matagal tatagl na rin akong walang maisulat dito...kasi ampanget naman kung pupunta kang net shop habang nasa nuknukan ka ng emosyon para makapag blog. HALERRR?! kung makangiti naman ng bonggang bongga--parang shunga lang. kung makapigil naman ng luha o galit o anupaman di ba? may sayad lang teh?
matagal tagal din akong nasa madilim na estado ng pag iisip, ng pakiramdam, ng pagkatao. tipong pag nasalubong mo ko sa daan, makikita mo yung itim kong aura...parang sa mga cartoons at anime....ganun.
bakit nga ba ko nagsulat ulit? pag nakalabas ka kasi sa madilim na estado, pag natuklasan mong may iba pa palang pintuan, iba pang kwarto na pwede mong puntahan...na matagal nang andyan (ikaw lang talaga ang hindi nag eexplore dahil pinili mong mag emote at masadlak dun sa itim na kwarto), mabubuhay ang katawang lupa mo. mabubuhay ang tiwala at kumpiyansa mo sa sarili.
tama nga si ted failon, LILIPAS DIN YAN. nasa sa iyo na rin kung gano mo katagal gustong manatili sa itim na kwarto. kung kelan mo gustong mag explore at pumunta sa pink, yellow o rainbow-colored na kwarto.
kaninang umaga, doble yung binigay na trabaho samin. kung dati tig bebente lang, ngayon....kwarenta. TADA! good morning daw @_@ tas byernes pa di ba....tipong gusto mo nang tapusin yung araw para wikend na tas tada....kwarenta.
sabi ko na lang kay Bro, kayo na pong bahala sa kin. I will do my best so please, do the rest. haha. inisip ko lang, ayoko mag ka error kaya napa-kape ako pampagising. nung tumayo ako sa pwesto ko para pumuntang banyo para jumingle, hinarang ako ni bisor. sabi niya, nakikita niya raw akong mag interbyu sa mga aplikante sa kompanya. nakikita niya raw na kaya ko yun. inulit na naman niya yung "I have high hopes for you." ang nasagot ko lang "okay". wala pa atang epekto yung kape e, natabunan nung kwarenta. kala niya sarkastiko ang sagot ko. haha. lost lang kanina. kinilig naman ako deep inside. discreet nga lang. ganun kasi ako pag kinikilig, nababato. parang pag me crush ako di ba, pag nagtititigan kami, kunwari walang malisya sa kin...pero kilig na kilig na ko deep inside. ganun ako kiligin, discreet. ang transparent ng mukha ko pero pagdating sa ganitong bagay, poker face!!!
mabalik tayo a kung nasaan man tayo...
nakakatuwa lang kapag may tao kang nakikilala na pag nagkita kayo, akala mo matagal na kayong magkakilala...tipong andami niya nang nasasabi na pwede kang maging ganito, ganyan...yung taong magsasabi sayo na ALAM KONG KAYA MO na walang halong kemberlu.
Haay...ansarap lang sa pakiramdam ^_^
antagal ko nang nasa madilim na kwarto kaya akala ko, poreber na ko dun, na baka yun na yung lugar ko sa mundong ibabaw. HINDI PALA. kelangan ko lang talagang dumaan sa itim na kwartong yung para patibayin ang sarili ko, para matalo ko yung mga kahinaan at kakulangan ko (sa pag iisip--chos!). kelangan kong dumaan dun para maging handa sa gusto kong puntahan. tipong kaya ako dinala sa itim na kwarto para makita ang susi sa dilim. MAHIRAP pero kapag nakapa mo na yung susi at pinili mong bumangon at umalis sa kwartong iyon, DUN MAGBABAGO ANG LAHAT.
^_^