Martes, Marso 22, 2011

basketbol

babae ako. kaya hindi basketbol ang peyborit sports ko. pero mahilig ako manood ng basketbol.

nung bata ako, galit ako sa basketbol. kasi, sa basketbol court nakatingin lagi yung tatay ko. habang ako, na mas malapit sa kanya, naglalaro ng baminton. nakaka-inis kaya yung ganung pakiramadam! ikaw na nga yung nasa malapit, sa iba pa rin nakatingin!  pero dito ko rin naisip na sadyang hindi mo mapipilit ang isang tao bagay sa hindi naman niya gusto. kaya hinayaan ko na lang yung tatay ko magmura habang nanonood ng basketbol na akala mo, siya ang coach. hindi naman.

ganun lang talaga siguro mga lalake. akala nila lagi silang pinapakinggan. o baka naman gusto lang nila na naririnig sila. kasi kahit nanonood ng boksing e ganun sila maka-react sa lahat ng pangyayari. akala mo si freddie roach tuwing nanonood ng laban ni pacman. now you know.

naaliw din naman ako manood ng basketbol dahil na rin siguro sa kapatid kong lalake na may ari ata ng remote namin sa bahay. nasabi ko bang mas matanda ako sa kanya pero hindi ko siya makutusan para ilipat ng istasyon yung tv. magkaka-giyera muna bago ko makuha yung remote. dahil sa kanya, nakilala ko ang NBA.

nung hayskul din, nabarkada ako sa ang past time ata ay basketbol. matapos ang klase, diretso na sa basketbol court. kami namang mga kababaihan e taga-bantay ng gamit habang nagtsitsismisan. at saka taga-kanchaw manalo man o matalo. kapag nanalo sila, libre na merienda--pansit canton at sopdrinks.

tuwing may liga, madalas pa-liga ng SK,mapapasabi ka na lang ng "uy, may SK pala." bukod dun, mapapasigaw ang mga kababaihan ng "POGI." kasi madalas, sa mga liga naglalabasan ang mga poging basketbolista. sabay tiiiiiiili.pero madalas, matatawa ka kasi sila rin yung lampa at puro papogi lang ang ginawa. pero pag naka-shoot, ngingiti sa madlang people, lalo na sa gurls, para magsigawan. oo, feel na feel nila ang ganitong mga pagkakataon.

natapos na ata ang pagkahilig ko sa basketbol nang paulit-ulit na lang ang nangyayari. manood ako ng liga dahil kasali yung kapatid kong lalake, manood ako ng basketbol na iilan lang naman din ang makikita mong teams sa finals, poging lampa, panget na lampa, bobo mag free throw, foulSSSSS, suntukan at pag gulong ng bola sa sahig at marami pang bloopers at violence.

pero ngayon, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang presensya ni basketbol sa tanang buhay ko. kasi sa gym, yung basketbol court ay nasa gitna ng gym. nasa gilid yung baminton court at balibol court. kaya kahit san ka lumingon, kitang-kita mo yung basketbol court pati yung  mga naglalaro.

mayaman ata ako sa vitamin A sa linaw ng mata ko. kahit anino lang nakikita ko e nakilala ko yung isang player ng basketbol. sabi nga sa potograpi, against da light sya kaya hindi mo makikita mukha. pero sa tindig at hubog ng katawan, sa height...kahit bagong gupit....kahit ibang pangalan ang nasa jersey e alam kong siya yun. yung kras (crush) ko **nagpapatukso.

syempre pa, kinilig naman ako. ngayon lang kita nakitang maglaro ng basketbol. actually, di naman talaga kita nakita maglaro kasi puro nakaw na tingin ang nagawa ko. nakita kitang tumatakbo at nang aagaw ng bola pero...hanggang dun na lang. di ko man lang nakita kung naka-shoot ka o lampa ka rin. kasi kahit magaling ka man o hindi sa basketbol, okay lang. kras pa din kita. *nagpapatukso ulit

ayun na nga. TALO. nung natapos yung laro niyo, tumambay ka pa ng konti. maganda yan. busog na busog ang mata ko.bwahaha. syempre pa, kahit na naka jersey ka e may backpack ka pa din. hindi ata yun mawawala sayo. at may bago. puting t-shirt na nasa balikat mo. eto ata yung ginawa mong tuwalya. pawis ka syempre, kakalaro mo lang. nangingintab yung balat mo sa pawis. maputi ka pala kapag pawis.haha. pero mas pumopogi ka. pasalamat ka at wala akong hawak na tuwalya kundi naipunas ko na sayo.haha.

naitutulad ko na naman sa pelikula. ganun naman lagi, pagkatapos maglaro ng basketbol, yung gelpren yung mag aabot ng tshert, ng tuwalya, ng tubig etc etc. o kaya, siya mismo magpapainom ng tubig, magpapalit ng tshert at magpupunas ng pawis gamit ang tuwalya. medyo nakakadiri kasi duh?! PAWIS yun. eew. pero kung mahal mo naman yung tao, hindi mo na mapapansin na kadiri to death yun. kikiligin ka pa nga. nakanang?!

sayang kasi hindi ka pa nagtuloy-tuloy na lapit papunta sa kinaroroonan ko. sana lumapit ka pa ng onti.


bakit gnun sa basketbol court no? andaming nakatingin pero hindi naman natitingnan. andaming sawi. andaming busog ang mata. andaming kinikilig. andaming nagpapasikat. 

maliit lang naman yung lugar pero tulad ng dati, hindi pa rin tayo nag pang-abot. masyado bang malaki ang jeep, ang waiting shed at and gym?

maliit ang mundo. HINDI RIN. isa pa, may mga bagay at tao talaga tayong hindi natin makukuha....agad-agad. it takes time. tulad ng tatay ko, kailangan niya lang mapansin na maaling yung anak niya sa baminton para mapatingin sa kinatatayuan ko. joke! kailangn ko pang magkapasa ng malaki sa braso para mapamura naman siya sa baminton. at least, napansin na niya di ba.

makikilala mo rin ang baminton. makikilala mo rin ang manlalaro. magtatagpo rin tayo.

sa muli nating pagkikita....sana sa masikip na masikip na lugar nang magpang-abot naman tayo.

Miyerkules, Marso 9, 2011

panaginip (na may sense)

nitong mga nakaraang araw, masaya ako.
bakit?
kasi merong importanteng tao sa buhay ko na mulin nagbalik at nagparamdam.
importante siya dahil siya yung inspirasyon ko na mag-ayos.

balik tayo sa pamagat nito.
dahil na rin siguro sa sobrang kasiyahan kaya inisip ng utak ko na batukan ako sa pamamagitan ng panaginip.

dun sa panaginip ko, andun tayo sa lugar. tapos, lahat ata ng kaibigan kong becky e present sa panaginip ko. at para kang magnet dahil kung nasan ka, andun sila.haha

tapos, nung pababa na tayo, tinuro mo siya, yung eX mo. hindi ko alam pero yung naramdaman ko nun, parang mahal mo pa si eX.

dito ko naisip na...
unang-una, baka nga hanggang kaibigan lang talaga tayo.

ikalawa, na sadyang mabait ka lang talaga (at pogi).

panghuli, na baka siya pa rin.

naisip ko,
syet. bakit ang dali kong mahulog para sa mga friendly na tao?!

pero bago ang lahat, salamat kasi ginusto kong mag-ayos ng sarili nung nakilala kita.

salamat dahil sa tuwing nagpapaganda ako, e naaappreciate mo.

salamat kasi dahil sa'yo, ramdam kong maganda talaga ko pag nag-aayos (oo,maganda ako dahil blog ko to :p)

salamat dahil ikaw na ata yung inspirasyon ko para ayusin buhay ko sa lahat ng aspeto.

pero hindi mo rin ako masisisi na mag-isip na what if we're more than friends? more than what we are right now?

pero pumasok din sa isip ko na: baka naman sadyang malandi ;lang ako dahil ganito iniisip ko.sana mali.

di ko mapigilang mag isip.minsan, overanalyze. pero, SALAMAT sa kung anuman yung naibibigay mo sa kin.
i want to be a better person because of you.