Linggo, Setyembre 18, 2011

libreng batok

ang topak ko lang.
dahil sa mga pangyayari kagabi, hindi ko napigilang magbukas ulit ng peysbuk para lang mag-stalk. matingnan kung sila pa rin. kelangan ko lang iconfirm kahit malinaw na malinaw na kagabi na OO, SILA PA RIN.

e ano bang nangyari kagabi?

nagpunta ko sa lugar na yun pero ni hindi sumagi sa isip ko na may makikita ako kasi nga naka move na ko. yun yung akala ko. kampante ako na hindi ko siya makikita dahil ilang beses na ko nagpunta dun pero wala na siya, ni anino wala.

maaga ako nagpunta kaya pumunta muna ako sa maliit na sulok dun. nag isip. nagpasalamat.

lumabas na ko. paglabas ko, sa makitid na hallway, andon siya. may kausap na nakatatanda. nagpatuloy ako sa paglalakad dahil hindi naman ako pwedeng huminto at tumingin lang sa kanya. hindi niya ko kilala. at isa pa, nagulat din ako na maamoy makita ko siya.

hindi ko sigurado pero PARANG huminto saglit yung puso ko. hindi siya tumibok kaya hindi na rin ako kumibo. pero napa isip ako. PARANG bumalik sa dati yung isip ko. kung pano niya ko pinakilig. kung pano niya ko titigan. kung pano niya pinaramdam na ang ganda ganda ko. oo me ganon?!

kaso MALABO.hindi pala. I-M-P-O-S-I-B-L-E.

aaminin ko. sumaya ako dahil nakita at naamoy ko siya. napakabango. pero hindi pa pala tapos yung gabi.

pauwi na ko. naglalakad. may nakitang room for rent yung kasama ko kaya napalingon ako. andun siya, SILA. nasa likod lang namin. medyo malayo kaya nakita ko nang malinaw na malinaw ang hubad na katotohanan. sabay silang naglalakad. mukhang ihahatid niya pa nga. hindi man magkahawak ang mga kamay nila, hindi ko naiwasang masaktan ng bonggang bonnga.

kung kanina, huminto yung puso ko nang makita siya, ngayon naman, kumirot. kaya kung iisipin mo, hindi na kelangan pang maghanap ng iba pang pruweba. pwede niyo na kong batukan at sabihing "shungeps!sila pa rin."

ang hirap maging babae?!