Lunes, Pebrero 21, 2011

dyip

kagabi, ang weird ng panaginip ko.

andun yung mga matagal ko nang hindi nakikita. tapos, andun ko narinig buong pangalan ng kras (crush) ko ngayon.

tapos, nagising na ko. at nung ini-stalk ko na si kras, hindi ko alam kung yung palayaw niya e yun na ang toong pangalan niya. kasi kung ganun, mali yung panaginip ko.

nasa totoong buhay na rin naman tayo, e ikkwento ko na ang mga pangyayari sa araw na ito. naligo ako at NAGHIKAW. oo, naghikaw ako. ngayon na lang ulit. naiwan ko kasi sa isa naming bahay yung mga hikaw ko at ngayon ko lang nakuha ulit.

umagang-umaga e nagbayad ako ng utang. ayun. tapos, gawa gawa kunwari ng pang-skul.sakay sa dyip at kaboom. may nagkkwentuhan kung sino naunang nalasing, at kung anung oras sila nalasing. bilang kaka pa-audition pa lang namin para sa drama talents, naisip ko, "uy, pwedeng ganyan yung boses ni kras." maluwag sa dyip nun. nasa likod ko yung nagsasalita. hindi ko naman gawaing tumingin muna sa mga nakasakay ng dyip bago ako sumakay.

pagkababa nung mama sa dyip, tiningnan ko. boom! si kras nga.

masaya ako kasi nakita ko ulit siya. e hindi naman kasi kami magkakilala.suntok sa buwan talaga na magkita kami. lalo na't makasabay at makatabi ko siya sa dyip.

pero sana pala, siksikan na lang yung dyip. sana maraming tao para tabing-tabi kami. sana mas mahaba yung binyahe nung dyip. sana mas malayo yung mula pagsakay ko hanggang sa bababaan niya. sana pala nag-trapik ng malala. sana nagbiglang preno yung dyip tas tumalsik ako sa kanya. haha. baliw! masyado nang nagiging pang tv at pelikula.



in short, maghikaw kayo girls.laging magpaganda dahil hindi mo alam kung kelan mo makikita yung gusto mong makita. haha.at magmasid-masid.

mamaya, kras mo na pala yung katabi mo sa dyip, hindi mo pa alam.

Linggo, Pebrero 13, 2011

love is a decision --V

dahil araw ng mga puso ngayon, makikisabay ulit ako sa agos. pero dahil wala naman akong ka-relasyon, ating tuklasin kung anu-ano na nga ba ang natutunan ko pagdating sa pag-ibig.

unang-una, never ever assume. ito ay para sa lahat--babae man o lalake. kasi kapag may nararamdaman tayo para sa isang tao, pakiramdam natin lahat ng ginagawa niya, para sa'tin. e hindi naman. mas maganda siguro kung tutubuan ka ng lakas ng loob para ikumpirma kung tama ang hinala mo. kung sa paanong paraan, ikaw na dumiskarte nun. mas maganda na kasi yung alam mo kung tama ka o mali kesa wala ka talagang alam at nabubuhay ka na lang sa pantasya.

ikalawa, dalawa lang naman ang pagpipilian mo sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pag-ibig...ang maghintay o ang kumilos. iyon lang naman lagi. akala mo madali dahil dalawa lang naman ang pagpipilian. kung naniniwala ka na kusang darating ang pag-ibig, yung the one, sa takdang panahon, maaaring tama ka o tutubuan ka na ng puting buhok e single ka pa rin. paano kung naghihintay ka nga pero nakakulong ka naman sa isang kwarto at hindi lumalabas man lang? walang makakapansin sa'yo. kung naghihintay ka, e makipagkaibigan man lang at lumabas sa "outside world." makiparty. makipagkilala. makipagkaibigan.

kung pipiliin mo namang kumilos. alam mo na dapat kung ano ang magiging kasunod ng mga gagawin mo. alam mo dapat ang tamang tiempo kung kailan dapat gawin at kung ano ang dapat sabihin. kapag kumilos ka na, kapag nasabi mo na, wala nang urungan. tatsmub na pre. di mo na mababawi na inamin mong mahal mo siya. dalawa lang naman ang maaaring kalabasan. isa e basted ka at mukha kang tanga, o ikaliligaya ng puso niyong dalawa. sabi ko nga, nasa tamang oras at salita lang yan.

madalas, sasabihin ng mga kaibigan ko na ako na ang kumilos. pero nakakasawa na kasi na ikaw yung laging kumikilos tapos ikaw pa yung babae. kaya nga natutunan ko na wag mag-assume.kasi maraming pagkakaiba ang mga babae sa lalake. iba ang signals at iba ang interpretasyon sa mga signal na ito. akala mo nakakapag-pakyut ka na, hindi naman pala. mga ganung tipo.

pero sabi nga sa nabasa ko, love is a decision. unang una pa lang, iisipin mo na kung handa ka na bang umibig, masaktan. pipiliin mong maging duwag, maghintay, o maging matapang. pipiliin mo kung sino, kung kanino mo ipagkakatiwala yang puso mo.

sa ngayon, nakapagdesisyon na ko. ang tanggalin muna ang konseptong ito. na wag muna maghanap. na maghintay na lang muna. na isantabi muna ang love. kasi habang naghihintay, pinapabuti ko muna yung sarili ko. uunahin ko muna yung mga bagay na MAS kailangan ng atensyon ko. kung may makapansin man sa kin, nasa kanya na yun kung kakatok siya o tutunganga lang sa pinto. at nasa akin na yun kung pagbubuksan ko siya, o mag-aayos muna, o magtutulog-tulugan na lang at magkukunwaring walang tao.

ikaw.nakapagdesisyon ka na ba?

Martes, Pebrero 8, 2011

nang makilala ko (or not) si doding daga

bilang pebrero na at malapit na rin naman ang araw ng mga puso, makikisawsaw na ko. pero kung inaasahan mong kikiligin ka, medyo mag isip isip ka muna. kasi hindi to happy ever after. once upon a time pa lang


nung elementary, wala pa kong konsepto ng crush. kaya pantay-pantay ang tingin ko sa mga klasmeyts ko. walang pogi, walang pangit. ang klasipikasyon ko lang noon ay babae o lalake, o di kaya e malinis o dugyot.

PERO, nagbago ang lahat nung grade 3 (naks!). kasi may klasmeyt akong umangat sa lahat. hindi lang dahil sa matangkad siya pero dahil na rin sa napakahusay niyang mag drawing. nanalo siya sa contest. napa-uyy lang ako. galing e. kasi ako, hindi ako marunong gumuhit at tanggap ko naman na yon. kaso, may ibang nali-link sa kanya, mas maingay yung loveteam nila. hindi ako makakapayag. syempre pa, pinili kong manahimik na lang at sabihin ang wagas na nararamdaman sa mga kaibigan ko.

FAIL.

kasi pagkalabas namin ng banyo, aba't ipinagsigawan na nila na crush ko si magaling magdrawing! define friends di ba? ayun, nagpiyesta naman ang klase at nakisawsaw pa yung english teacher namin na panay naman tukso. sa sobrang kahihiyan pagka-inis, yumuko na lang ako sa desk ko, kunwari natutulog. patay-malisya pero syempre, di yun pinalampas ng titser namin. di ko na tanda pero napatingin ako sa kanya dahil may sinabi siyang kung anu tas tinukso na ulit kami.

lesson learned: choose your friends.and teacher

na-trauma ata ako kaya nung grade 5 e hindi na ko nagka-crush. nga pala, lumipat ako ng skul ng grade 5 hindi naman dahil sa hindi ko na kinaya ang kahihiyan panunukso, pero dahil kinailangan naming lumipat ng bahay.

grade 6, wala rin. ang dudugyot naman kasi ng mga klasmeyt kong lalake. aba pag recess na, yung baon nilang kanin at ulam na may sabaw e hinahaluaan ng ketchup o kung anumang kagaguhang maisip at matripan nila sa pakain. nakakawalang-gana.

balik pala tayo sa grade 5 kung kailan may nagka-crush sa kin. pak! kapal 'no? syempre, waley na waley naman siya. mga tipo niya ata e career woman kasi ako presidente at topnotcher sa klase nun. e kaso mo, waley talaga e. hindi ko alam kung dahil ba maitim siya, laging bagsak, walang ka appeal appeal (hanggang ngayon) o dahil sa, sa gitna yung hati ng buhok niya. pero tila hindi ko mai-pinpoint kung anung meron siya na ayaw ko.

nung hayskul, tinamaan na naman ako sa klasmeyt kong napakadali ng buhay. itago natin siya sa pangalang carlo (di niya tunay na pangalan). kabarkada ko si carlo. naging barkada ko siya nung yung kaibigan kong babae e maging syota nung kaibigan niyang lalake. buong persyir ata e kami-kami magkakasama. iba-ibang bahay, sandamukal na pansit canton at hindi mabilang na basketball games. lagi lang nakangiti etong si charlie. paran walang problema. at yun siguro ang nagustuhan ko sa kanya.

parang napakadali ng buhay.

syempre pa, may nagkagusto ulit sa kin nito dahil tulad nung grade 5, career woamn ulit ako. kaso mo, si kuyang naglakas loob sabihin sa'king crush niya ko, mas maliit sa kin. at saka, there's just something wrong with his attitude. di ko mawari pero parang negatib vibes ang dulot niya.

uhm, bakit kaya ganon? mga naglalakas loob magtapat sa kin, di ko naman type?kelan darating yung type ako, type ko rin.  kelan Lord? kelan? char!

tapos, second year, medyo marami na kong nagustuhan. iba-iba ata per quarter. parang dumali para sa'kin ang gawing crush ang isang tao.

syempre, naging crush ko yung crush ng bayan klasrum. pogi. matangkad. medyo  matalino. nasubukan ko na ata lahat maging close lang kami. naging close nga kami pero hindi close na close. hindi niya ko nagustuhan. pero sa kanya ko naranasan na halos haranahin ko na siya ng gitara (kahit di naman ako marunong), magbati lang kami.(nag away kasi kami...malamang di ba?)

nung second year din, napalapit din ako sa isang lalake. kasi hindi siya tulad ng ibang lalake na nasasaktan ang ego pag nakikita ng barkada nila na may kausap silang babae. kainis lang. marami siyang kaibigang babae. parang lahat nga. sa kanya ako naging totoo. kahit ano, napapagusapan namin lalo na sa mga crush ko noon. sa sobrang close namin, NABULAG AKO. akala ko kasi, ako lang yung espesyal sa kanya. na sa akin lang siya ganito. mabait. masarap kausap. perpekto. kaso mo, sa lahat pala ng babae, ganun siya. isa siya dun sa mga FRIENDLY.

sa kanya naman ako unang nagtapat ng damdamin, through text. maaaring nandidiri na kayo ngayon pero ganun talaga minsan, malakas ang loob kapag hindi kaharap yung kausap. pero hindi ito katulad ng panliligaw o pakikipaghiwalay sa text, yun e mga bagay na hindi dapat ginagawa through text.


edi ayun, tinanong ko siya kung sino crush niya sa klasrum. sabi niya, yung babaeng nali-link sa kanya. para silang loveteam ng klase. syempre, nasaktan ako. tas tinanong niya kung sino naman daw yung akin. dahil may pagka tanga pa ko nun, sabi ko...kanina ikaw. ngayon si (insert name here) na. pak! patay na ko di ba?

ang maganda naman sa kanya e walang nagbago samin. kasi kinabukasan, nag aasaran pa rin kami. nag uusap tulad ng dati. walang nagbago.

nung junior na ko, wala namang bagong crush. paulit ulit lang sa mga naging crush ko noon. saka itong mga panahong ito, medyo one of the boys ako. ang outfit ko lagi, simpleng t-shirt at jeans. hindi talaga gurly.tas nanonood din ako ng nba kaya yun ang lagi naming usapan. at kung anupang usapan ng boys na pagmumukain kang tanga. kaya ko naman sakyan mga kagaguhan nila kaya ayun. saka kasi nung elem e one of the boys din talaga ako. prinsesa ng barkada. although this time, hindi nila inakala na prinsesa ako. akala nila i'm a lesby.

pano ko nalaman na akala nila i'm a lesby? simple. tinawag ako ni B1 at B2 sa isang sulok. tas nag heart-to-heart talk kami. at sila nagsimula nun, lalakeng lalake di ba? tas yun. tinanong nila ko kung ano gusto ko....babae o lalake.

WATDAEF!!! gulat na gulat ako as in! kasi naman, hindi ko talaga inakalang ganun tingin nila sa'kin. oo. i'm one of the boys pero boys din gusto ko. at nung sumagot ako na lalake syempre, gulat na gulat din sila. tapos, ang susunod na tanong e kung sino ang crush ko. sabihin na nating crush ko si B1. at hindi ako nagpapahuli sa crush ko na malamang crush ko siya. kaya sinabi ko na klasmeyt ko nung elementary na sa ibang skul nag-aaral. para di niya ma-confirm. tapos, alam mo yung pakiramdam na SANA, aamin na siya na gusto niya ko? kung di lang talaga pang bobo yung sagot ko? nakaka dishearten kaya yun sa lalake. SH*T! sana pala nagpa-kyut na lang ako at tinanong ko muna kung bakit o kaya kung sino crush niya.

after ko nga siya indirectly bastedin e tinanong ko siya kung sino crush niya. sinagot naman niya na yung nalilink din sa kanya sa room. pero sa pagkakasagot niya, parang napilitan lang siyang sagutin yun at maghanap ng ipapalit na pangalan sa pangalan ko.

kung iisipin, siya siguro ang una kong boypren. sayang.

tapos nun, naging mailap siya sa kin.

nung senior year na, ayun. paulit ulit na crush ulit. nothing serious. kaso mo, close pa rin kami ni lalakeng friendly, yung pinagtapatan ko ng damdamin nung second year. lagi kaming sabay umuwi kasi pareho kami ng dadaanan. pauwi, andami naming napapagkwentuhan. lalo na yung mga tsismis sa klasrum o kaya kung gaano nakakabagot magturo yung titser. o kung paano magkokopyahan sa exam.

intrams.
sabay ulit kami umuwi.kaso...tahimik. may something. alam mo yung close na close na kayo kaso walang may gustong umamin? ganun yung pakiramdam. tas yun, BOOM. nagkakalapit na yung mga kamay namin habang naglalakad. may tensyon sa pagitan naming dalawa. kaya na rin siguro nagpasya siyang dun sa kabilang daan maglakad, dun sa may kalsada tas ako naman, dun lang ako sa loob, sa may bandang residential. may siwang boom! nagkatinginan kami. mga bahay at semento ulit tas siwang boom. nagkatitigan ulit. hanggang sa boom! wala ng siwang.

matapos nito, may tensyon pa ring namagitan sa min.di na kami nag uusap.

chope lang ba siya o wala naman talaga? pero kung iisipin, strike two na. baka sana naging boypren ko rin to.

KOLEHIYO.
ayun. nahilig naman ata ako sa mga estranghero. hindi ko talaga kilala. mga isa o dalawang beses ko lang nakita. o kaya sa mga pektyur lang dahil sa close sila ng kamag-anak ko o kaibigan ko. ayun. para akong na-adik sa pagkilala sa kanila online. wala akong lakas ng loob na personal dahil nakakatakot nga naman yun. bigla na lang may lalapit sa'yo at sasabihing aylabyu. iskeyri. may istalker ka.

syempre pa, hanggang pangarap lang ako. pero nakakatuwa pag nang iistalk. kasi sobra ka kung magdiwang sa tuwing may nalalaman ka sa kanya. pangalan. edad. bertdey. hayskul.tas mag iinit ang ulo mo sa tuwing may ibang babae dun sa page niya. kala mo naman....kung makapag-react...parang may K.

NGAYON.
hindi ko alam kung saan siya ilalagay. kasi estranghero siya na hindi. nagkakilala na kami pero hindi talaga kami nagkakilala.

oo, malabo. ganito yun. nung 4th year hayskul, para na ring terminal yung skul namin tuwing uwian. tapos, nung pauwi na ko, nakasalubong ko yung dati kong klasmeyt, si honey (di niya totoong pangalan). sa ibang skul siya nag aaral at may kasama siya, si doding daga. edi ayun, sabi ni honey, uy ano, klasmeyt ko. tas ayun na. hanggang dun na lang.

akala ko lang pala. kasi ngayon, madalas kong makita si doding daga.

at ganun, ganun kami nagkakilala ni doding daga na crush ko ngayon.

Miyerkules, Pebrero 2, 2011

sinosi...tatsmub

ako si tatsmub. hindi naman ito yung pangalan ko sa birth certificate. pero para hindi niyo alam kung sino ako, ito na lang. dahil tinataningan ko rin ang sarili ko na magsulat. at kung anuman yung nasulat ko, kahit emosyonal man o walang kwenta o malalim, wala nang bawian. tatsmub.

malamang-lamang e puro tungkol sa lablayp ko ang mga sinusulat ko...na hanggang ngayon ay nananatiling bokya. bata pa naman ako kaya marami pa kong oras para diyan. pero wag na muna natin ito pag usapan.

isa pang pwedeng mabasa niyo rito ay tungkol sa pamilya ko. may mga pagkakataon kasi tayong naiinis sa kanila, nagagalit. mga pagkakataong kinekwestiron kung bakit ba sila ang napuntahan nating pamilya. wala naman tayong choice?!

yung iba, malamang e sa pang araw araw na buhay...mga pagninilay habang nakasakay sa bus, bumibili ng mais, may nakasalubong na umiiyak o may narinig na usapan. sadya lang talagang matalas ang paningin at pandinig ko sa mga umiiyak habang nalalakad o nakasakay sa dyip, nag aaway sa daan at kung anumang kaganapan meron sa araw ko.

bakit ko nga ba ayaw magpakilala? personal blog itong maituturing pero ayaw ko nang masyadong personal. na tipong pagkatapos mabasa to ng mga kilala ko e ako na yung laging pag uusapan sa mga kwentuhan. o kaya e pag nagkita kami, tatanungin kung kamusta na ko dahil ganito at ganyan ang huli kong post. at saka, sana sinabi ko na lang ng personal kesa isulat dito di ba? pati, ayaw ko nang may nadadamay na ibang tao. kawawa naman sila. mas mabuti na yung ititnatago sila sa mga "itago na lang natin siya sa pangalang..." saka, paano ako makakapaglabas ng sama ng loob kung yung kagalit ko ay nagbabasa nito? para na rin akong naghamon ng away na mediated?

ito na lang muna.pero susundan ko na agad ito. anlabo di ba? ganun talaga. sabi nga nila, walang permanenteng anuman sa mundong ibabaw.