Miyerkules, Hunyo 12, 2013

kawalan


minsan pala ganun, ano?
kahit na anong pilit mo sa sarili mo na "ayos lang, lilipas din yan"
kahit na ipamukha mo sa iba na ayos ka na at super mega laki na ng ngiti mo at umaapaw ang happiness
kahit na pilit mong pinaninidigan na wala lang yung nangyari, masaya ka na at naka-move on na

masakit pa rin. pinagdududahan mo pa rin yung sarili mo. at bago mo nang gawain ang tumititig sa kawalan nang walang ginagawa.

madaling sabihin na "kalimutan mo na lang yung nangyari, learn from it, move on"...

pero....

gano katagal akong magiging ganto?

----------------------------------------------------

yan yung ipo-post ko dapat sa facebook. kaso di ko tinuloy kasi ang petty. saka ayaw ko na ring harapin yung mga tanong na uusbong kapag pinost ko ito.

mag iisang linggo na rin kasi nang tuluyang mawala yung ugat ng kakiligan ko... di naman siya na deads or something pero nagka-girlfriend na siya.

sabi ko nga, rule #1: bawal magka-crush sa may girlfriend na. respeto na lang yan sa kapwa ko babae di ba?

ayun. bigla na lang naputol ang ugnayang meron tayong dalawa. pero kung iisipin mo, wala naman din tayong masyadong "ugnayan".

hindi ko na binibisita yung profile mo sa twitter pati sa fcebook kasi ayoko nang umasa, pati na rin masaktan. may kirot kasi kapag nakikita mo yung hindi naman iyo at hinding-hindi magiging iyo.

pero kanina, nakita ko na naman yung isa sa mga babaeng tipo mo. ang layo. ang layu-layo ko sa kanya. hindi ko naman dapat kinukumpara sarili ko sa kaninuman pero muli't muli, naparamdam mo na naman sa'kin kung gano ako ka-kulang para magustuhan mo.

sabi ko nga, suntok sa buwan ka. totoo naman.

may nagsabi sa'kin na umalis na'ko bago pa ko masaktan. kasi kahit na sabihin kong hindi ako nag eexpect, may ine-expect pa rin ako kahit konti. oo, siguro totoo. pero hindi ko inexpect na ganun. na magkaka-girlfriend ka nagyon na, agad-agad. masaya na ko na kilala mo ko at nagkaka-text tayo. masaya na ko dun.

pero ganun ata talaga...

yung rason kung bakit ako nakapagpasa ng chapters 1-4 ko e naging rason din kung bakit hindi ko ma edit edit yung chapters na yun...wala pa rin akong 2nd draft... kasi ambilis lumipas ng oras kapag nakatingin ka lang sa kawalan o kaya naghahanap ng kung ano mang makakapagpawala ng kirot na nararamdaman mo...tapos matutulog na lang at pagkagising mo, lumipas na naman ang araw na hindi ka umusad man lang sa dapat mong ginagawa.

naging masaya ako sa dalawang linggo ng pagpapakilig mo sa'kin...
nabawi rin dahil dalawang linggo kang hindi nagparamdam...
at ngayon, isang linggo na nang mabasag ako sa mensaheng ipinadala ng girlfriend mo.

gaano pa katagal ito?