexpect na ganun. na magkaka-girlfriend ka nagyon na, agad-agad. masaya na ko na kilala mo ko at nagkaka-text tayo. masaya na ko dun.

pero ganun ata talaga...

yung rason kung bakit ako nakapagpasa ng chapters 1-4 ko e naging rason din kung bakit hindi ko ma edit edit yung chapters na yun...wala pa rin akong 2nd draft... kasi ambilis lumipas ng oras kapag nakatingin ka lang sa kawalan o kaya naghahanap ng kung ano mang makakapagpawala ng kirot na nararamdaman mo...tapos matutulog na lang at pagkagising mo, lumipas na naman ang araw na hindi ka umusad man lang sa dapat mong ginagawa.

naging masaya ako sa dalawang linggo ng pagpapakilig mo sa'kin...
nabawi rin dahil dalawang linggo kang hindi nagparamdam...
at ngayon, isang linggo na nang mabasag ako sa mensaheng ipinadala ng girlfriend mo.

gaano pa katagal ito?

Sabado, Abril 27, 2013

when the feeling is gone...

you read it right. i was not pertaining to the song if the feeling is gone. kasi dun sa kanta, they're in a relationship. i wasn't.

maybe, the feeling wasn't strong enough. that even if i saw you in my dreams that night, i didn't even care to write a note about it, like i always do when we see each other. nope. not this time. maybe because it was just a dream and not a personal encounter. but that dream made me happy for a while. OR NOT. minutes after posting this, i saw what i was looking for. that note describing what happened to THAT dream. WTF brain? asjfkhg

maybe i was just in a middle of nowhere waiting for some light to shine on me. and there you were... in my dream. scumbag brain.

instant inspiration. made me smile. made me read all the notes i wrote about you. made me reminisce those moments, from the first time we met til the last one. and up until now, one question bugs me: were you really my classmate in that class or you were just there to court a classmate of mine? i still don't know and i have no way of finding out.

it's been months, almost half a year, from the last time i saw you. you were still chubby back then. now that you've become so athletic, with the running and triathlon, wow on that, i have not seen you. not even a glimpse. i have no idea what your hair looks like or if you're still wearing shirts and basketball shorts with that black backpack of yours...i have no idea what you look like now. but i know you're still awesome. and you can never get ugly, this i know.

from that dream onwards, you made me lose my sanity. i was inspired, dressing up as if you'll see me where i work. i was hoping you'd get off a bus anywhere near i work just to see you so... hello there stupidity. knowing something new about you made me happy. then i became jealous of the girls around you. that one simple tweet REALLY ruined a week. more tweets from the same person meant war. and a lot of rationalization afterwards... all of them are just SISSES and you were the older brother... this convinced me. how foolish. everything seems so stupid now. but back then, two years ago when i started this shit, i was convinced that there's no way i could stop whatever it is i am feeling for you. and now it's gone. just like that.

not really just like that. maybe days or weeks. days or weeks of hoping i could bring back the spark. but i failed. like the spoon in the university, it can not be found. i made my self believe that there's still a little more, when there's none. maybe this is my reality check. maybe it's time to stop.

til the very end, i was hoping to see you around campus. i went there a couple of times but i didn't even see your hair, or your back like i always do. nada. as i stroll around campus, i still remember the times i saw you in those places. as i ride the jeepney, i'm still hoping that you'd be one of the passengers. i'm doing this even in the bus terminal! crazy!

tomorrow you'll be running, like a boss. and you'll be so close that i can go there, be a complete creep and catch even just a glimpse of you. but no, i won't be there. because this thing was never real in the first place. i was never even convinced that i'm your type, that you'll bother to even look at me. like what i said before, you were out of my league. we live in different worlds even before we met. i guess i just have to admit that. 

before this post gets too long, i'm saying goodbye. 

but the real test is when i see you again -- it's either i fall head over heels with you AGAIN or just ignore you completely. let's see...

Linggo, Marso 3, 2013

makita kang muli

sobrang tagal na nating hindi nagkikita!!! nung birthday mo pa tayo huling nagkita e...

pero nung isang araw, kasama ko ang nanay ko. may pinuntahan kami. nung bandang pababa na, naiwan sila kasama nang mga kaibigan niya. nagkwentuhan ang mga magkukumare. ako naman, bilang curious ako, bumaba pa ko ng konti pa, pero natatanaw pa rin naman nila ko. may isang kwarto dun sa bukas na bukas. at may mahimbing na natutulog. at dun ko napansin na ikaw yun. ang kyut mo naman matulog. malaki kang tao pero nilalamig ka siguro kaya ka nakabaluktot nang ganyan. mataas na ang araw at nasisilayan ka na kaya naman bago ka pa man magising e hinarang ko na yung kurtina para di ka magising sa sinag nang araw.

matapos kong iharang yung kurtina, umalis na ko. saka ka naman nagising. habang nagpupungay ka pa na mata at nagbblink blink, nakita mo ko. oo, may mata ko sa likod. umalis na ko sa lugar na yun pero di ko na kasama ang nanay ko. bigla na lang akong napunta sa gym na may ganap. parang may contest tapos i-aannounce na yung mga nanalo. kasama ko yung mga kasamahan ko sa trabaho. at yun, kame nanalo. pagka-announce na kami nanalo, mejo paalis na mga tao. saka ka naman dumating. sayang di mo man lang naabutan na iaanounce na nanalo kami. di mo nalaman na magaling ako sumayaw :p pero at least, andun ka. nagkatitigan tayo. saglit lang pero okay na ko dun. di ka pa naliligo kasi yung pa rin suot mo kanina habnag natutulog ka.

edi paalis na ko papunta sa isang fast food chain. kikitain ko naman yung mga bestpren ko nung elementary. nakaupo na kami at tada! andun ka na naman! nasa ibang mesa pero parang tayo yung magkaharap. kung makapagnakaw ka rin nang tingin waga ano po. syempre ako din.

hanggang sa nagising na ko sa napakagandang panaginip na ito! shet! ganun na kita namimiss na ininvade mo na pati panaginip ko. sabi ko nga, birthday mo pa nung huli tayong nagkita. ang taba mo na nga nun. mga limang buwan na rin ang nakalipas. ang ganda nang gising ko. sa sobrang ganda, mukha na kong baliw sa sobrang saya ko hanggang matapos ang linggo.

ganito na ba kita ka-miss talaga? namimiss mo rin kaya ako? yung nakikita mo paminsan-minsan? yung nakakasakay mo sa jeep? o sa bus? yung nakikita mo habang nag-aantay ka sa waiting shed? yung nakikita mo sa tabi-tabi? naiisip mo rin kaya ako?

kanina, sabimo, di mo na alam ang susunod na kabanata. kung gumagawa ka ng manus mo, haay! ang sarap magmotivate >_< di mo lang alam yung suportang gusto kong iparamdam sa'yo ngayon na agad-agad. gusto kong malaman mo na kayang-kaya mo yan, na may sumusuporta sa'yo, na may naniniwalang kaya mo.

baliw baliwan lang ang peg pero ang sarap lang talaga ibalik sa'yo yung mga nagagawa mo para sa'kin. ang sarap lang ipadama na somewhere out there, e may nagmamahal sa'yo at tatanggap sa'yo nang lubos.

haay! gusto na kitang makita ulit! malapit na.

Biyernes, Hulyo 27, 2012

buhay ulit

matagal tatagl na rin akong walang maisulat dito...kasi ampanget naman kung pupunta kang net shop habang nasa nuknukan ka ng emosyon para makapag blog. HALERRR?! kung makangiti naman ng bonggang bongga--parang shunga lang. kung makapigil naman ng luha o galit o anupaman di ba? may sayad lang teh?

matagal tagal din akong nasa madilim na estado ng pag iisip, ng pakiramdam, ng pagkatao. tipong pag nasalubong mo ko sa daan, makikita mo yung itim kong aura...parang sa mga cartoons at anime....ganun.

bakit nga ba ko nagsulat ulit? pag nakalabas ka kasi sa madilim na estado, pag natuklasan mong may iba pa palang pintuan, iba pang kwarto na pwede mong puntahan...na matagal nang andyan (ikaw lang talaga ang hindi nag eexplore dahil pinili mong mag emote at masadlak dun sa itim na kwarto), mabubuhay ang katawang lupa mo. mabubuhay ang tiwala at kumpiyansa mo sa sarili.

tama nga si ted failon, LILIPAS DIN YAN. nasa sa iyo na rin kung gano mo katagal gustong manatili sa itim na kwarto. kung kelan mo gustong mag explore at pumunta sa pink, yellow o rainbow-colored na kwarto.

kaninang umaga, doble yung binigay na trabaho samin. kung dati tig bebente lang, ngayon....kwarenta. TADA! good morning daw @_@ tas byernes pa di ba....tipong gusto mo nang tapusin yung araw para wikend na tas tada....kwarenta.

sabi ko na lang kay Bro, kayo na pong bahala sa kin. I will do my best so please, do the rest. haha. inisip ko lang, ayoko mag ka error kaya napa-kape ako pampagising. nung tumayo ako sa pwesto ko para pumuntang  banyo para jumingle, hinarang ako ni bisor. sabi niya, nakikita niya raw akong mag interbyu sa mga aplikante sa kompanya. nakikita niya raw na kaya ko yun. inulit na naman niya yung "I have high hopes for you." ang nasagot ko lang "okay". wala pa atang epekto yung kape e, natabunan nung kwarenta. kala niya sarkastiko ang sagot ko. haha. lost lang kanina. kinilig naman ako deep inside. discreet nga lang. ganun kasi ako pag kinikilig, nababato. parang pag me crush ako di ba, pag nagtititigan kami, kunwari walang malisya sa kin...pero kilig na kilig na ko deep inside. ganun ako kiligin, discreet. ang transparent ng mukha ko pero pagdating sa ganitong bagay, poker face!!!

mabalik tayo a kung nasaan man tayo...
nakakatuwa lang kapag may tao kang nakikilala na pag nagkita kayo, akala mo matagal na kayong magkakilala...tipong andami niya nang nasasabi na pwede kang maging ganito, ganyan...yung taong magsasabi sayo na ALAM KONG KAYA MO na walang halong kemberlu.

Haay...ansarap lang sa pakiramdam ^_^

antagal ko nang nasa madilim na kwarto kaya akala ko, poreber na ko dun, na baka yun na yung lugar ko sa mundong ibabaw. HINDI PALA. kelangan ko lang talagang dumaan sa itim na kwartong yung para patibayin ang sarili ko, para matalo ko yung mga kahinaan at kakulangan ko (sa pag iisip--chos!). kelangan kong dumaan dun para maging handa sa gusto kong puntahan. tipong kaya ako dinala sa itim na kwarto para makita ang susi sa dilim. MAHIRAP  pero kapag nakapa mo na yung susi at pinili mong bumangon at umalis sa kwartong iyon, DUN MAGBABAGO ANG LAHAT.

^_^

Biyernes, Pebrero 10, 2012

HURADO o BURADO

Dear Hurado,

Gusto na kitang burahin sa buhay ko. :p

Hello there! baby james lang? ^_^

kakarating ko lang galing sa halos isang linggong pag ibig...chos! bakasyon sa probinsya. oo. na stress na ko sa pagiging tambay ko kaya lumanghap muna ko ng hangin....galing dagat. hehe. kaya nangitim ako ng very very light.

eniwey, pagkarating ko mula sa bakasyon, syempre pagoda pa ko da ba?! e kasi nastress din ako sa kasama ko mag fly away. amf lang talaga. basta stress.

tapos, sa ikalawang araw ng pagbalik ko n sa balur, maganda naman ang bati ko sayo hurado. tapos maya maya, pagkatapos mo lumafang ng konti, kinamusta mo si thesis. ay hindi pala kamusta. tinanong mo kung bakit HINDI PA RIN TAPOS. actually, dapat nga isasagot ko sayo e HINDI KO RIN ALAM. TANONG MO SYA. e ayoko namang mabigwasan bigla at mapalayas sa balur habang nanonood ng american idol. kaya nanahimik na lang ako. kasi ayoko nang mga ganitong komprontasyon. at ayoko nang buhusan pa ng gasolina yung apoy. para kang manlilitis kung magtanong. parang gusto mong palabasin na bakit hindi ko ginagawa?

EXCUSE ME PO: HINDI PORKE'T HINDI NIYO NAKIKITA, E HINDI GINAGAWA.

naalala ko yung kapatid ko. lagi niyong sinasabing HINDI SIYA NAG AARAL kasi hindi niyo siya nakikitang nag aaral. pero bakit ako, nakikita ko siyang nag aaral. pero kung makapanghusga ka yo, kung makasigaw naman kayo ng MAG ARAL KA NGA!!! o kaya BAKIT HINDI KA NAG AARAL???? tsk tsk tsk

katulad rin to ng sinasabi ng kapatid ko na HINDI SIYA NANINIGARILYO. kasi hindi naman namin siya nakikitang naninigarilyo. pero amoy mo namang naninigarilyo siya. at imposibleng napunta lang lahat ng usok ng yosi sa damit niya at sa hiniga niya. isa pa, hindi rin naman weird yung paglabas niya ng bahay saglit, tas papasok ng bahay ng amoy yosi, ats saka magpupunas ng katawan para mawala yung pagka amoy yosi niya. WAIS.

matagal ko na namang alam na mapanghusga ka. pero nakakapnliit kasi kung makapag bitiw ka ng salita.

sabi nga ng isa kong propesor e HINDI NATIN ALAM KUNG BAKIT GANUN YUNG ISANG TAO. kung bakit siya ganun kumilos, magsalita, kung bakit niya ginagawa yung mga bagay na hindi natin maintindihan. MAY DAHILAN. kaya wag tayong manghusga AGAD AGAD.

isa lang naman ang dahilan niyong lahat kung bakit nakikita niyo bigla yung thesis ko e -- PERA. ibig sabihin na naman, MONEY IS TIGHT.

*sigh

Linggo, Setyembre 18, 2011

libreng batok

ang topak ko lang.
dahil sa mga pangyayari kagabi, hindi ko napigilang magbukas ulit ng peysbuk para lang mag-stalk. matingnan kung sila pa rin. kelangan ko lang iconfirm kahit malinaw na malinaw na kagabi na OO, SILA PA RIN.

e ano bang nangyari kagabi?

nagpunta ko sa lugar na yun pero ni hindi sumagi sa isip ko na may makikita ako kasi nga naka move na ko. yun yung akala ko. kampante ako na hindi ko siya makikita dahil ilang beses na ko nagpunta dun pero wala na siya, ni anino wala.

maaga ako nagpunta kaya pumunta muna ako sa maliit na sulok dun. nag isip. nagpasalamat.

lumabas na ko. paglabas ko, sa makitid na hallway, andon siya. may kausap na nakatatanda. nagpatuloy ako sa paglalakad dahil hindi naman ako pwedeng huminto at tumingin lang sa kanya. hindi niya ko kilala. at isa pa, nagulat din ako na maamoy makita ko siya.

hindi ko sigurado pero PARANG huminto saglit yung puso ko. hindi siya tumibok kaya hindi na rin ako kumibo. pero napa isip ako. PARANG bumalik sa dati yung isip ko. kung pano niya ko pinakilig. kung pano niya ko titigan. kung pano niya pinaramdam na ang ganda ganda ko. oo me ganon?!

kaso MALABO.hindi pala. I-M-P-O-S-I-B-L-E.

aaminin ko. sumaya ako dahil nakita at naamoy ko siya. napakabango. pero hindi pa pala tapos yung gabi.

pauwi na ko. naglalakad. may nakitang room for rent yung kasama ko kaya napalingon ako. andun siya, SILA. nasa likod lang namin. medyo malayo kaya nakita ko nang malinaw na malinaw ang hubad na katotohanan. sabay silang naglalakad. mukhang ihahatid niya pa nga. hindi man magkahawak ang mga kamay nila, hindi ko naiwasang masaktan ng bonggang bonnga.

kung kanina, huminto yung puso ko nang makita siya, ngayon naman, kumirot. kaya kung iisipin mo, hindi na kelangan pang maghanap ng iba pang pruweba. pwede niyo na kong batukan at sabihing "shungeps!sila pa rin."

ang hirap maging babae?!

Linggo, Agosto 14, 2011

umagang kay.....

hindi ko na alam kung naong mararamdaman ko.

si s1, may gelpren na.
si s2, kakabalik lang sa pagiging single.

una kong nakita si s2. natuwa naman ako. natawa pala. kasi nakita ko nang mangyayari to. na saglit lang yung relasyon niya.

pero nung nakita ko yung kay s1, *sad face

hindi ko maiwasang hindi malungkot. malala pa, tiningnan ko pa yung pictures nila at ni gelpren.

bakit ganon? dapat WALA nang anumang pakiramdam.....